Betong Sumaya remembers dad’s lesson: “Mahalin mo ang trabaho mo para mas lalo kang mabiyayaan.”

Betong Sumaya attributes being a hardworker to his father. “Kung buhay lang ang ama ko, sure akong magiging proud siya sa mga nangyayari sa akin ngayon,” he says.


Sobrang excited ang Kapuso comedian at winner ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown na si Betong Sumaya dahil kasama siya sa magpapasaya sa mga kababayan natin sa Vancouver, Canada, para sa 10th anniversary ng GMA Pinoy TV.

Makakasama ni Betong sa paglipad to Vancouver ay sina Marian Rivera, Alden Richards, Jonalyn Viray, at Christian Bautista.

Magaganap ito sa April 24 sa The Orpheum Theatre in Vancouver.

Excited si Betong dahil first time niyang makakabiyahe patungong Canada kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ito.

“Aalis kami ng April 21. First time kong makarating sa Canada. Pinaghahandaan ko na ang weather doon kasi sabi nila ay malamig doon.

“Pero ang mas nakaka-excite talaga ay yung stage nila sa Vancouver na parang set ng opera. So lalabas si Antonietta na naka-Victorian,” tawa pa ni Betong nang makapanayam namin siya sa set ng Bubble Gang last March 27.

Si Antonietta ang masungit ngunit nakakatawang character ni Betong sa Bubble Gang.

Inaayos na rin ang schedules ni Betong bago siya lumipad for Canada.

Apat kasi ang shows ni Betong, kaya ayaw niyang magkaroon ng problema sa mga ito bago siya umalis.

Mapapanood siya sa mga shows na Bubble Gang, Once Upon A Kiss, Sabado-Badoo at Sunday All Stars.

“Sa ngayon ay okey pa naman ang tapings ko. Kapag malapit na sa pag-alis naming, doon ako mag-a-adjust.

“Kung kinakailangan na mag-advance taping ako para walang problema, gagawin ko yun.

“Ayokong may iniisip akong naiwang trabaho habang nasa Canada ako.

“Isabay ko na rin kasi ang pagbakasyon natin doon.

“Siyempre nandoon na rin lang tayo, i-enjoy na rin natin,” ngiti pa niya.

HAPPY WITH THE BLESSINGS. Sunud-sunod ang blessings na dumating sa career ni Betong kaya laking pasasalamat niya sa Diyos dahil sa pambihirang pagkakataon na ibinigay sa kanya.

“Panay ang dasal ko, nagpapasalamat dahil sa mga nangyayaring ito sa career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noon masaya na ako sa mga ginagawa ko. Ngayon ay mas masaya pa dahil mas natutulungan ko ang pamilya ko.

“Ngayon financially, wala na kaming masyadong problema. Kaya panay ang pasasalamat ko sa Panginoon.”

REMEMBERING HIS FATHER. Noong nakaraang Holy Week ay umuwi si Betong sa probinsya ng kanyang yumaong ama sa Liliw, Laguna. Doon kasi nakalibing ang kanyang ama.

Sa kanyang yumaong ama niya natutunan ang importansya ng pagsusumikap.

“Kung buhay lang ang ama ko, sure akong magiging proud siya sa mga nangyayari sa akin ngayon.

“Sa kanya ko natutunan na importante na mahalin mo ang trabaho mo para mas lalo kang mabiyayaan.

“Dahil wala na nga siya, panay ang dasal ko na gabayan niya ako parati sa mga ginawa ko at sa pagtulong ko sa aming pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN