Solenn Heussaff denies seeing Dennis Trillo and Jennylyn Mercado in Balesin

Nakatakdang maglunsad ng sarili nilang libro tungkol sa Women Empowerment sina Solenn Heussaff at Georgina Wilson.


Isang simpleng "no" na may kasamang ngiti ang sagot ni Solenn Heussaff nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakita ba niya sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Balesin Island nitong nakaraang Holy Week.

Sa Balesin din kasi nagbakasyon nitong nakaraang Semana Santa si Solenn at ang fiancé nitong si Nico Bolzico.

Matatandaang naging viral ang magkahiwalay na litrato nina Dennis at Jennylyn habang nagbabakasyon sa naturang for-members-only island resort.

Dahil dito, marami ang nag-akalang magkasama at nagkabalikan na ang dalawang Kapuso stars.

Read: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado back in each other’s arms?

Nakausap ng PEP si Solenn sa launching niya bilang bagong endorser ng Samsung Galaxy Edge 6, noong Lunes, April 6, sa SM Megamall.

Nakangiti man, hindi na nagpaunlak ng iba pang tanong si Solenn tungkol kina Dennis at Jennylyn.


WOMEN EMPOWERMENT. Bukod sa kanyang TV shows sa GMA Network at ginagawang pelikula, may bagong karerang pinasok ang French-Filipina actress-singer—ang pagiging author o writer.

Katunayan, sa loob ng dalawang linggo ay pormal na nila itong ilulunsad ng kasamahan niyang nagsulat din sa libro, ang model na si Georgina Wilson.

Sabi ni Solenn, “We’re launching a book soon, with Georgina, we wrote it.”

Halos isang taon at kalahati raw nilang ginawa ang naturang libro.

Bakit naisipan nilang magsulat ng libro?

Pahayag ni Solenn, “It was just for… parang to reply to all our followers on Twitter and Instagram.

"So, it’s a parang a thank you to them.

“Pero we're learning... it’s hard to explain.

“There’s a lot about women supporting each other.

“Yeah, it’s all about women empowerment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN