Louise delos Reyes patiently awaits next project for Kapuso network

Louise delos Reyes says she’s been informed of possible projects for Kapuso network, but nothing definite has been laid out yet: “May mga sinasabi sila, pero wala pang definite na sinasabi, e. Sabi nila meron daw pero yun nga, ayaw pa nilang sabihin kung ano.”


Mag-iisang taon na yatang walang regular na programa o teleserye si Louise delos Reyes sa Kapuso network. Ito ay matapos niyang gawin ang Kambal Sirena na teleserye nila ni Aljur Abrenica.

Kasabay rin kasi nito ay ang ilang kontrobersiya sa kanilang dalawa.

Puwedeng isipin na pinagpahinga muna si Louise ng network o nagkataon lang din pagkatapos ng magkasunud-sunod dati ang mga serye niya.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa Dakak Park and Beach Resort sa Dapitan City kunsaan isa siya sa mga Kapuso stars na naging bahagi ng Kapuso Weekend doon, nabanggit niya na meron na rin daw sinasabi sa kanyang serye na posibleng sisimulan na niya.

“May mga sinasabi sila, pero wala pang definite na sinasabi, e. Sabi nila meron daw pero yun nga, ayaw pa nilang sabihin kung ano,” paglinaw niya.

MISSING TANDEM WITH ALDEN. Matagal na rin ang huling teleserye na pinagsamahan nila ng orihinal niyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Kung sakali, gusto ba niyang sa gagawin niyang serye ay silang muli ang pagtambalin ng network?

“Actually, parang na-miss ko na nga po ang tandem namin,” pag-amin niya.

OPEN TO BEING PAIRED WITH OTHERS. Nang makausap namin si Alden kamakailan lang, nagpahiwatig din ito na tila gusto niyang magkasama silang muli.

Ayon kay Louise, “Parang iba yung tandem namin. Parang there’s something in it na anong meron.

“Pero I’m open also with others, kahit naman sino. Wala namang in particular.

“Parang everyone’s okay naman. Parang lahat naman, naaalagaan ng network na puwedeng maging leading man.

“Ako naman, I’m just open with everything.”

HOLY WEEK PLANS. Ngayong Holy Week, may plano raw silang dalawa ni Glaiza de Castro na mag-outreach program.

Kuwento ni Louise, “May plano kami ni Glaiza na mag-outreach program. Sa Palawan sana. Pero, parang wala pang... 'Ah, Glai, anong petsa na?'” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung hindi man kami magpu-push through baka with family lang. Kasi meron din akong dito sa Palawan.”

Sa beach pa rin ang gusto niya ngayong Holy Week?

“Oo,” nakangiti niyang sabi.

Dugtong pa niya, “Actually, noong Sinulog kasi, hindi ako pinayagan. So parang nalungkot ako. Nagpa-book ako ng tatlo.

“Caramoan, Coron din, hindi ko pa sila napuntahan. Gusto ko lang talagang ma-experience ang life. Gusto ko na kapag kausap ko ang anak ko, marami akong maikukuwento.”

FLOODER? Isa si Louise sa napakasipag mag-post sa Instagram.

Kung minsan, halos katatapos pa lang ng ilang minutong post niya, may bago na naman.

Natawa si Louise at sabi niya, “Actually, sinasabi nila, flooder ka. Pero okey lang ako.

Ayon sa urbandictionary.com, ang “flooder” ay “a person who posts updates on Facebook so frequently that your newsfeed is literally flooded with their uninteresting statuses, photos, and videos.”

“Gusto kong ma-capture every moment. Ayokong magpu-post ng wala lang. Ano ‘yang post mo, selfie?

“Magse-selfie ka na nga lang, e di gandahan mo na, gawin mo nang artsy and at the same time, they can see me na I’m doing something,” lahad pa niya.

DEALING WITH BASHERS. Dahil napakaaktibo nga niya sa social media, isa rin siya sa mga artista ng Kapuso na nakakatanggap ng maraming pangba-bash lalo na noong isang taon kunsaan may mga kontrobersiya siyang pinagdaanan.

Pumapatol ba siya kapag bina-bash siya?

“Wala akong sinagot, pero iniyakan ko silang lahat,” pag-amin niya.

Sabi pa niya, “Wala rin naman akong magagawa. I can’t control their feelings.

“Hindi ko naman puwedeng sabihin na huwag mong sabihin or hindi ko rin naman puwedeng ilabas ang kamay ko sa screen nila at sampalin sila.

“Pero hayun e, public property ka at isa lang din yun sa natutunan ko sa isa kong workshop na once you get out of your house, nasa trabaho ka na agad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN