Sheena Halili on first time working with Mark Bautista: “Tinanong niya ako kung puwede niyang hawakan yung kamay ko, sabi ko, ‘Oo naman!’

Sheena Halili recalls her first time meeting Mark Bautista: “Nung una nga medyo nahihiya, kasi sabi ko, ‘Di ba ikaw si Lastikman?’ Tumawa lang siya."


Masaya raw si Sheena Halili na may StarStruck na muli na magbubukas ng opportunity sa mga kabataan na tulad niya dati ay nangarap maging artista.

Sabi nga niya, “Masaya naman ako na bibigyan ng GMA ng chance yung gustong i-share yung talent na ibinigay sa kanila ni God.”

Hindi kaya mas dapat bigyan ng atensyon ang mga dating artista ng GMA? Okey lang ba sa kanya na tumuklas ang management ng mga baguhan?

Sagot niya, “Wala naman pong masama na mag-discover pa sila. Iyon naman po ang trabaho ng network, ang mag-discover pa ng bagong talents.

“Kailangan ding bigyan ang mga viewers natin ng bagong makakapagpasaya sa kanila.

“Kaming mga artista, kapag nakikita nila kami sa TV, nagiging inspirasyon at nagiging isa kami sa reason para makalimutan nila yung mga problema nila.

“Comedy man o drama mas nakakapag-focus kasi sila dun sa pino-portray namin na role.

“So wala naman pong masama na magkaroon ng mga bagong artista at masaya po ako na lalaki pa ulit yung family.

“Kung ako po ang nasa lugar nila, magiging masaya po ako na iwe-welcome ako ng mga naunang artista sa akin.”

Ano ang maipapayo ni Sheena sa mga nagnanais na maging artista?

“Ang maipapayo ko, maging totoo lang sila sa sarili nila, huwag silang humanap ng peg nila.

“Kung gusto nilang maging ganito, maging next na ganito, for example maging next na Sheena Halili, hindi, e!

“Kasi talagang mas mapapansin kapag ipinakita mo kung sino ka talaga.

“Lahat tayo unique, iba-iba tayo, so iyon ang dapat nilang ipakita sa magiging fans nila, sa magiging mga supporters nila.

“Mamahalin sila kung sino sila.

“And iyon din ang magiging way para mahanap nila kung ano ang path nila sa showbiz.

“Kung sa comedy ba, magiging host ba sila, 'pag nilabas nila yung character nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena via Facebook Messaging at via voice recording nung April 8, tungkol sa role niya sa episode na "Boses Ng Puso: The Roland Bunot Story" ng Magpakailanman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MARK BAUTISTA. Marami sila sa cast ng episode na ito na ipapalabas sa GMA ngayong Sabado, April 11, sa direksyon ni Gina Alajar.

Isa na rito ang singer na si Mark Bautista na madalas daw niyang kaeksena.

Kuwento niya, “First time ko siyang makatrabaho.

“Nung una nga medyo nahihiya, kasi sabi ko, ‘Di ba ikaw si Lastikman?’ Tumawa lang siya.

"Napanood ko yun, e. Napanood ko rin yung dating singing contest nila na sinalihan din ni Sarah Geronimo.

"Di ba naging magka-loveteam din sila?

“Sa eksena naman, nung unang eksena namin kasi parang uuwi kami sa probinsiya na mag-asawa na kami, buntis na ako.

“Tinanong niya ako kung puwede niyang hawakan yung kamay ko, sabi ko, ‘Oo naman!’

“Inano ko din sa kanya na maging kumportable siya kasi mas artista ako at alam ko na singer siya.

"Alam ko naman po na umaarte talaga siya, may movie na nga siya, naka-partner na niya si Miss Sarah Geronimo.

“Gusto ko lang iparamdam sa kanya, dahil napaka-gentleman niya, na maging kumportable lang siya dahil mag-asawa kami dun sa show.

“Kaya niya, e. Kaya niya talaga, at saka magaan lang po kasi yung set namin.

“Napakagaan. Iyon nga madalas isang take lang, very light lang naman.

“‘Tsaka happy ending kasi yung story… yung mga dati kong Magpakailanman namatayan ako ng anak, nasunog ako.

“Dito naman… asawa po ako dito ni Bunot, ni Mark… na kahit mahirap yung buhay naging matatag akong asawa.

“Sinamahan ko siya sa hirap, sa ginhawa. Happy ending naman kami.”

Kasama nina Sheena at Mark sa episode na ito ng Magpakailanman sina Frencheska Farr, Bing Davao, Anna Marin, Jak Roberto, Diego Castro, Casey Pher Arreglo, Harvey Almoneda, at Raymond Bernas.

NEW MANAGER. Sa GMA Artist Center—headed by Gigi Santiago-Lara—pa rin daw nakakontrata si Sheena kahit manager na niya si Becky Aguila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Hindi po ako nagpalit ng manager, nagpa-co-manage lang po ako kay Tita Becky.”

Kumusta as a manager si Tita Becky?

“Well, bilang manager, kahit nung una ko pa lang siyang nakausap nung hindi ko pa po siya manager, naramdaman ko na yung talagang care niya, yun pong pagmamahal niya sa mga alaga niya.

“And hanggang ngayon po, para ko po siyang nanay sa showbiz.

“Kumbaga binibigyan niya po ako ng advice palagi, ine-explain niya yung mga positive and negative na puwedeng mangyari.

“Ngayon po parang mas marami sila, mas malawak... si Miss Gigi, si Tita Lilybeth [Rasonable na GMA executive].

"Masasaya, 'di ba? Parang meron akong tatlong fairy godmothers!”

Hindi ba conflict na marami siyang “kapatid” sa management ni Tita Becky, like sina Jennylyn Mercado at Empress Schuck. Wala bang insecurities sa pagitan nilang mga talents?

“Naku, wala pong ganun! Wala pong insecurities, hindi ko nga po nararamdaman na marami po kami, e.

"Sobrang tutok po kasi sila Katrina [Aguila, Becky’s daughter] and si Tita Becky.

“Pagka meron akong show, 'pag nakita nila yung… pinapanood talaga nila yung mga eksena ko and then magko-comment sila.

“May negative and positive, and masaya ako na ginagawa nila iyon kasi mas nai-improve pa yung mga dapat kong i-improve bilang aktres.

“And mas nagiging open din ako sa mas marami pang roles, kasi nga, sila mismo pinu-push nila ako na maging character actress.

“Kumbaga iba’t ibang roles, iyon daw po yung parang nakikita po sa akin ni Tita Becky.”

Nakapag-pose na ba si Sheena para sa FHM?

“Hindi pa po ako nakapag-cover or nakapag-pose for any men’s magazine.

“May mga nag-iimbita naman po sa akin, pero hindi ko po masyadong ine-entertain kasi wala po talaga sa plans ko.

“Pero ayoko pong magsalita ng patapos. Now nagko-concentrate po kami nila Tita Becky, nila Miss Gigi kung papano pa po mama-maximize ang isang Sheena Halili.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa mga shows niya, “Sa ngayon kasama ako sa The Richman’s Daughter pero hindi pa po ako nagte-taping.

"Last show ko, nag-guest po ako sa Hiram Na Alaala.

“Hindi ko pa alam kung ano pa po yung iba pa nilang plano for me.

“Pero iyon nga po sinasabi sa akin nila Miss Gigi and Tita Becky may inaayos naman po sila for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN