Mark Bautista recalls Rosamund Pike, Kylie Minogue, and Lea Salonga among celebrities who watched him in Here Lies Love

Mark Bautista says he was happy to learn that Lea Salonga watched Here Lies Love while she was in London. “Natuwa ako noong manood si Lea Salonga. She really went out of her way to watch us. Natuwa ang mga tao roon kasi big celebrity si Lea sa London because of Miss Saigon.”


Unforgettable experience para sa career ng singer-actor na si Mark Bautista ang gampanan niya ang role ni former Philippine President Ferdinand Marcos sa musical na Here Lies Love na nagkaroon ng six-month run sa London in 2014.

Hindi lang dahil first time na mag-perform ni Mark sa London, kundi mas naging independent siya sa kanyang six-month stay sa naturang bansa.

“Mas natuto akong alagaan ang sarili ko habang nandoon ako sa London.

“Being away from home and from the things na nakasanayan mo na, mahirap noong umpisa.

"Nagkaroon ako konting adjustments at first, pero mabilis akong nasanay.

“Dito kasi nasanay kang may sasakyan ka, may nauutusan kang gawin ang mga bagay na ito para sa iyo, may nagluluto para sa ‘yo. Doon I have to do everything for myself.

“It was a learning experience na hindi ko malilimutan,” kuwento pa ni Mark nang maging guest siya sa The Jon Santos Show ng Viva Channel last April 4.

Natuto raw si Mark na magluto, maglinis ng kanyang sariling kuwarto at mag-commute sa London.

“Dito naman sa Pilipinas, marunong naman akong magluto. Pero yung luto na madali lang. Mas natuto akong magluto ng kung anu-ano sa London.

“Sa tinirhan ko naman na flat, tatlo ang kasama ko. Mga Pinoy din sila na kasama sa Here Lies Love. Since ako ang marunong magluto sa aming tatlo, nagse-share na lang kami sa mga bibilhin na groceries.

“’Tapos pagsasama-samahin na lang namin at mag-iisip na lang ako ng maluluto ko para sa aming tatlo.

“Masaya naman kasi nag-e-experiment ka. Hindi puro prito lang ang alam kong lutin na.

“Tapos paminsan-minsan lang kami mag-rice. May sinusunod kaming diet habang nandoon kami. Mostly bread at pasta lang kami.

“Pero minsan, kapag nagke-crave kami ng rice ay may nabibilhan naman kaming store doon.

“Yung paglilinis naman ng kuwarto ay ako na rin. Walang kang mauutusan doon to do your laundry. Kaya natuto rin akong maglaba doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag gusto ko namang mamasyal or may bisitahin akong mga kaibigan na nasa London, natuto akong mag-commute doon.

“Ang maganda sa London, sobrang maayos ang public transportation nila. And very affordable siya mapa-bus or yung tinatawag nilang London Underground or the Tube.

“It’s a very modern railway transit that will take you anywhere sa London. Sobrang bilis niya kaya hindi ka male-late sa pupuntahan mo.”

HERE LIES LOVE RE-RUN. Pagkatapos ng anim na buwan na pag-perform ni Mark sa Here Lies Love, sinabihan siya na magkakaroon ulit ng re-run ang naturang musical ngayong 2015.

“They still want me to play the role of President Marcos sa re-run.

“Yun nga lang, naghahanap pa sila ng magandang venue for the musical.

“Mahirap kasing makahanap ng venue tulad sa National Theatre na parang arena.

“So habang wala pang katiyakan kung kelan ulit ang re-run, sinabi ko na uuwi muna ako ng Pilipinas para magtrabaho.

“Hindi naman ako puwedeng mag-stay doon na naghihintay. Na-miss ko rin naman ang mag-work dito.

“They will contact me kapag maayos na ang lahat doon.”

ROSAMUND, KYLIE, AND LEA. Kinuwento ni Mark na kabilang ang celebrities na sina Rosamund Pike at Kylie Minogue na nakapanood ng Here Lies Love.

“Nakakatuwa kasi si Rosamund, she watched the musical noong kasalukuyang showing ang Gone Girl sa London. Kaya natuwa kami when our stage manager said she was in the audience.

“Si Kylie naman, she was with an entourage. Nakita namin siyang sumasayaw with her group during one of our big numbers sa musical. Enjoy na enjoy siya sa musical namin.

“Marami pa raw na mga celebrities na nanood pero hindi na pinaalam sa amin. Baka raw ma-conscious kami sa pag-perform.

“Pero natuwa ako noong manood si Lea Salonga. She really went out of her way to watch us. Natuwa ang mga tao roon kasi big celebrity si Lea sa London because of Miss Saigon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE LEAST EXPERIENCED IN THE CAST. Ayon pa kay Mark, marami siyang natutunan sa paggawa niya ng Here Lies Love dahil mga professional stage actors ang kanyang nakatrabaho roon.

“Ako lang nga ang pinakabagito sa theatre. Halos ang buong cast ng Here Lies Love, nakailang taon na sila sa teatro. Like si Natalie Mendoza who played Madam Imelda Marcos, she has been doing theatre for so many years at kunsaan-saan na siya nakapag-perform.

“Ako kasi twice pa lang kasi akong gumawa ng stage musical. First was Noli Me Tangere ‘tapos sumunod na yung Full Monty.

“Kahit papa’no ay may mga alam na ako bago ko ginawa yung Here Lies Love.”

BITUING WALANG NINGNING. Pagkauwi ni Mark sa Pilipinas last January ay isang bagong musical ang ibinigay sa kanya at ito ay ang Bituing Walang Ningning.

Base ito sa hit movie ni Sharon Cuneta na pinalabas noong 1985 na serialized in Komiks by Nerissa Cabral.

Gagampanan ni Mark ang role na Nico na originally portrayed by Christopher de Leon. Ang gaganap na Lavinia ay si Cris Villonco at ang bida na si Dorina ay si Monica Cuenco.

Itatanghal ito in June sa Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila.

“Noong pagkauwi ko, nag-meeting kami ni Boss Vic [del Rosario, Viva boss] para pag-usapan yung mga gagawin ko nang mga trabaho.

“Sinabi ni Boss Vic sa akin na kailangan kong gawin itong Bituing Walang Ningning.

“Kinuwento naman nila sa akin kung paano tatakbo yung musical at nagustuhan ko naman agad.

“Excited din ako kasi we will be using original songs na gawa ni Willy Cruz.

“He’s one of the composers na gusto kong makatrabaho. I haven’t met him in person yet, but I am honored to sing his songs.

“Then nakakatuwang makatrabaho ko ulit si Cris Villonco.

“When I did Noli Me Tangere in 2011, si Cris ang gumanap bilang Maria Clara. So it will be great to be working with her again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As for Monica, I still have to know her well kasi marami kaming mga duets na gagawin sa Bituing Walang Ningning.

“Sa mga narinig ko naman about her, she’s very talented at bagay na bagay siya sa role na Dorina. Here’s hoping na maganda ang maging chemistry naming dalawa.”

HERE SINGS LOVE. Sa May 29 naman ay magkakaroon ng big solo concert si Mark sa Resorts World Manila titled Here Sings Love. Special guest niya ay si Sarah Geronimo.

“Matagal din akong hindi nakapag-concert and this concert will be a personal one kasi 13 years na pala ako sa business na ito.

“I started in 2002 via Star For A Night and ipapakita namin sa concert yung mga napagdaanan ko na sa career ko, kasama na roon ang pagsama ko sa Here Lies Love.

“And I will be singing mga dating songs ko and new songs from new album that will be released soon under Viva Records.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN