Chynna Ortaleza on rumored neck kissing of Kean Cipriano: “Grabe naman, guys!”

Chynna is being linked to two male celebrities: Kean Cipriano and Renz Fernandez, to whom, she has a message—“Pare, huwag ka masyado…ingat-ingat lang, ha. Hindi mo alam pinapasok mo.”


Bagong look ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza sa pictorial ng bagong drama series na pagbibidahan ni Marian Rivera na The Rich Man’s Daughter.

Isang tibo ang role ni Chynna rito bilang si Batch, ang tipo raw ng lesbian na “butch na butch” ayon sa kanya.

Isa sa paghahanda niya ay ang immersion nila ng co-stars na sina Katrina Halili at Glaiza de Castro, sa pamamagitan ng pagdalo sa party ng isang lesbian group na tinatawag na Women on Top.

Kakaibang experience daw iyun sa kanila ang maranasang tinitilian sila at kinikilig sa kanila ang kapwa babae.

Pero ayon kay Chynna, may realization daw siya sa immersion na iyon. Lalo rin daw niyang nakilala ang pagkatao ng isang lesbian.

Pahayag ng aktres; “Marami kaming tinanong sa kanila about their being, their lifestyle, ‘tapos natuwa lang ako kasi ang sinasabi nila sa amin na gusto lang nilang ipakita sa lahat ng tao na, ‘Even if we’re lesbians we’re still talking about the same love.’

Dagdag niyang pahayag; “Ako kasi yung nasa category na ‘butch’ lesbians at doon ko nakita na marami rin pala silang pinagdadaanan na na-misinterpret, na na-bully…

“For me, responsibility ko yun na i-represent sila na ipakita sila kung paano sila mag-care sa isang pamilya. Sana magustuhan nila.”

RENZ FERNANDEZ. Pero kahit lalaking-lalaki ang ayos ngayon ni Chynna, nandiyan pa rin ang mga lalaking naaakit sa kanya.

Kamakailan lang ay nakatanggap siya ng bulaklak na hindi niya alam kung kanino nanggaling, dahil walang pangalan sa card.

Huli lang niya nalamang galing pala iyun kay Renz Fernandez.

“Magkakilala naman kami ni Renz from workshop, ganyan, steady naman,” napapangiti niyang sagot.

“Pare, huwag ka masyado…ingat-ingat lang, ha. Hindi mo alam pinapasok mo,” astang-tomboy na mensahe niya para kay Renz.

“Good friends naman kami, e,” pakli nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo naaasiwa lang daw siya dahil first time lang daw niyang nakatanggap ng bulaklak mula sa isang lalaki.

KEAN CIPRIANO. Bukod kay Renz, ang isa pang nali-link kay Chynna ay si Kean Cipriano. Magkasama pa nga silang nagbakasyon sa Zambales nung nakaraang Semana Santa.

“Pumunta kami dun with friends kasi we’re into filmmaking ngayon, e.

“May nagawa kaming music video for Six Cyclemind, at naging AD [assistant director] ako sa kanya.

“Basta steady lang kami ni Kean,” saad ng Kapuso actress.

Naging close daw sila ni Kean dahil pareho sila ng nakakahiligan sa ngayon.

Pero ayon sa aming source, nakita raw sina Chynna at Kean na sweet sa isa’t isa.

May nakakita pang hinahalikan siya sa leeg ng singer-actor.

“Grabe naman, guys. Hinalikan ako sa leeg? Hindi naman ako aware na hinalikan ako sa leeg,” bulalas niya.

Sinundan namin ng tanong si Chynna kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Kean.

“Hindi ko alam,” medyo naaalangang sagot ni Chynna.

“Basta ano, guys. Steady lang kami nun. Masaya lang kami magkasama, e. I go with the flow,” dagdag pa niya.

FREE AFTER 10 YEARS. “Sabi ko naman I go with the flow. Kahit naman sa kung sino pang ibang taong nagpapahiwatig, ganun lang muna talaga.

“Ang tagal ko kasing in a relationship, kaya ganun lang muna talaga. Feeling ko kasi, ngayon ko lang nai-explore ang buhay ko, e. Kaya ganun lang yun, friends and lovers,” patuloy na pahayag ng 32-gulang na aktres.

“Nung time kasi na natapos ang 10-year relationship ko, ang gusto ko talaga is maging free.

“Free ko yung to do anything I want to do. Kasi dati ina-admit ko na merong considerations lagi, e. Dun sa kasama ko.

“Ngayon ang saya lang, na nagagawa ko kung ano ang gusto kong gawin, kung ano ang napupuntahan ko. Kaya medyo matagal-tagalan pa [para pumasok sa panibagong relationship],” seryosong pahayag ni Chynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN