Juancho Triviño not affected by gay rumors: “Hindi totoo yun.”

Juancho Triviño’s single status does not have anything to do with his gender. His simple reason is: “Hindi ko pa kayang i-balance yung lovelife and work and school right now.”


"Masayang-masaya ako siyempre,” ang bulalas ni Juancho Triviño tungkol sa pagkakasama niya sa bagong show ng GMA, ang InstaDAD.

Bilang si Kenneth ay isa siyang basketball jock sa show at love interest ni Ash Ortega, na ginagampanan ang papel ni Mayumi.

“Sikat sa school, varsity player. Actually, unang taping ko, basketball lang ang ipinagawa sa akin e,” at natawa si Juancho.

May eksena ba siya sa InstaDAD na nasa locker room at nakahubad?

“Sabi nila.”

Papayag naman daw si Juancho sa ganitong eksena.

HAPPY WITH CAREER. Walang pinagdaanang contest o artista search si Juancho bago napasok bilang artista sa GMA. Ang manager niya ay manager rin ni Jaya, si Maristel Fernandez, na co-manager ng GMA Artist Center.

Ano ang advantage na ang humahawak ng career niya ay manager rin ng isang sikat na singer, si Jaya na kilalang Queen of Soul?

“Well sa larangan ng pagkanta, meron kaming connections sa mga workshops and, siyempre, si Ate Jaya, batikan na sa showbiz.

"May connections na rin si Tital Stel, madali na lang kasi alam na niya yung mga dapat gawin at mga hindi dapat gawin sa showbiz.”

Nagsimula bilang tween star, hindi naman daw masama ang loob ni Juancho na mas nabibigyan ng mas malalaking break ang mga kapwa niyang nagsimula rin bilang tween male stars na sina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix.

“Deserving naman sila kasi magaling naman talaga yung dalawang yun.

"And well, I’m happy with my showbiz career so far kasi may Bubble Gang naman ako at hindi naman lahat ng tao nakakasali dun agad-agad.”

At ngayon nga ay may InstaDAD siya na ipapalabas na sa Linggo, April 5, mula 4:30 hanggang 5:30 ng hapon pagkatapos ng Sunday All Stars.

Bida rito si Gabby Eigenmann na gaganap bilang si Kenneth.

Gracia ang magiging karakter ni Matet de Leon, na tiyahin ng tatlong Kapuso young female stars na gaganap bilang triplets: sina Gabbi Garcia bilang si Marikit, Jazz Ocampo bilang si Maaya, at Ash Ortega bilang si Mayumi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa cast din ang male newcomer na si Prince Villanueva bilang si Ikot.

Ito ay sa direksyon ni Neal del Rosario.

“Tingnan natin kung ano’ng mangyayari after this and during this show so iyon.

"Break-break lang 'yan and gagalingan ko rin naman.”

GAY RUMORS. Tinanong namin si Juancho tungkol sa pang-iintriga sa kanyang gender, na natsitsismis siyang bading kaya wala siyang girlfriend.

Nakarating na ba sa kanya iyon?

“Hindi pa, hindi pa,” at tumawa si Juancho.

“Ang comment ko dun ay alam ng friends ko at ng family ko yung totoo naman.

"And I know my priorities lang sa ngayon. Nag-aaral ako at may showbiz ano ako, may Bubble Gang and InstaDAD.

"Siyempre kailangan ding pagandahin yung katawan ko and may workshops so I know my priorities.

“Hindi ko pa kayang i-balance yung lovelife and work and school right now.”

Aware naman daw si Juancho na ang karamihan sa mga artistang lalaki, kung hindi natsitsismis na bading ay may karelasyon na bading.

Biniro namin siya: kung siya ang papipillin, alin ang mas gugustuhin niyang isyu na ipupukol sa kanya—ang bading siya o may karelasyon siyang gay?

“Hindi naman siya masyadong factor for me kasi we know the truth naman, e.

"And tsismis lang yun, e. Just rumors.

"And I’ll just do my job, and kung anumang rumors 'yan, hindi naman ako maaapektuhan diyan.”

Hindi raw siya nagagalit sa mga nagkakalat ng ganoong balita tungkol sa kanya.

“Of course not, of course not.”

Ang mensahe niya sa mga nang-iintriga sa kanya.

“Wala naman. Well, kilalanin muna nila ako and hindi naman totoo yun.

“Hindi totoo yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN