Chanda Romero gains netizens’ attention for offbeat role in Pari ’Koy

Chanda Romero is surprised and happy because of the social media buzz generated by her character as a pretentious Catholic in GMA-7’s Pari ’Koy: “I am overwhelmed by the response of the televiewers. Matagal kong hindi naranasan ang mapuri ang isang character na ginagampanan ko, lalo na on television. Natuwa ako sa mga positive at pati sa mga negative feedback.”


Napag-uusapan sa social media ang role ng award-winning veteran actress na si Chanda Romero sa GMA-7 teleserye na Pari ‘Koy.

Ginagampanan ni Ms. Chanda ang role na Martha Buenavista at ito ang kumakalaban sa pamamalakad sa simbahan ni Father Kokoy na ginagampanan ni Dingdong Dantes.

Kinatutuwaan ng mga netizens ang pagganap ni Chanda bilang si Madam Martha na isang konserbatibong relihiyosa, pero may tinatago itong hindi magandang pag-uugali kapag hindi siya nakaharap sa maraming tao.

Noong makarating kay Ms. Chanda ang mga tweets ng mga nanonood ng Pari ‘Koy, natuwa ito dahil napabilib niya ang mga ito na isa siyang mapagkunwaring Katoliko na kumakalaban sa isang pari.

“I am overwhelmed by the response of the televiewers.

“Matagal kong hindi naranasan ang mapuri ang isang character na ginagampanan ko, lalo na on television.

“Natuwa ako sa mga positive at pati sa mga negative feedback.

“For me, they are all praises and I love playing the the role they gave me in Pari ‘Koy as Martha,” pagpapasalamat ni Ms. Chanda.


LEGACY. Isa sa nirerespetong aktres sa industriya si Ms. Chanda Romero, who has been in the business for the past 42 years.

Ang mga award-winning film roles ni Ms. Chanda ay mula sa mga pelikulang Boy Pana (1978) at Karma (1982). Nanalo siya rito ng best supporting actress awards sa Gawad Urian and FAMAS.

Nakakuha rin siya ng acting nominations mula sa mga pelikulang Bakit Manipis Ang Ulap?, Kasal?, Agaw-Armas, Ikaw At Ang Gabi, Inay, Mananayaw, at Naglalayag.

Si Ms. Chanda nga ang isa sa original cast ng mga ni-remake na teleserye ng GMA-7 na Villa Quintana (1995) at Ikaw Lang Ang Mamahalin (2001).

Suki na siya sa mga teleserye ng Kapuso network tulad ng Narito Ang Puso Ko, Now and Forever, Princess Charming, Mga Kuwento Ni Lola Basyang, Magic Kamison, Impostora, Dyesebel, Obra, Luna Mystika, Adik Sa ‘Yo, The Last Prince, Zorro, Dwarfina, Sisid, My Beloved, Faithfully, My Husband’s Lover, Kambal Sirena, at Strawberry Lane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


TELEVIEWERS' FEEDBACK. Ito ang ilang tweets na nagpapatunay na kaabang-abang ang karakter ni Ms. Chanda bilang Madam Marta:

“Maldita talaga si Madam Martha, sinabotahe ang binyagan #PKPinggoysPast” byj (@dybyj)

“#PKPinggoysPast Madam sinabotahe ang pagbibinyag ni Father Kokoy, Ang sarap ipakulam ni Madam.” Jeric Roxas Quidoles (@jericroxasquido)

“Kaya naiinis si Pari Koy eh. Ang bangis naman pala ng make up ni Chanda Romero eh. Hahaha. #BabaguhinNiPariKoy” Eldrick Almario (@ImEldrickP)

“#welcomeparikoy In just 2 scenes, litaw na agad ang mga ugali ng characters. Such competent actors especially Ms. Chanda.” Idiot Poet (@BobOng_Makata)

“Galing ni ms chanda Romero umarte…wala paring kupas dalaga palang ako idolo ko na sya #PagpapalaNiBoss @GMAPariKoy” Kito Luku (@77kito)

“#PagpapalaNiBoss sobrang effective nman ni Ms. Chanda Romero. Sarap sabunutan ni Madam…” rochie ferrer (@timpoynad)


JUST PLAYING A ROLE. Pakiusap ni Ms. Chanda na huwag siyang kamuhian ng mga manood in real life dahil umaarte lang daw siya.

Pakiusap niya, “Sana naman huwag akong seryosohin ng ibang mga religious people, ‘di ba?

“This is just a role and I am very committed to portraying my character 101 percent.

“Ang maganda naman sa nangyayaring ito ay marami ang nakatutok sa Pari ‘Koy.

“It’s because the show really gives important life lessons to everyone.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN