Winwyn Marquez to go back to school after beauty pageant experience; but not giving up dream to win a crown

Winwyn Marquez is very happy with the endorsement from Miss World 2013 Megan Young: “Siyempre para sabihin ‘yon na galing pa mismo kay Miss World [Maegan] siyempre kinilig ako. Na parang… ‘Oh, my God! May blessing na parang puwede nga ako sumali.’ Parang gano’n. Pero wala sa plano ko. Wala talaga. Pahinga po muna.”


Kasama ni Winwyn Marquez ang kanyang inang si Alma Moreno na nag-taping para sa game show ng GMA na Celebrity Bluff noong gabi ng Martes, April 7.

Bukod sa kanilang dalawa ay contestants din sina Eula Valdes at binatang anak nito na si Mike at ang mag-ina ring sina Melissa Mendez at Denise Oca.

Pabiro ngang sinasabihan ni Alma si Winwyn na may meeting pa siya para sa magiging agenda sa susunod na assembly ng Councilor’s League Of The Philippines kung saan presidente ang aktres. Hindi lang daw nga nito matanggihan ang anak.

“Napilit ko talaga siya!” nangiting bungad ni Winwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Supportive mom daw talaga si Alma. Sa katatapos na Binibining Pilipinas pageant nga nang hindi siya nanalo ng anuman sa major titles, talagang naiyak nga raw ito.

“I think normal lang naman yun sa parents na... ‘di ba, to feel bad? But I told her na it’s okay.

“It’s a competition. At hindi mo talaga alam kung mananalo ka o hindi.

“Pero sila rin naman ang nagsabi sa akin na, ‘I see that you’re very strong.’ But nasaktan din nga sila kasi nga nakita rin nila yung effort at sacrifices ko.”

Yung matinding suporta na ipinakita ng marami para sa kanya, ito raw ang naka-touch nang husto sa puso ni Winwyn. Very stiff ang naging labanan sa Bb. Pilipinas this year sa dami ng beauty and brains na mga kandidata.

“Lahat naman po, deserving manalo. Lahat ng girls kasi, nakilala ko talaga sila, e.”

Hindi itinanggi ni Winwyn na ikinalungkot niya ang pagkatalo sa Bb. Pilipinas. Pero kaagad naman ay nakapag-move on daw siya.

“Okey naman po ako. Back to normal na ang lahat,” muling nangingiti niyang sabi.

“Balik lang sa mga dating ginagawa ko before. So okey naman po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man daw siya pinalad na manalo, masaya raw siya sa naging experience niya sa Bb. Pilipinas.

“Sobrang different experience. Sobrang saya. Iba talaga. Ang dami kong natutunan.

“’Tapos yung mga friends na na-gain ko. At saka yung confidence para sa sarili ko.

“Kasi kahit nasa showbiz na ako, I still doubted myself. Na… parang nahihiya pa ako. Nagda-doubt ako at iniisip ko kung ano ba ang kaya ko gawin.

“At least dito sa Bb. Pilipinas, yung dream ko, nagawa ko na.

“And at least na-prove ko sa sarili ko na kaya kong ipakita na disiplinado ako physically at mentally.”

PUSH FROM MEGAN. Balitang ini-encourage siya ni Megan Young na sumali naman sa Miss World-Philippines. Totoo ba ito?

“I don’t think encourage naman. Parang tinanong lang siya, what if sumali ako ng Miss World?

“And she said, ‘Why not?’ Basta raw yung loob ko, buo na sumali do’n.”

Is she entertaining the idea? Sasali ba siya sa Miss World-Philippines?

“Siyempre para sabihin ‘yon na galing pa mismo kay Miss World [Maegan] siyempre kinilig ako. Na parang… ‘Oh, my God! May blessing na parang puwede nga ako sumali.’ Parang gano’n.

“Pero wala sa plano ko. Wala talaga. Pahinga po muna,” tawa pa niya.

Hindi naman kaya nadala na siyang sumali sa beauty pageant?

“Hindi naman po. Basta wala po muna sa isip ko ‘yon.

“After ng Bb. Pilipinas, ang inisip ko ay kung ano yung gagawin kong next.”

At ano nga ba ang susunod niyang gagawin?

“Babalik ako sa school.

“Actually yung masteral’s degree ko, itutuloy ko.

“And then yung mga ginagawa ko with GMA. Inaayos namin ‘yon.

“Before kasi ako sumali ng Bb. Pilipinas, I was doing my masteral’s sa La Salle-Dasma [Dasmarinas, Cavite]. Yung Educational Management And Certification Program.

“So iniisip ko kung babalik ako do’n or babalik ako ng San Beda College.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi they talked to me na mag-o-open na raw sila ng Marketing Management na masteral’s.

“So iniisip ko ang tungkol do’n. Once a week lang naman ang klase so puwedeng isabay sa showbiz career ko.”

NOT CLOSING HER DOOR. Yung iba, sa second o third time na pagsali nananalo. Hindi rin daw nagsasara ng kanyang pinto si Winwyn when it comes to joining beauty contests.

“No. Siyempre dream ko rin naman na manalo, ‘di ba?

“Pero siyempre kailangan ko munang pakiramdaman if sasali ba ako ulit next year. Pag-iisipan ko muna.”

Kung saka-sakali, sa Bb. Pilipinas ba ulit siya sasali, sa Miss World- Philippines, o sa Miss Earth-Philippines naman?

“That, I don’t know,” nangiting sagot ni Winwyn. “We will see kung ano ba ang mangyayari.

“Hindi ko pa masagot, e. Kasi fresh pa yung Binibini.”

SHOWS WITH GMA-7. Aside from Sunday All Stars, ano naman ang iba pang aabangan sa kanya ngayon? May mga bagong projects ba siyang gagawin sa GMA?

“Pinag-uusapan na I’m going to be a part of an existing soap. It’s a top-rating show.

“Abangan na lang nila kung saang show. Kapag nag-taping na po ako, saka ko na lang sasabihin kung saan.

“Then meron pang isa, pero secret muna!” tawa na naman ni Winwyn.

“I can’t say pa kasi. Hindi ko pa po talaga puwedeng sabihin.”

Pagdating sa characters na kanyang gagampanan, okey lang daw sa kanya kung kontrabida man ulit ang kanyang magiging role.

“Sabi ko naman, whatever role that they’re going to give me, as long as maganda yung story niya, okey na siya.”

What makes her blooming sa ngayon? May bago ba siyang pag-ibig?

“Wala po. Matagal na pong wala akong boyfriend.

“Siguro kaya ako blooming, dahil sa Binibini!” nakangiting pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN