Carla Abellana agrees that BIR should have tax information campaign

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinakita ni Carla Abellana ang kanyang pakikiisa sa taxpayers na nananawagan para sa tax information campaign, upang sa gayon ay mas maraming nagbabayad ng buwis ang mas makaunawa tungkol sa sistema ng BIR.


Nag-post ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang Instagram account ng panawagan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) tungkol sa kasalukuyang ipinatutupad na proseso at sistema ng pagbabayad ng buwis.

Ipinost ito ni Carla nitong Miyerkules ng hapon, March 25.

Caption ng aktres dito: “oh thank God I’m not alone. #dreadedannualseason #heartattack.”

Ayon sa kanyang post: “Taxpayers should be given sufficient time to adjust their systems and processes so that they can best comply with the new tax filing requirements."

Nakasaad din sa statement na nararapat na gumawa ng kampanya ang BIR para sa tax information upang maunawaan ng taxpayers ang mga bagong panuntunan at malaman ng kawani ng gobyerno ang mga hinaing ng mga nagbabayad ng buwis.

“Given this, we need to appeal to the BIR to defer the implementation of these new regulations tax until after this April 15 tax filing season.

“At the very least, this should be made optional, at this point rather than mandatory.”

Oh thank God i'm not alone. #dreadedannualtaxseason #heartattack

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) onMar 25, 2015 at 7:28am PDT

Katulad ni Carla, may ilang artista na nagkaroon ng problema dati sa BIR pagdating sa pagbabayad ng buwis.

Kabilang dito sina Judy Ann Santos, Solenn Heussaff, Manny Pacquiao, Ryan Bang, at Richard Gomez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN