Sheena Halili denies problem with Marian Rivera: “Okey naman ang friendship namin ni Marian…hindi kami actually nagkikita talaga.”

“Iyon naman ang totoong magkaibigan, ‘di ba? Yung kahit hindi kayo nagkikita palagi, nag-uusap palagi, pero ‘pag nagkita kayo, ‘andun pa rin yun. And yung pagmamahal ni Marian sa mga kaibigan niya, kaya mahal na mahal din naman namin siya, kasi hindi nagbabago,” Sheena Halili said about her friend Marian Rivera.


Walang karelasyon si Sheena Halili ngayon, humigit-kumulang tatlong taon na siyang single.

Mapili ba siya?

“Mapili? I think kailangan naman po talagang pumili, lalo na hindi naman po tayo bumabata,” sagot agad ni Sheena.

“I mean hindi naman po siguro maganda yung nakikipag-date na lang po ako nang nakikipag-date. Pero aaminin ko po may na-date po ako na non-showbiz guy last year. Actually, hanggang early January this year. Hindi lang po talaga nag-work, so hindi po kami naging kami.

“Nanligaw lang po and iyon. Exclusively dating for six or seven months, I think.”

Ano ba ang hinahanap niya sa isang ideal guy?

“Ang hinahanap ko sa isang guy, pinagpe-pray ko kay God, sana Christian. Sana talaga Christian.

“Kasi mas maganda yung magkakasundo kayo, mas maiintindihan ninyo yung pinanggagalingan ninyo pareho, parehas kayo ng gustong pupuntahan, priorities ninyo.

“I think kahit magkaiba ang personality ninyo, magkaiba somehow yung mga interests ninyo, ang importante parehas kayo ng goal, parehas kayo ng gustong puntahan pagdating sa personal life, sa family and career.

“Kumbaga kung parehas ba kayo na gusto ninyo, simpleng buhay lang o gusto ninyong mag-work nang mag-work nang mag-work.

“And I think importante din talaga yung humor, for me. Sobrang laki ng points ng humor sa akin sa isang guy.

“Siyempre dapat responsible and kailangan sobrang mahal din niya ang family ko.”

Importante raw kasi talaga kay Sheena na maganda makitungo ang manliligaw sa kanya sa pamilya niya.

“Kasi kahit mahal ko siya kung hindi naman din maganda yung pakikitungo niya sa pamilya ko, mukhang hindi ko kaya ang makipagrelasyon sa ganung guy.

“At masasabi ko siguro na siya na yun kapagka naging mas mabuti akong tao, mas nagiging healthy ang lifestyle ko, mas kumbaga, yung mga pangit na side ko, kumbaga tutulungan niya akong i-improve iyon and siya yung magiging strength ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Importante kasi na bestfriend mo din kasi yung magiging partner mo sa buhay. And darating kasi ang panahon iyon na din talaga, ‘di ba? Iyon nga, yung friendship importante talaga yun.”

Tampok sa “Boses Ng Puso: The Roland Bunot Story” ng Magpakailanman sa GMA ngayong Sabado, April 11 sina Sheena, Mark Bautista, Frencheska Farr, Bing Davao, Anna Marin, Jak Roberto, Diego Castro, Casey Pher Arreglo, Harvey Almoneda, at Raymond Bernas, sa direksyon ni Gina Alajar.

PROBLEM WITH MARIAN? Kumusta ang friendship nila ni Marian Rivera? May intrigang hindi na sila close tulad dati.

“Okey naman ang friendship namin ni Marian! Hindi lang kami masyado…hindi kami actually nagkikita talaga. Pero nagte-text kami sa isa’t isa, once in a while kinukumusta niya ako.

“Nung storycon [ng The Richman’s Daughter kung saan bida si Marian], naku, ang dami-dami naming napagtsikahan agad!

“’Tapos tinginan lang kami nang tinginan, alam mo yung kahit matagal kaming hindi nakapagtrabaho together or nagkasama together, naging busy kami sa kanya-kanya naming buhay, yung mga tinginan namin naiintindihan pa rin naman namin.

“Iyon naman ang totoong magkaibigan, ‘di ba? Yung kahit hindi kayo nagkikita palagi, nag-uusap palagi, pero ‘pag nagkita kayo, ‘andun pa rin yun.

“And yung pagmamahal ni Marian sa mga kaibigan niya, kaya mahal na mahal din naman namin siya, kasi hindi nagbabago. At saka napaka-protective at napakamaalaga niyang kaibigan.

“Kaya naman nung kasal niya ang dami-dami naman niya talagang guests, ‘di ba?

“Sobrang dami, sobrang alam mo yung nakita ko talaga dun na ang daming nagmamahal kay Marian, kay Yanyan, and kay Kuya Dong [Dingdong Dantes].

“Sobrang parang hindi ako makapaniwala na, kasi madalas ang mga napupuntahan kong kasal maliliit lang na wedding.

“Sila [Marian at Dingdong] hindi talaga sila puwedeng magkaroon ng maliit na wedding dahil ang dami-dami talagang nagmamahal sa kanila.

“At lahat iyon nabigyan naman nila ng parte, nabigyan nila ng importansiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabigyan ka nga lang ng opportunity na makasama sa kasal na yun, sa dami-daming guests, e, ‘di ba talagang mararamdaman mo talaga na espesyal ka kay Marian?”

Wala raw katotohanan ang tsikang nagtampo si Sheena na hindi siya abay sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes last December.

“Hindi man ako abay parang, meron din naman akong ginawa sa church and hindi naman importante yun, e.

“Basta ang akin, masaya ako sa kasal nila.

“Kaya naman nung kasal niya, napakaraming tao, napakaraming kaibigan na nadoon, hindi siya talaga puwedeng magkaroon ng simple at maliit na wedding kasi talagang ang dami-daming nagmamahal sa kanya.

“Ultimo yung mga fans niya nandoon, lahat ng mga nakatrabaho niya nandoon talaga, talagang binigyan niya ng importansiya at hindi siya nakalimot.

“Kaya naman napaka-blessed ni Marian and makikita natin na masaya siya, yung kasiyahan kasi ng isang kabigan kapag nakikita mo na masaya siya, ‘di ba, parang nahahawa ka?

“Well iyon yung naibibigay niya sa amin na kasiyahan, kumbaga ‘pag kasama namin siya, talagang mahahawa ka dun sa good vibes na dala niya.

“At yun nga, dahil mahal niya kaming mga kaibigan niya, napakarami niyang kaibigan, napakayaman niya sa kaibigan kaya, ‘di ba ang dami rin niyang bridal showers na nangyari? Ang dami kasi talagang taong nagmamahal kay Yanyan.

“And isa lang siyang tao, kumbaga, nabibigyan niya kami lahat ng importansiya, ‘di ba? So hindi naman kami dapat magtampo kung hindi niya kami laging napupuntahan o nakikita.”

Para kay Sheena, hindi nasusukat kung ilang beses magkita ang isang magkaibigan.

“Iyon naman ang totoong friendship, e. Yung ‘pag nakikita mo na masaya ka, ‘pag may nakikita siya na post ko na masaya…nung nalaman nga niyang nakipag-date ako last year happy daw siya for me.

“Well ‘ayun na nga, hindi ko pa natsitsika sa kanya na hindi rin natuloy,” at tumawa si Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN