Claudine Barretto says she’s civil to estranged husband Raymart Santiago and sister Marjorie Barretto

Claudine Barretto on her relationship with Raymart Santiago: “We’re really trying to be talagang good parents for the kids. We failed as husband and wife, but we’re trying not to fail as parents now.”


“Mas positive.”

Ito ang nasabi ng Optimum Star na si Claudine Barretto nang kumustahin siya ng TV host na si Boy Abunda sa kanyang eksklusibong panayam para sa The Buzz ngayong Linggo ng hapon, March 29.

Dagdag pa ni Claudine tungkol sa kanyang kalagayan, “Hindi ko masasabing sobra, or very, very happy, but I could say that parang there’s a lot of peace now.”

Unang tinalakay sa kanilang panayam ang status nila ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago. Ito ay matapos makita ang dalawa na magkasama para sa Fun Run kung saan kabilang ang anak nila na si Sabina.

Read: LOOK: Raymart Santiago bonds with his kids Santino and Sabina with Claudine Barretto at Green MOVEment Fun Run

Sagot ni Claudine, “We’re very civil. Yes, now we're talking.”

Nagkausap din daw sina Claudine at Raymart nung araw na iyon.

Kuwento pa niya, “After the Fun Run—that was a Sunday I think two to three weeks ago—we had dinner together.”


CIVIL WITH RAYMART. Kinumusta rin ni Boy si Claudine tungkol sa custody case sa pagitan nila ni Raymart.

Ayon kay Claudine, mas pinipili nilang huwag na sagutin ang mga tanong tungkol sa isa’t isa lalo na kung hindi maganda ang babanggitin ng mga ito.

Sabi pa ng aktres, “All I can say is… I actually talked to Raymart, parang kasi napag-usapan namin na sana, let’s not talk to each other anymore.

“Or let’s not accept questions regarding each other kung hindi maganda yung sasabihin natin.

“And now, we’re really trying to be talagang good parents for the kids.

“We failed as husband and wife, but we’re trying not to fail as parents now.”


JULIA’S DEBUT. Tinalakay rin kung paano nakuha ni Claudine ang imbitasyon para sa grand debut ng pamangkin na si Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Julia ay anak ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto. Ginanap ang grand debut ni Julia sa Makati Shangri-La Hotel noong March 10.

Bahagi niya, “I received a text message from Tita Mariole Alberto of Star Magic asking, ‘Is it a good time to call?’

“So she called me, 'tapos [sabi niya], ‘I’ll pass this to Julia,’ ganyan.

“And then, yun, after three years narinig ko yung, ‘Mama…’”

Hindi raw napigilan ni Claudine na maging emosyunal nang kumustahin siya ng kanyang pamangkin.

“Sabi niya [Julia], ‘Ma…’ Sabi niya, ‘How are you?’

“And then, siyempre yun na, I got so emotional na.

“‘I miss you so much,’ sabi ko. ‘I miss all of you.’"

Kuwento pa ni Claudine, “Sabi ko, ‘I wanna see you on TV and your commercials and I’m so proud of…’

“And then sabi niya, ‘Mama pretty…’

“'Tapos hirap na hirap siya magbuwelo, ‘E, di ba it’s my birthday na, it’s debut na on March 10.’

“Sabi niya, ‘Mama, can you go?’

“Ang tagal bago sinabi niya, ‘Mama, can you go?’

“'Tapos, napa-stop lang ako kasi napaisip ako, biglang I just blurted out, ‘Of course!’

“I said, 'Of course,' pero I was thinking, ‘Sino ang gagawa ng gown ng ganito kabilis…’

“And I was like, paano mangyayari yun and she said, ‘Promise me, Mama?’

“Sabi ko, ‘I promise, Julia, I’ll be there.’”


WORKING WITH JULIA. “Yes!” naman ang excited na nasabi ni Claudine nang tanungin kung papayag ba siyang maka-trabaho si Julia sa isang pelikula.

Tinanong din ni Boy, kung sakali, alin sa mga pelikula ni Claudine ang nais niyang gawin din ni Julia?

Sagot ni Claudine sa tanong ni Boy, “I told Direk Wenn [Deramas] and I told Tita Malou Santos, I would really like Julia to do Dahil Mahal Na Mahal Kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, ako si Jaclyn Jose na mas pinalakihan yung role, and of course, I would also like her to do Saan Ka Man Naroroon or Sa Dulo Ng Walang Hanggan.


LEON AND CLAUDIA. Ikinuwento rin ni Claudine kung paano niya muling nakausap ang nakababatang kapatid ni Julia, sina Leon at Claudia.

Sinabi nito na si Leon ang kanyang unang nakita sa magkakapatid.

“Si Leon nakita ko sa Ateneo because we had a program.

“And when he saw me, he just jumped and he hugged me and I kissed him sa cheek.

“'Tapos he was so happy…”

Si Claudia naman ang unang nakita ni Claudine sa debut ni Julia.

Kuwento pa niya, “Si Claudia ang una kong nakita sa debut. Si [Claudia] lang ang hindi ko alam ang damdamin towards me.

“Sabi ko lang, ‘I love you so much and I miss you… as a mom, ganyan-ganyan.

“I was more emotional when I saw Claudia.”


DANI. Kinumusta rin ni Boy ang relasyon nila ng panganay na anak ni Marjorie na si Dani Barretto.

Matatandaang nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan ang dalawa matapos pumutok ang isyung sinisiraan daw ni Dani si Claudine sa social media.

Read: Dani Barretto denies bashing aunt Claudine Barretto; defends mom Marjorie Barretto

Muling nagkita sina Claudine at Dani sa debut ni Julia at niyakap siya nito nang pabalik na siya sa kanyang kuwarto.

Kuwento pa ng 35-year-old actress, “When I was on my way back na, I was going back to my room na, nung palabas na ako ng ballroom, someboy hugged me.

“And then, nagulat ako kasi nakita ko si Dani.

“But I saw her kasi I went around and she was there.

“Siguro hindi niya lang alam kung paano ako pupuntahan.”

Dagdag pa ni Claudine, “She didn’t say anything, she just hugged me really tight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And parang dun naiyak na talaga ako kasi parang nasaktan talaga ako.”

Inamin din ni Claudine na sumama ang loob niya kay Dani matapos nitong magpa-interview sa The Buzz noong May 2014 nang tanungin ni Boy kung galit ba siya dito.

Sabi ni Claudine, “Masama ang loob after her interview, malaking tampo.

“But then again, I always say na I feel this way because I love her so much.

“I just asked her why and I said, ‘Don’t let anybody make you think, even for one second na hindi ko kayo mahal, na hindi kita mahal, Dani. Kasi mahal na mahal kita.’

“And siguro, yun, nag-aantay lang ako ng apology.”

Humingi ba ng tawad si Dani sa kanya?

Sagot niya, “No, not yet. But I know, siguro, hindi yun yung right time.”


MARJORIE. Tinanong din ni Boy si Claudine kung nagkaayos na ba sila ng kanyang kapatid na si Marjorie Barretto.

Sagot ng aktres, “I don’t know kung saan kami ni Marjorie, sa relationship namin ngayon.

“I think it’s safe to say we’re civil.

“And yun, sa debut ni Julia ganyan, kinausap namin the other staff dun, na lalapit ako sa ate ko.

“Tinayming ko na sa parang padulo na talaga.

“Nagbeso ako, 'tapos sabi niya, ‘Thank you for coming, it means so much to Julia and to me.’

“And then I said, ‘Thank you for inviting me.’

“'Pag dumadaan siya sa likod ko, she’d ask me, ‘Did you eat na?’ and ‘What do you want to drink?’

“Yun, nakikita mo ulit yung pagka-ate niya, alam mo yun?

“Pero parang natatakot ako mag-dive dun sa gano'n... kasi baka maulit, baka mawala ulit.”

Nang tanungin naman kung nagkausap na sila ni Marjorie, sagot ni Claudine, "After the debut of Julia, the next day, we had breakfast together.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SHOWBIZ COMEBACK. Sa pagtatapos ng panayam, napag-usapan naman ang showbiz comeback ni Claudine.

Pinaghahandaan ni Claudine ngayon ang pelikula niya kay Direk Wenn Deramas, ang Pinilit Kong Limutin Ka.

Ngunit bakit nga ba pelikula muna ang kanyang gagawin?

Sagot ni Claudine, “We decided na I should first do movies muna.

“Kasi ang last ko, In Your Eyes, and also to test the waters kung may market ka pa, 'di ba?

“And then saka na yung teleseryes; so we’re doing two movies.”

Tinanong din ni Boy kung ano ang mga natutunan ni Claudine matapos mangyari ang lahat.

Sabi ni Claudine, “I think, dalawa. One is never allow anybody to take advantage of you.

“And you have to be sure that you’re surrounded by real friends and real people.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN