Isabelle Daza reveals impression of Kapamilya stars

“If you wannna be the best, you have to be with the best. It’s a challenge you have to take on. If not, magiging mediocre ka na lang. Ako, I don’t wanna be a mediocre in acting,” says Isabelle Daza about the Kapamilya actors she has met and worked with since she transferred networks.


“At first I thought ABS-CBN will be scary.”

Ito raw ang unang impression ni Isabelle Daza nang lumipat siya sa Kapamilya network, mula sa GMA Network, noong November 2014.

Dagdag pa niya, “It kinda was intimidating. And the girls are in competition.”

Subalit naiba na raw ang pananaw niyang ito tungkol sa mga artista ng ABS-CBN.

“The truth is they're so welcoming and always willing to help,” sabi ni Isabelle sa ginanap na pocket press conference para sa Nathaniel, sa ABS-CBN compound, kahapon, April 7.

Malaki raw ang tulong na naibibigay ng mga kasamahan ni Isabelle sa Nathaniel pagdating sa pag-a-adjust sa bago niyang home network.

Kuwento niya, “Like Shaina [Magdayao], she's always willing to give advice.

“Si Gerald [Anderson] also, parang tinuturuan niya ako sa Dreamscape, na I have to do this and that.

“Si Paulo [Avelino] also, kasi same management kami, so he always tells me, 'Just always do your best and nothing's gonna stop you.'”

Sina Isabelle at Paulo ay parehong mina-manage ni Leo Dominguez.

Sa kabuuan, sabi ni Isabelle, “I guess, the transition has been good.

"There's always a stage of getting to know, siyempre nangangapa ako.

"But, I guess, I'm okay naman."


NOT GOOD ENOUGH. Noong nakaraang buwan, lumabas sa unang pagkakataon sa ABS-CBN si Isabelle sa weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Marami ang pumuri sa kanyang pagganap sa naturang episode ng MMK, ngunit may ilan ding nakulangan sa kanyang pag-arte.

Hindi naman daw ito ikinasasama ng loob ng dating Eat Bulaga! co-host.

Sabi niya, “I think you have to take it with a grain of salt.

“Kung kulang sa acting, yeah, maybe it's true, I have to adjust.

“Pero what I learned dito sa showbiz, you can't have all these love without someone hate.

“There's really gonna be some people who are bashing you or hating on you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero what I learned, you have to live with it and take what you can from it.

“Hindi naman lahat totoo, pero there's some truth to some place.”

Sa kanyang paglipat sa ABS-CBN, inamin ni Isabelle na patuloy pa rin siyang naninibago sa mga nakakasama niyang aktor.

Gayunman, aniya, “If you wannna be the best, you have to be with the best.

“It's a challenge you have to take on. If not, magiging mediocre ka na lang.

“Ako, I don't wanna be a mediocre in acting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN