FIRST READ ON PEP. Jasmine Curtis Smith still mum on reason for breakup with Sam Concepcion

Pagkatapos ng halos lagpas isang buwang pananahimik, nagsalita na si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa hiwalayan nila ni Sam Concepcion. Bagamat hindi nito sinabi ang dahilan, itinanggi ni Jasmine na naimpluwensiyahan siya ng kanyang ate na si Anne Curtis.


Isa-isang sinagot ni Jasmine Curtis-Smith ang mga isyung ikinakabit sa kanya nitong mga nakaraang linggo.

Kabilang na rito ang hindi pa niya pagbibigay ng pahayag sa breakup nila ni Sam Concepcion.

Sa pinakahuling interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jasmine noong unang linggo ng Pebrero, sinabi niyang wala pa silang plano ni Sam sa paparating noong Valentine’s Day dahil pareho raw silang may trabaho.

Read: Jasmine Curtis-Smith thankful to TV5 for allowing her to do project in ABS-CBN

Pero noong February 13, isang araw bago ang Valentine's, namataan ng PEP si Sam na nanood ng Ultimate concert nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, at Regine Velasquez, sa MOA Arena. Mag-isa lang ang Kapamilya actor-singer.

View Gallery: #PEPSpotted: Vice Ganda solo, Vicki Belo and Hayden Kho on a date at the Ultimate concert

Ilang araw ang lumipas, lumabas ang balitang hiwalay na sina Sam at Jasmine.

Sa panayam ng PEP at iba pang piling miyembro ng media kay Jasmine ngayong Biyernes, March 27, umiwas muna noong una ang Kapatid actress na pag-usapan ang tungkol sa breakup nila ni Sam.

Sabi niya, “Siyempre, I'd like to focus on things that I’m busy with.

"I have no… wala, wala lang, I think I just wanna focus on work.

“So, mas magandang yun ang pag-usapan, alam mo yun, kasi siyempre out of respect for everyone na lang.”

Naka-move on na ba siya?

Sagot niya, “Hindi naman madali 'yang mga ganyan. I think it takes a lot of time.”

Nakausap ng PEP si Jasmine sa taping ng bagong showbiz talk show ng TV5 na Showbiz Konek Na Konek, kung saan guest ang aktres.


REASON FOR BREAKUP. Tikom pa rin ang bibig ni Jasmine sa tunay na rason ng breakup nila.

Pero ano ang puwede niyang maibahagi sa publiko?

Sabi nito, “All I can say is, right now... I’m busy with work, and I have a lot of things that keep me going and be inspired.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I’m just really thankful that I have a lot of people around me and also, you know, there’s no ill feelings naman. Yun lang."

Dagdag pa niya, “I prefer to keep that between us.

"You know… I’m not someone who would ever speak ill of someone like Sam.

“So, I think, best not to talk about it, only because we were never really that open to everyone about us.

"So, there’s no reason kung bakit ngayon pa ako magsisimula, you know?

“Like I said, I respect him and I also don’t want to make an issue out of it.

“Kasi, kahit papa'no rin naman, it’s not really going to enhance our work life. And our private lives.”

"IT WAS MY DECISION." Isa rin sa usap-usapan kaugnay ng breakup nila ay nanaig daw ang kagustuhan ng kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis, na tutol diumano sa kanilang relasyon ni Sam.

Naging malaking isyu nga noong nakaraang taon ang kumprontasyon nina Anne at Sam sa isang bar kung saan sinabihan diumano ng aktres ang singer na: "You're not even classy to be here."

Read: PEP SCOOP. Anne Curtis reportedly tells Sam Concepcion at Vice Ganda’s party: “You’re not even classy enough to be here!”

Ngunit kaagad na ipinagtanggol ni Jasmine ang kanyang ate sa pagkakadawit ng pangalan nito sa hiwalayan nila ni Sam.

Saad niya, “I think it’s unfair na ini-involve si Ate because, you know, parang naging dating nun na wala akong isip para sa sarili ko and I can’t decide for myself.

"And at the end of the day, no one has the right to dictate my actions but myself.

“So whatever went down, it was my decision, no one else’s.

"No once forced me to do anything and yun lang yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan ay balitang may iba na raw idini-date si Sam. Pero itinanggi ito ng singer-actor at sinabing kaibigan lang daw niya ito.

Ano ang masasabi ni Jasmine sa balitang ito?

Tugon ng Kapatid star, “Well, you know what, ano naman, e, basta yung communication namin is always open if we want to talk with each other.

"So, I just wanna respect his privacy, my privacy.

“What it is, what’s happening with him, then, you know, that’s his life.”

(UP NEXT: Jasmine on Paulo Avelino)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN