FIRST READ ON PEP. Jasmine Curtis-Smith denies Paulo Avelino is courting her

Mariing itinanggi ni Jasmine Curtis-Smith na may namamagitan sa kanila ni Paulo Avelino. Magkaibigan lang daw sila at magkatrabaho.


Sinagot na ng Kapatid actress na si Jasmine Curtis-Smith ang balitang nag-uugnay sa kanila ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Matatandaang noong unang linggo ng Marso, kumalat sa social media ang larawan ni Jasmine kasama si Paulo habang nagdi-dinner diumano sa isang restaurant.

Kasabay nito ang haka-hakang hiwalay na si Paulo at si KC Concepcion.

Read: Is Paulo Avelino's sighting with Jasmine Curtis-Smith related to KC Concepcion's "emo" IG posts?

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jasmine ngayong Biyernes, March 27, ay tinanong namin siya kung ano nga ba ang real score nila ni Paulo.

Sagot ni Jasmine, “Wala, 'tulad ng sabi ni Paulo, we’re just friends and co-workers who casually like to have dinner in a group, you know.

“So, there’s no issue…”

Magkasama sina Jasmine at Paulo sa pelikulang Mara ng Regal Films.

Dahil sa naturang larawan, na-bash nang husto sina Paulo at Jasmine. Pinaniniwalaan na ang mga bumatikos sa kanila ay tagasuporta ng pag-iibigang Paulo at KC.

May mensahe bang nais iparating si Jasmine sa mga ito?

Saad niya, “Ganun naman talaga, ‘di ba, in this industry, you befriend the opposite sex, it can be given a wrong idea already.

“So, I just have to accept that and, as long as, you know, I know and everyone else what really went down, so yun lang.

“Like he said, friends and co-workers.”

Once and for all, niligawan ba siya ni Paulo?

Mariing tanggi ni Jasmine, “No, no, no, no.

"A... we’re just friends and co-workers who like to hangout.”

JASMINE TURNS 21. Sa April 6 ang ika-21 kaarawan ni Jasmine. Ano kaya ang birthday wish niya?

Sagot nito, “Wish ko, more work.

"So far this year, hindi ako nabakante for work, so I’m very thankful.

“And, more growth for myself, kasi nakikita ko naman na nagpu-progress na yung maturity ko in terms on how I work with people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati daw kasi ay immature siya. Pero ngayon ay nakikita na raw niya kung paano makabuo ng magandang pakikipagkapwa-tao, lalo na sa mga taong mga nakakatrabaho niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN