Heart Evangelista still enjoying "honeymoon stage" with husband Senator Chiz Escudero

Heart Evangelista on being married: "Definitely, wala akong nararamdaman talaga na yung major change. Parang same lang kami noong mag-boyfriend, kaya lang mag-asawa na kami ngayon. We’re not living in sin anymore, ganun lang yun."


Pagkatapos ng mahigit isang buwan mula nang ikasal sila ni Senator Chiz Escudero, masasabing masayang-masaya si Heart Evangelista sa kanyang buhay may-asawa.

Ayon sa Kapuso actress-TV host, nasa “honeymoon stage” pa rin sila ng kanyang mister kaya walang araw na hindi siya inspirado, kahit sabihin pang pareho na silang bumalik sa kani-kanilang trabaho.

Nitong Huwebes, March 26, ay naanyayahan si Heart para sa ribbon-cutting ng kabubukas pa lang na Uncle Tetsu Cheese Cake branch sa SM Megamall.

Dito ay ibinahagi ng aktres ang ilang detalye sa pagsasama nila ni Senator Chiz bilang mag-asawa.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media, “Masaya, I'm learning a lot, maturing in many different ways, and it's very good para sa akin.

“Ang dami kong natututunan talaga—sa pagluto, sa pag-aalaga ng bata.

“Sa lahat ng mga natutunan ko nung bagets pa ako, sa scrapbooks, naituturo ko sa bagets.

“So, it’s different.”

Ang tinutukoy ni Heart na “bagets” ay ang kambal na anak ni Senator Chiz na sina Ma. Cecilia at Joaquin mula sa kanyang dating asawa na si Christine Flores.

Sabi pa ng aktres, “Actually, kailangan kong kulitin ang sarili na magtrabaho, kasi very lax ako masyado.

“Ganun pa yun, very domesticated nang konti, but I started to shoot for a soap with Lovi Poe.

“I'm sure malaking adjustment.

"At least, mabuti na rin na nandun si Lovi para 'di ako masyadong nalulungkot o nabu-bored."

THE HOUSEWIFE. Enjoy na enjoy raw si Heart sa buhay niya ngayon bilang isang maybahay.

“As a wife, ang saya!” bulalas niya.

“Every day, I sometimes wake up early in the morning to work out, minsan to cook breakfast ‘pag nandun pa siya [Chiz].

“Kung minsan, maaga akong magising lalo na ‘pag maaga siyang magising, kasi may interviews, ganyan-ganyan.

“I make sure may pantulog siya, I make sure na maayos ang bahay, ang setting ng table maayos... yung mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero masaya ang feeling kasi I can really feel na, as a woman, malaki ang minature [matured] ko, ang laki ng patience ko, yung ganyan.

“And to be a bit more positive in a way, to make time for everybody and everything in your life, and not to forget yourself at the same time.”

HONEYMOON STAGE. Pero nasa honeymoon stage pa nga raw silang dalawa.

Ani Heart, “Sinabi ko pala na ganun, na pagkatapos ng kasal, dapat talagang mag-honeymoon kayo, kasi yun yung moment.

“Pero medyo hindi kami nag-honeymoon, wala siyang time, sobrang busy niya ngayon.

“We're going to Japan this Holy Week, so parang honeymoon… but we've seen na rin yung Paris.

“So, okey lang, naiintindihan ko na busy siya.”

Dagdag niya, “But definitely, wala akong nararamdaman talaga na yung major change.

“Parang same lang kami noong mag-boyfriend, kaya lang mag-asawa na kami ngayon.

“We're not living in sin anymore, ganun lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN