Mark Neumann on his difference from Daniel Padilla, James Reid, Ruru Madrid, and Miguel Tanfelix: “I work hard.”

“It’s an honor kasi tinatapat ako sa malalaking artista, as in sikat na, talagang ano. So for me I feel pressured pero happy din. Basta gagawin ko yung best ko,” Mark Neumann said about being compared to other male teen stars.


May mga nagsasabing paborito ng TV5 ang young male star na si Mark Neumann.

Mas visible at tila mas naalagaan kasi siya kaysa kay Vin Abrenica na siyang nanalo sa Artista Academy, ang artista search ng Kapatid Network noong 2012.

“Well, it’s a compliment, I guess, compliment din po, pero of course I don’t wanna let it go to my head. Hindi ko ipinapasok sa ulo ko na tinatawag ako favorite ‘tapos I will act that way, kumbaga.

“I’m still doing my best every project, ‘di ba? I’m still working as I always did, na I try to give my best.”

Honestly, nararamdaman ba niya na paborito nga siya?

“Parang, I don’t wanna say pero medyo po,” pag-amin ng Filipino-Croatian actor.

“Kasi because of, iyan pa lang, The Magic In You which is a really big opportunity and binigay ng TV5.

“I mean, I don’t wanna call myself favorite too much pero parang little bit maybe, yeah,” at tumawa ang binata.

“I think it’s sort of a blessing din, you know, that I have more shows than the others, pero we all naman are given evenly shows.”

Nag-WattPad na rin daw si Vin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark nitong gabi ng Martes, April 7 sa Annabel’s restaurant sa presscon ng Wattpad Presents The Magic In You na pinagbidahan nina Mark (bilang si Basti) at Shaira Mae (bilang si Princess).

Magkaibigan daw sina Mark at Vin.

“We’re really good friends,” sabi pa ni Mark.

Hindi raw naapektuhan ng intriga at pagkukumpara ang pagkakaibigan nila ng kapatid ni Aljur Abrenica.

“No, as in zero, we are really good, nothing, wala.”

KILIG LOVE TEAM. Si Mark na nga ang pambatong male teen star ng Kapatid Network. Katunayan, may titulo na nga siya—Kilig Prince, with Shaira as the Kilig Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagsasabing si Mark ang Daniel Padilla ng TV5. May mga nagsasabing puwede rin siyang itapat kay James Reid, at maging kina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix ng GMA.

“Pressure din,” bulalas ni Mark. “Kasi I can only say malalaking... that’s an honor to be na tinatapat nila ako or kinda they’re saying na pambato, which for me is really an honor.

“It’s an honor kasi tinatapat ako sa malalaking artista, as in sikat na, talagang ano. So for me I feel pressured pero happy din.

“Basta gagawin ko yung best ko.”

Ano ang meron siya na wala sina Daniel, James, Ruru, at Miguel? Gaano siya kakaiba sa mga nabanggit na male teen stars?

“Ano po siguro, me as Mark Neumann, I work hard.”

Hindi ba nagtatrabahong mabuti ang ibang mga male teen stars?

“They do as well! Pero all I can say is for myself, I work hard and I do my best and I’m just living my life.”

SHAIRA’S BOYFRIEND. Hiningan naman namin ng opinion si Mark tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ng kanyang ka-loveteam. Magkarelasyon sina Shaira at Edgar Allan Guzman.

Hindi naman daw hadlang sa pag-angat ng loveteam nila ang bagay na ito.

“Not at all! I’m so happy with Shaira, we’re enjoying what we’re having.”

Magkakilala raw sila ni Edgar Allan at nagkasama na rin sa trabaho.

“I know him for a long time, since AA [Artista Academy], and sa Lokomoko, we spent a lot of time. So nothing, no hindrance at all.”

Hindi raw problema sa kanya na may kasintahan ang kapareha niya. Dahil ba dito ay hindi siya magkakagusto kay Shaira?

“Ah, let’s say we have a special kind of relationship, you know,” sagot ni Mark.

Single si Mark at walang girlfriend.

Kaya masasabing napipigilan ang kanyang damdamin dahil may karelasyon si Shaira?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, hindi naman. My feelings are the same, malinaw yung feelings ko. I don’t suppress anything. Basta kasama ko si Shaira masaya ako, we’re having a good time, you know, there are no regrets or parang suppression.”

Wala raw nililigawan si Mark ngayon.

“Sa ngayon wala po, bawal! Ayaw ng tito ko,” pagtukoy ni Mark sa tiyuhin niya na siya rin niyang manager, ang owner ng Artista Salon na si Gio Anthony Medina.

Hindi raw niya nararamdaman na unfair na si Shaira ay may lovelife at si Mark ay wala.

“Siguro sa busy din ng schedule, hindi ko na iniisip, ang focus ko ay work.”

Sa taping ng The Magic In You sa Hongkong Disneyland ay si Shaira pa ang nag-alaga kay Mark, dahil may matinding takot sa pagsakay sa rides sa naturang theme park ang binata.

Nagkaroon ba si Mark ng traumatic experience in the past kaya ganoon na lamang ang phobia niya sa rides?

“Wala naman po. I’ve always been like, parang, hindi sanay,” at natawa si Mark.

Ipapalabas ang Wattpad Presents: The Magic In You simula sa Lunes, April 13 hanggang Biyernes, April 17 sa TV5 @ 9 pm.

Ito ay sa direksyon ni Mac Alejandre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN