Governor Vilma Santos denies husband Senator Ralph Recto makes all the decisions for her in Batangas

Batangas Governor Vilma Santos: “Isinakripisyo ko ang pagiging artista ko, in a way, para dito sa pagiging isang public servant. Pero yung fulfillment ng totoong buhay, iyon ang maano sa puso ko. Kaya nagtagal ako dito. It’s the fulfillment and yung priceless na appreciation ng mga tao.”


Hindi raw kailanman pinangarap ni Vilma Santos na pasukin ang mundo ng pulitika.

Ngunit ngayon nga ay nasa ikatlo at huling termino na siya bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas, pagkatapos manungkulan bilang mayor ng Lipa City sa loob ng siyam na taon.

Ang Star For All Seasons ang kauna-unahang babaeng mayor ng Lipa at siya ring kauna-unahang babaeng governor ng Batangas.

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Winnie Monsod kay Vilma sa Bawal Ang Pasaway ng GMA News TV 11 noong Lunes, April 6, inamin ng actress-turned-politician na hindi naging madali ang pagsabak niya sa mundo ng pulitika.

Ngunit naging malaking tulong daw ang mister niyang si Senator Ralph Recto upang magampanan ang kanyang tungkulin bilang isang public servant.

Pagbabalik-tanaw ni Vilma, “Sabi ko kay Ralph noong nanalo ako [bilang mayor ng Lipa], ‘Paano ‘yan?’

“E, nine years old pa lang ako, showbiz na ako e.

“You know what he did? Ipinasok po niya ako sa UP [University of the Philippines].

“I took a special crash course on public administration in order for me… just to prepare me sa pagpasok ko bilang public servant.

"Pinag-aralan po namin ang Lipa talaga."

Dahil sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng mga taga-Lipa, tatlong beses nahalal si Vilma bilang mayor.

Pagkatapos ng kanyang siyam na taong panunungkulan bilang mayor ay tumakbo naman siya bilang governor ng Batangas noong 2007, at muling nagwagi.

HUSBAND AND MENTOR. Pero may sinasabing mula nang maging mayor siya hanggang ngayong governor na siya, wala raw siyang ginagawa na hindi aprubado ng asawa niyang si Senator Ralph.

Pahayag ng actress-politician tungkol dito, “Mentor ko po si Senador.

"Kasi kung nagkaroon man ako ng positive feedback regarding my work and job as a public servant, malaking utang na loob ko po kay Senador.

“Kasi tutor ko po ‘yan, e. Sa mga finances, sa expenditures ng government na hindi dapat magkaroon ng deficit ang aming gobyerno by end of the year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat well-documented lahat ng mga proyekto. Takot siya na baka ma-Ombudsman ako.

“So, all these things ay itinuturo niya sa akin. Even yung mga policies o let’s say yung mga foreign policies.

“Tinu-tutor niya ako hanggang 4 A.M. na, ‘Vi, you need to learn this.’

“Naka-highlight po ‘yon. Pati yung mga nangyayari sa ibang countries and why it’s happening.

“Also yung mga latest news, mga nasa newspapers... lahat po ‘yan.

“I’m learning. Pero kapag napapagod na po ako, hanggang dun na lang muna.

“But these are the things na sa klase ng trabahong meron ako as a government official, kailangan alam ko po itong mga issues na ito.

"Iyon ang itinuturo at gina-guide ako ni Senator."

Patuloy niya, “Now, when it comes to decision-making…

"Alam niyo, mahal ko po siya at siya po ang aking hari, pero ako po ang alas!

“At saka direkta na ako ang may alam, lalo na sa local na ako ang kaharap ng mga tao.

“So, hindi pupuwedeng maging sa kanya ang last decision.”

LUIS MANZANO. Tungkol naman sa napapabalitang pagtakbo ng anak niyang si Luis Manzano bilang mayor ng Lipa City, ano ang masasabi ni Vilma?

Aniya, “I am not discouraging nor encouraging him.

“But it all started… siya po ang hinilingan. Hindi nagkusa ang anak ko.

“Maybe because siyam na taon din akong nagsilbi sa Lipa at sinabi nila na, ‘Mayor, kung aalis ka, sana yung papalit sa ‘yo ay yung malapit din sa iyo.’

“That’s why they thought of Lucky [palayaw ni Luis].

“And one thing also that I have learned, kapag pumasok ka sa public service, dapat bukas iyon, e. It should come from the heart.

“Hindi puwedeng pangalan lang.

“Ako, nanalo ako siguro noong una, pangalan lang, e.

“Because asawa ko si Ralph, congressman siya that time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero marami ang naniniwala na si Vilma ang dahilan kung bakit naging matagumpay si Senator Ralph sa pagpasok nito sa pulitiko.

Reaksiyon ni Vilma dito, “Nakatulong po ako, opo.

“But let’s face it kung gaano naman po kagaling ang asawa ko.”

INSECURE. Ayaw namang magbigay ng exact amount ni Vilma kung gaano kalaki ang talent fee niya bilang artista.

Between 10 and 20 million pesos ba or more?

"Between! Basta iyon na lang ‘yon!" tawa ni Vilma.

'Tapos, sabi niya, “Pinag-uusapan natin ang income, na-insecure ako nung naging mayor ako at governor, mas mataas pa ang income ng anak kong si Lucky kesa sa income ko, na sanay ako.

“Na-insecure ako na mas malaki ang binayarang tax ng anak ko. Ibig sabihin, wala na akong income.

“Kasi, I cannot do movies anymore dahil priority ko ang pagiging public servant.”

Hindi siya ganoon kadalas gumawa ng pelikula dahil ayaw raw niyang mapabayaan ang kanyang tungkulin bilang opisyal ng Batangas.

Tuwing weekend lang daw siya puwedeng mag-shoot kaya inaabot minsan ng pitong buwan bago siya makatapos ng isang project.

“Friday and Saturday lang po ako nagsu-shooting usually. Iyon lang ang ibinibigay ko.

“It’s a sacrifice na kailangan kong i-prioritize ang pagiging public servant ko.

“It’s a sacrifice, but kapag nakita mo yung totoong buhay na from screen na istorya, this one is reality ng buhay. At iyon ang priceless.

“Actually, sa show business po, ang dream ko after kong maging artista ay maging direktor.

“To be like Laurice Guillen na from actress to being a director. Or like Marilou Diaz-Abaya. Iyon ang dream ko.

“Never in my wildest dream na I will be here as a public servant.

“Isinakripisyo ko ang pagiging artista ko, in a way, para dito sa pagiging isang public servant.

“Pero yung fulfillment ng totoong buhay, iyon ang maano sa puso ko. Kaya nagtagal ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s the fulfillment and yung priceless na appreciation ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN