Benjamin Alves jokingly reveals birthday wish: “Magka-lovelife.”

Benjamin Alves admits his frustrations in looking for Ms. Right: “I’m looking for it. And you know what, when you said namimili ako sa role, I’m probably a lot more picky in women. It’s probably a blessing and a curse. Kasi wala kang mahanap.”


Ngayong March 31 ang ika-26 na kaarawan ng Kapuso actor na si Benjamin Alves, at natapat ito ng Holy Tuesday.

“I’ll try to be holy on that day,” natawa niyang sabi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na Kapuso Weekend in Dapitan noong March 21 sa Dakak Park and Beach Resort.

Ayon pa kay Benjamin, “I think I have work on my birthday, they texted me there’s a regional [show]. But if ever, I’ll probably go diving.

“I also want to come back here in Dakak. Pagdating nga namin tumalon na 'ko agad ng bangka.

“I was so excited, I really looked so excited.”

BIRTHDAY RUN TRADITION. Pero may ginagawa raw talaga siya kapag araw ng kaarawan niya.

Tumatakbo raw siya kung ilang taon siya at yun din ang bilang ng kilometrong tinatakbo niya.

Sabi niya, “Tinatakbo ko in kilometres. Imagine kung maging 42 ako, marathon na ako.”

Kailan niya sinimulan yung pagtakbo kung ano ang edad niya sa kilometro?

“Noong nag-twenty ako,” lahad niya.

Ano ang nakukuha niya mula sa pagtakbo tuwing kaarawan niya? Ano ang gusto niyang patunayan sa ginagawa?

“Na kaya mo pa, 'di ba, ang hirap nun?

“Mahirap siya, pero kaya mo pa. I make everyone try to do it, yung mga kaibigan ko,” dagdag pa niya.

PICKY WITH WOMEN. Ngayong kaarawan niya, wala ba siyang iniisip na gusto niyang makasama namang tumakbo ng 26 na kilometro?

“Sana nga!

“You know, that’s the first thing I thought about,” pag-amin pa niya.

Naghahanap na ba siya?

“I’m looking for it. And you know what, when you said namimili ako sa role, I’m probably a lot more picky in women.

“It’s probably a blessing and a curse.

“Kasi wala kang mahanap. Kasi wala... mahirap, e. But I’m telling you, mahirap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “But you know guys, I do date.”

PREFERS NON-SHOWBIZ GIRLS. Nasa showbiz din ba?

“I just said it, I don’t want in showbiz muna. Parang ayoko munang sa showbiz. I’ve dated but it doesn’t work out.

“I’m still friends with them. I mean, I date but I don’t sleep around. Baka naman yun ang nasa image na nasa isip nila.

“When you say date kasi, may negative connotation, but you know, it’s not,” paglinaw pa niya.

Kung may birthday wish siya, ano naman?

“Magka-lovelife,” natawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN