"Napakasakit Kuya Eddie" singer Roel Cortez succumbs to colon cancer

Singer Roel Cortez passed away last April 1 after a short battle with colon cancer. He will be laid to rest on April 9.


Pumanaw na ang singer na si Roel Cortez dahil sa sakit na colon cancer.

Si Roel ay sumikat noong dekada '80 dahil sa mga awitin niya tulad ng "Baleleng" at "Napakasakit Kuya Eddie."

Ayon sa official Facebook page ng Kapuso Mo, Jessica Soho, binawian ng buhay si Roel nitong Miyerkules, April 1, bandang 9:30 P.M.

Noon lamang March 22 ay nai-feature muli sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang istorya ni Roel, na nakaratay na sa higaan dahil sa kanyang stage 4 colon cancer.

Dito ay isiniwalat ng singer ang kanyang saloobin kaugnay ng kanyang malubhang karamdaman.

“Sawa na ako sa buhay na ganito. Aanhin ko ang buhay na ganito? Ni hindi ako makalakad. Hindi ko man lang matanaw ang paligid ko rito,” sambit niya.

Ayon pa sa dating mang-aawit, mismong ang doktor na sumuri sa kanya ang nagsabing mahirap nang bigyan ng lunas ang malubha niyang karamdaman.

Read: "Napakasakit Kuya Eddie" singer Roel Cortez diagnosed with stage 4 colon cancer

At pagkalipas nga lamang ng ilang linggo ay binawian na ng buhay si Roel.

Nakalagak ang mga labi ni Roel sa Ever Funeral, sa Pantok Meycauayan, Bulacan.

Ihahatid siya sa kanyang huling hantungan sa April 9, Huwebes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN