Vice Ganda on why he prefers to be a judge than host Binibining Pilipinas: "Kilala ko yung sarili ko, baka ma-playtime ko ‘yan."

"Si Toni [Gonzaga] nga ang ginawa lang, e... ‘di ba, umi-slight echos lang naman si Toni? Pero, dyusko, ang laki-laking issue! Imagine niyo kung ako ang gumawa nun, ‘di ba? Parang mas safe ako sa judge. Yung konting beses lang ako magsasalita," says Vice Ganda who’d rather be one of the judges than host Binibining Pilipinas pageant.


Dalawang linggo makalipas ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2015, hindi pa rin malimutan ni Vice Ganda ang kanyang naging karanasan bilang isa sa mga hurado ng prestihiyosong beauty pageant.

Pilit daw talaga siyang nagpaka-classy para sa gabing iyon at pinigilan ang pagiging natural na komedyante niya para sa naturang okasyon.

“E, siyempre, feeling ko first and last kong maggaganun kaya nagklasi-klasihan ako kahit naninigas na yung leeg ko!

“Ngawit na ngawit na ako, nagbabait-baitan lang ako sa isang sulok.

"Kasi, parang yun na rin naman ang ni-require sa akin dun sa pag-imbita nila sa akin," pagbabalik-tanaw ni Vice.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Vice sa presscon ng concert niyang Vice, Gandang Ganda Sa Sarili Sa Araneta: E di Wow! noong Miyerkules, March 25.

Kung saka-sakaling imbitahan ulit siyang maging bahagi ng Binibining Pilipinas, mas gusto ni Vice na maging hurado ulit kaysa ang mag-host ng pageant.

Ito ay sa kadahilanang natural na raw sa kanya ang humirit ng kung anu-anong punchline kapag siya ang naghu-host ng programa.

“To host? Parang mas gusto ko yung judge.

"Kasi kilala ko yung sarili ko, baka ma-playtime ko ‘yan.

“Si Toni nga, ang ginawa lang, e, ‘di ba, umi-slight echos lang naman si Toni? Pero, dyusko, ang laki-laking issue!

“Imagine niyo kung ako ang gumawa nun, ‘di ba?

"Parang mas safe ako sa judge. Yung konting beses lang ako magsasalita!" natatawang pahayag ni Vice.

TONI'S HOSTING STYLE. Hiningan din ng reaksiyon si Vice tungkol sa mga pambabatikos na natanggap ni Toni Gonzaga dahil sa style of hosting nito noong coronation night ng Binibining Pilipinas.

Bilang matalik na kaibigan, inamin ni Vice na nalungkot siya nang mabasa niya ang negative feedback laban kay Toni, partikular na ang pambabatikos ng former beauty queen na si Nina Ricci Alagao sa paghu-host ng Kapamilya TV host-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Toni Gonzaga's hosting stint in Binibining Pilipinas 2015 gets mixed reviews

Ngunit sa mga ganitong sitwasyon, iginiit ni Vice na hindi niya hawak ang anumang opinyon na nais ipahayag ng ibang tao.

“Nalungkot din ako kasi siyempre kaibigan ko si Toni.

"Nasaktan naman ako sa mga nabasa ko rin. May epekto sa akin nung binabasa ko yun.

"Sa Facebook ko nabasa yun, e. Nalungkot ako, naapektuhan ako.

“Pero siyempre, ibibigay ko rin naman sa kanya [Nina Ricci] yun dahil iba-iba rin naman ang pakiramdam ng mga tao, ‘di ba?

“Kung hindi nagustuhan, wala kaming magagawa ni Toni.

"Kayo naman ang nalungkot sa issue na ‘yan, hindi naman si Toni," simpleng saad ni Vice.

SATISFIED. Pagdating sa mga napiling winners ng Binibining Pilipinas ngayong taon, nanindigan si Vice na satisfied siya sa mga kandidatang nag-uwi ng mga korona.

Ito ay sina Miss Universe-Philippines Pia Wurtzbach, Bb. Pilipinas-International Janicel Lubina, Bb. Pilipinas-Supranational Rogeline Catacutan, Bb. Pilipinas-Intercontinental Christi Lynn McGarry, at Bb. Pilipinas-Tourism Ann Lorraine Colis.

Read: Pia Wurtzbach is Miss Universe-Philippines 2015!

Saad ni Vice, “Yung mga taong nanalo, e, yun din naman ang gusto kong manalo.

“Siguro yung mga pusi-posisyon lang. Siyempre, iba-iba naman ang gusto ng hurado.

"Pero yung mga nanalo dun, yun talaga ang nanalo ng majority sa botohan."

Kung sakaling mayroon siyang say sa mga itatanong sa kandidata, nais ni Vice na maging mas matapang ang tanong sa Q&A portion.

“Kung ako magde-decide ng itatanong, ang itatanong ko sa kanila: Sino sa mga pulitiko ngayon ang ipinagdadasal mong sana hindi maging Presidente sa susunod?

“Kasi, ‘di ba, dapat Ms. Philippines ka, dapat fierce ka.

"'Tapos meron kang sariling opinyon at kaya mong tumayo para sa opinyon na yun.

“Yun ang gusto kong makita, e, kaya lang may questions,” pagtatapos ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN