Bea Alonzo quashes pregnancy rumor: “NOT true!”

Kasalukuyang nasa Japan ang magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo para magbakasyon. Ini-enjoy ng dalawa ang kanilang Holy Week break.


β€œSayang ang pamasahe!”

Ito ang patawang buwelta ni Bea Alonzo, 27, sa lumabas na isyung nagdadalantao diumano siya.

Kasalukuyang nasa Japan si Bea kasama ang boyfriend na si Zanjoe Marudo, 32, para sa kanilang Holy Week vacation.

it was a rainy afternoon in nara but we still had an awesome day! 🌸🌸🌸 #bztravels

A photo posted by bea alonzo (@beaalonzo) onApr 1, 2015 at 2:13am PDT

more 🌸🌸🌸🌸🌸 #bztravels

A photo posted by bea alonzo (@beaalonzo) onApr 1, 2015 at 3:01am PDT

Habang nasa bakasyon, ayaw raw nilang pansinin ang mga nakakatawang tsismis na buntis daw ang Kapamilya actress dahil hindi siya masyadong visible sa telebisyon.

Sa last presscon daw kasi ni Bea, para sa bago niyang endorsement, pinagbawalan ang entertainment press na tanungin ang aktres tungkol sa isyu.

Pero wala man siyang TV project, ginagawa ni Bea ang pelikulang Crossroads para sa Star Cinema.

β€œNOT TRUE.” Ngayong araw, April, 1, nag-post si Bea sa kanyang Instagram account upang pabulaanan ang balitang buntis siya.

Aniya, β€œHey everybody!!! still enjoying sakura viewing here in japan 🌸🌸🌸

β€œSiguro nman di namin ma-eenjoy talaga ang bakasyon at ang ganda ng bansang ito kung papansinin namin ang katawatawang chismis…

β€œSayang ang pamasahe! haha! πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ the RUMOR of me being pregnant is NOT true!!! May we all have a meaningful and peaceful week.. πŸ™ 😊

β€œLlet's all go back collecting good vibes and happy memories.. ❀️ God bless you all! 😘😘😘 #notpregnant”

Mag-aapat na taon na ang relasyon nina Bea at Zanjoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN