Alex Gonzaga on insecurity issue with Vice Ganda: "Nahihiya ako."

Alex Gonzaga says her peace about insecurity issue with Vice Ganda, "Kasi naman bago ipagtapat, marami pa akong kakaining bigas. Kasi si Vice Ganda is the Unkabogable star and ever since day one talaga, never nagpakita si Vice ng poot or ng hindi ako puwede mag-promote sa kanya.”


“Nahihiya ako,” ito ang naging sagot ni Alex Gonzaga nang tanungin ang kanyang reaksiyon tungkol sa insecurity issue na iniuugnay sa kanya at sa kaibigang si Vice Ganda.

Nauna nang pinabulaanan ni Vice ang isyu, sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at sinabing ang sinumang nakaisip ng insecurity issue nila ni Alex ay isang "hunghang."

Read: Vice Ganda on insecurity issue with Alex Gonzaga: “Kung sino man ang nakaisip ay isang hunghang.”

Sa contract signing at press launch ng bagong produktong iniendorso ni Alex, ang Black View smartphone, kahapon, March 26, sa Midas Hotel, Roxas Boulevard, Pasay City, nilinaw at tinapos na ng Inday Bote star ang isyung pagtatapat sa kanila ni Vice.

Saad niya, “Nahihiya ako for Vice kasi bakit naman pinagtatapat?

“Kasi naman, bago ipagtapat, marami pa akong kakaining bigas.

“Kasi si Vice Ganda is the Unkabogable star.

"And ever since day one talaga, never nagpakita si Vice ng poot or ng hindi ako puwede mag-promote sa kanya."

Noong nakaraang Linggo ay guest ni Vice si Alex sa Gandang Gabi Vice at pinag-usapan nila doon ang parating na concert ni Alex na AG From the East sa April 25.

DEEP FRIENDSHIP. Ibinahagi rin ni Alex na malalim ang pagkakaibigan nila ng It’s Showtime host at para na niyang kapatid ito.

“He’s always been so nice, accommodating, and even sa daddy ko.

“Sobrang ipinaparamdam sa amin ni Vice na parang kapatid niya talaga kaming magkapatid.”

Dagdag pa niya, “Actually nahihiya ako, nakakahiya sa lahat ng itinulong sa amin ni Vice.

“Sa lahat ng pagiging ano niya sa aming magkapatid, sa pagmamahal na ipinapakita niya sa amin.

“Hindi lang sa ate ko [Toni Gonzaga], sa akin, even sa parents ko.

"So, nakakahiya."

Big deal ba ang isyung ito sa kanilang dalawa?

Sabi ni Alex, "Feeling ko hindi, kasi hindi naman ako tinawagan ni Vice tungkol do'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nahiya ako personally, kasi siya, batikan na siya sa pagko-concert.

"Ako, first time ko ‘to, 'tapos 'pag ganun ang ginagawa mo, parang nakakahiya sa kanya.

"Baka isipin niya ako nag-isip ng promo na yun, para ma-promote yun ano [concert] ko.

"Hindi talaga, hindi talaga... nahihiya ako."

ADVICE KAY VICE. May inilabas na self-help book si Alex kung saan nagbigay siya ng tips at advice base sa kanyang mga naging karanasan.

Kung mayroon siyang advise kay Vice, na kasalukuyang in a relationship, ano ito?

Sagot ni Alex, “Kung happy ka talaga, basta make sure na yung happiness mo, galing talaga sa puso.

“And make sure na yung happiness na nakukuha mo is kahit na wala na kayo, kahit hindi kayo magkasama, hindi kayo magka-text, masaya ka.

“Hindi yung meron kang sakit or merong nakakabagabag sa 'yo.

"Dapat yung happiness mo, kung talagang para sa ’yo 'yang tao na 'yan, hindi man kayo mag-usap, hindi kayo mag-date for one week, kuntento ka sa relationship niyo."

Kung siya naman ang hihingi ng payo kay "Madam Bertud," ano ito?

Patawang sagot ni Alex, “Kung meron man akong ide-date, ‘Beki ba siya?’

“Siyempre, 'di ba? Maaamoy niya yun.”

Sa March 31 ay 38th birthday ni Vice. Ano ang wish niya para sa kaibigan?

"More happiness, more success, joy, peace of mind.

"Continue to become a blessing to so many people and source of happiness ng marami."

THANKFUL. Samantala, thankful si Alex sa lahat ng nangyayari at natatanggap niyang blessings ngayon.

“Siyempre, every day, dapat kahit anong klaseng blessing ang ibigay sa 'yo, kahit hindi sa career ko, sa family ko, kahit yung pagiging engaged ng ate ko, it’s a blessing.

“Lahat ng nangyayaring turnabouts ng buhay mo, na-realize ko na dapat always thankful ka.

"Dahil kung talagang nagtitiwala ka kay Lord, feeling mo dapat lahat ng nangyayari sa buhay mo, maganda, because you trust Him and you know it’s always for the best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, so far, it’s really the best and I know that the more of the best is yet to come pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN