Bianca King gets moral support from boyfriend as she mourns her lola’s death

Bianca King on having a younger boyfriend: "Pareho naman kasi kaming hindi naglalaro. Kaya kami pinagtagpo at kaya kami nagkagusto sa isa’t isa kasi mature siya for me, and ako naman, young enough for him."


Pumanaw na ang paternal grandmother ni Bianca King na na-diagnose na may stage 4 colorectal cancer noong 2012.

Sumakabilang-buhay ang lola ni Bianca noong April 2, ilang araw bago mag-premiere ang bago niyang showbiz-oriented show sa TV5, ang Showbiz Konek Na Konek.

Kaya naman sa presscon ng nasabing show noong Lunes, April 6, ay naging emosyunal ang actress-TV host habang nagkukuwento tungkol sa kanyang yumaong lola.

Sa presscon ay suot-suot ni Bianca ang gold jewelry na ibinigay sa kanya ng lola niya.

Kuwento niya, “Eto pong singsing, bigay ng lola ko.

"Lahat po ng suot ko kasi noong time na… maraming pinamana sa akin ang lola ko nung magkasakit siya, mga two years ago pa.

“When she passed away noong Thursday, wala... isinuot ko lang lahat ng alahas niya.

“‘Tapos inilagay ko yung picture niya sa kama ko.

"Parang, for now, gusto ko munang suotin [ang singsing."

Solong apo ba siya ng lola niya?

“Hindi po, dalawa lang po kami. Meron po kaming half-cousins.

"Pero dalawa lang kami noong nakatatanda kong pinsan, babae rin po.

“Pero yun nga, sinasabi ng buong family ko, pati na yung friends ng lola ko, ako talaga yung favorite.

"Iba yung attachment namin.

“My lola retired mga four times, pabalik-balik siya, kasi nabu-bore siya.

"Sobrang smart ng lola ko.

“Kung gaano ako ka-driven at saka siguro trying to be matalino, for now, siguro namana ko yun sa lola ko."

Lahad pa ni Bianca, “One of the few times na nag-retire siya at tumira siya dito, ako yung tumira sa kanya.

"So, hindi lang lola ang tingin ko sa kanya, she was like my roommate."

Pinamana ba sa kanya ng lola niya lahat ng properties nito?

Ayon kay Bianca, “Hindi naman po lahat. Meron ding iba sa mommy ko.

"Pero yung sa akin, parang sunud-sunod yung bigay, e.

“Throughout the two years po na she was battling with cancer, lola’s girl talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


AGAINST CHEMO. Nasa stage four na raw ang colorectal cancer ng lola ni Bianca noong ma-diagnose ito. Namatay ang kanyang lola at the age of 81.

Sabi ni Bianca, “Nothing can prepare you talaga for what cancer is.

"My grandmother in her last two weeks really suffered.

“Yung hitsura niya, kung ano ang kayang gawin ng cancer sa tao, parang nangyari na yun sa kanya.

"It’s painful to see someone you love so much going through that.

“But, I think, it’s also something that you can easily avoid by making good choices while you’re young.”

Paano nila natustusan ang pagpapagamot sa lola niya?

“American citizen po ang lola ko.

"She served po as a nurse doon for thirty-plus years, naging director of nursing po siya.

“Noong nag-decide po siya na mag-chemotherapy, which I don’t advocate, by the way, I was against it, ibinalik po namin siya sa States for her chemo.

“And then, noong nandito na lang siya for palliative care, hindi naman naging problema, may pension ang lola ko because she worked.

“My lola retired in her late 70s na. So, she was well taken care of by the government.”


LOLA APPROVED. Gusto rin ba ng lola niya ang pagiging showbiz celebrity niya?

Sagot ni Bianca, “Sobrang proud siya sa akin siguro na famous ako. Napapanood yung apo niya sa TV.

“Sinabi ng mga friend nga niya during the eulogy, ‘Your lola never stopped talking about you.’

"Sabi ko, 'Alam ko po.'

“Yung bahay niya, punumpuno ng pictures ko.

"Kina-cut niya yung pictures ko sa magazine at pinipiktyuran pa niya yung TV kapag pinanonood niya ako.

“Oo, ‘tapos nilalagay pa niya sa album, yung mga cut-outs ko sa magazine pini-frame niya."

Patuloy niya, “Pangarap niya talaga sa akin makilala as more than just an actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, proud siya na artista ako. Pero gusto niya more pa.

“Gusto niya makita ng mga tao na meron pa akong kayang i-offer.”

Isa rin ba yun sa mga dahilan kung bakit siya naiyak kanina?

“Oo, kapu-post ko pa lang sa Instagram, 'eto talaga ang gusto niya for me, yung ganitong level ng pagiging celebrity.

“Yung respetado bilang ako, hindi lang dahil magaling akong umarte, ganoon.

“Sakto, nang natanggap ko yung confirmation ng show [Showbiz Konek Na Konek], ano na siya, on her way down.”


YOUNGER BOYFRIEND. Paano naman siya sinuportahan ng boyfriend niyang si Julio Villafuerte sa pagkawala ng kanyang lola?

Sabi ni Bianca, “He’s there naman. Kasama ko po siya noong service ng lola ko.”

Two years nang magkarelasyon sina Bianca at Julio, na younger brother ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Si Bianca ay 29 at ang boyfriend niya ay 23 going 24 pa lang. Mas okey ba na mas bata ang karelasyon niya ngayon?

Saad niya, “Okey po siya kung mature yung tao... depende naman yun sa maturity ng lalaki.

“Pero pareho naman kasi kaming hindi naglalaro.

"Kaya kami pinagtagpo at kaya kami nagkagusto sa isa’t isa kasi mature siya for me and, ako naman, young enough for him."

May plano na ba silang magpakasal?

Sagot ni Bianca, “Hindi naman dahil 29 na ako, nagmamadali na akong mag-asawa o magkaanak.

“Never ko nga brining up yun sa kanya, balanse lang. Baby pa ako.

“For me, hindi siya pinag-uusapan hanggang sa kinu-consider mo na talaga siya.

"E, ako, hindi ko pa talaga siya kinu-consider.

"I think, career woman talaga ako.

“Parang I really admire Pia Guanio and si Miss Regine Velasquez, even si Jennifer Lopez.

“Parang pinush nila nang todo yung career nila, and then noong naramdaman nila sa sarili nila na gusto na nilang magkaanak, kahit na close to forty…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi mo naman kailangang mag-conform sa kung ano yung socially acceptable dahl yung biological clock mo, nagti-tick na.

“Wala sa akin yun. Mas important sa akin self-fulfillment first.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN