Bianca Umali on rumors that she and Miguel Tanfelix go out unchaperoned: “No, it’s not true!”

Bianca Umali (left) denies rumors that she and loveteam partner Miguel Tanfelix (right) go out unchaperoned: “Totoo na we go out, pero hindi yung kami lang. Kapag lumalabas kami, kasama namin yung parents namin, hindi lang siguro napapansin ng iba kasi kami yung artista kaya sa amin naka-focus yung attention nila.”


Ngayong summer ay nagpaplano raw ang mga pamilya nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na magkasamang mag-outing.

Kaya naman excited si Bianca kung matutuloy daw ito, dahil depende pa rin ito kung may trabaho silang dalawa o wala.

Sa launching ng MyPhone Rio 2 sa Green Sun Hotel sa Makati City kamakailan, kinuwento ng magandang teen star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Hopefully, we can go to the beach this summer.

“Kaya lang kasi kahit summer may trabaho, kaya we really don't know if makakapag-beach ba kami this year, kasi madami ang trabaho lately.

“Pero 'pag may possible time naman we get to go out—outing or swimming, bonding with the family.

“Si Miguel nagyaya na sumama yung family namin sa outing nila this summer.

“Kaya naman we're planning it kung saan ba maganda.

“Yung family naman kasi ni Miguel and my family are okey, kaya naman if magkaroon ng time, possible naman na mangyari yun.

“And it's fun and exciting kasi first time na mangyayari na magsasama yung family niya and my family sa isang outing.”



BEST FRIENDS. Kinumusta namin kay Bianca ang estado ng pagkakaibigan nila ni Miguel nitong mga nakaraang buwan. Totoo ba ang bali-balitang mas lumalalim na raw ang friendship nila ngayon?

Lahad niya, “Best friends! Special friend siguro kung iri-rate mo yung friendship namin.

“Siguro dahil na rin sa almost everyday kaming magkasama, kaya naman every time na magkasama kami, we get to know each other.

“Right now, sobrang madami na kaming alam sa isa't isa and maraming bagay na nagkakasundo kami.

“For me kasi, nag-e-enjoy ako kasama siya, kasi nga we have the same interests.”



GOING OUT WITH MIGUEL. Totoo ba ang mga balitang lumalabas sina Bianca at Miguel na sila lang dalawa?

Tanggi ng aktres, “No, it's not true! Totoo na we go out, pero hindi yung kami lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag lumalabas kami, kasama namin yung parents namin, hindi lang siguro napapansin ng iba kasi kami yung artista, kaya sa amin naka-focus yung attention nila.

“Kami naman kasi ni Miguel masyadong kumportable sa isa't isa, kaya if they think na every time na makikita nila kami ni Miguel na sweet, it's because we're close friends and sweet lang talaga sa mga babae si Miguel, lalo na 'pag close niya.

“Siguro yung pagiging sweet namin sa isa't isa is because we enjoy our company and dahil na rin sa lagi nga kaming magkasama. That's the way na pinararamdam namin how important we are sa isa't isa."



VERY SPECIAL. Gaano ka-espesyal si Miguel para kay Bianca?

Mabilis niyang sagot, “Very special, because Miguel is a very nice guy, very much a gentleman and he knows how to make me happy in his own way.

“And me and Miguel naman know our limitations—that right now, we have to concentrate on our respective careers first.

“Malapit din siya sa family ko. Siyempre hindi naman namin sinisira yung trust ng family namin sa aming dalawa.

“As I said, we have to focus on work and studies right now."



THANKFUL FOR PROJECTS. Sobra-sobra naman ang pasasalamat ni Bianca sa Kapuso Network sa dami ng mga magagandang projects na ibinibigay nito sa dalaga.

Sabi niya, “I feel very blessed and very thankful kasi GMA gives us more beautiful projects.

“And yung trust nila sa amin malaki. And also, kaya naman kami ni Miguel, we do our best in everything that we do, para ma-reach namin yung mataas na expectations ng mga tao.

“We know naman na mataas yung expectations ng lahat sa amin ni Miguel, kaya naman ginagalingan naman yung trabaho na binibigay nila sa amin."



TEEN PRINCESS TAG. Kung siya raw ang tatanungin, ayaw daw ni Bianca na mabansagang Teen Princess ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglinaw niya, “Actually, I don't see myself as a Teen Princess.

“And also, I don't want it to go to my head.

“Thank you to those people who support me and of course sa loveteam namin ni Miguel.

“And thank you rin sa mga tao na nagsasabi at naniniwala na I can be the Teen Princess of GMA.

“I feel really blessed for having good and very supportive people at my side.

“Nagpapasalamat din ako sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa akin at sa loveteam namin ni Miguel,” pagtatapos ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN