Angelica Panganiban’s Twitter account hacked

Angelica Panganiban’s message to her Twitter hacker: “Nice one hacker! Isa kang henyo! Ikaw na!!!”


“Nice one hacker! Isa kang henyo! Ikaw na!!!”

Ito ang mensahe ni Angelica Panganiban sa nang-hack ng kanyang Twitter account ngayong Lunes ng tanghali, April 6.

Sa pamamagitan ng Instagram account niya, ipinaalam ng Kapamilya actress sa kanyang followers na hindi niya mabuksan ang kanyang Twitter account.

Sa kabilang banda, nag-post ng malaswang mensahe ang hacker gamit ang Twitter account ni Angelica.

Ngunit 'di naman nagtagal ay ibinalik din ng hacker ang dating password ni Angelica at may paalala pa sa aktres: “Laging ingatan ang account.”

Sarkastikong sagot naman ni Angelica: “Tatanawin ko tong utang na loob sayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN