Ai-Ai delas Alas on rumored transfer to GMA: “I was a loyal soldier... pero minsan work lang ’to, walang ibang dahilan.”

Wala pa rin kalinawan ang balita tungkol sa paglipat umano ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa GMA Network, matapos ang labing-anim na taon nitong pamamalagi sa ABS-CBN. Ngunit tila may pahiwatig na ang 50-year-old comedienne tungkol sa kanyang paglipat.


Kumpirmado na nga ba ang pagbabalik ni Ai-Ai delas Alas sa GMA Network?

Matagal nang usap-usapan ang diumano’y paglipat ni Ai-Ai sa Kapuso Network matapos nitong hindi pagpirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng 16 years.

Usap-usapan ding nitong mga nakaraang linggo na ang TV version ng Let The Love Begin, na pagbibidahan ng mga baguhang sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, ang unang proyekto ni Ai-Ai sa kanyang pagbabalik sa GMA.

Napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakapag-pictorial na si Ai-Ai para sa nasabing teleserye ngayong linggo.

Ayon naman sa entertainment editor na si Ricky Lo, sa kanyang column sa The Philippine STAR, base raw sa kanyang "unimpeachable source" ay nakapirma na ang Comedy Concert Queen ng isang "exclusive contract" sa GMA.

Bahagi ng artikulo ang sumusunod: “Ai-Ai has finally signed an exclusive contract with GMA, with four shows already lined up for her: A daily talk show (against Kris TV?), a Sunday show (against ASAP?), a soap and a sitcom with Vic Sotto.”

Ayon naman sa kolum ng batikang TV host at manunulat na si Lolit Solis sa Pilipino Star Ngayon, magkakaroon daw ng welcome presscon ang GMA para sa 50-year-old actress.


“MINSAN WORK LANG ‘TO…” Base naman sa Instagram posts ni Ai-Ai ay tila may mga pahiwatig na rin siya tungkol sa balitang pag-alis niya ng ABS-CBN at paglipat sa GMA.

Nitong Miyerkules, April 8, ay nag-post si Ai-Ai ng ganitong mensahe:

“Lord, I know Your plan is always the best. Sometimes the process is painful & hard. But I know that when You are silent, You are doing something for me. Amen!”

Ang caption niya dito: “Bagay saken ang text na to -- THE BEST KA LORD!!! 😀🙏

Bagay saken ang text na to -- THE BEST KA LORD!!! 😀🙏

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) onApr 8, 2015 at 8:55pm PDT

May sinagot ding follower si Ai-Ai, si @edzasereje.

Sabi ng komedyana: “I was a loyal soldier—at napakalaki ng utang na loob ko sa abs pero minsan work lang to hehe walang ibang dahilan...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinayuhan din ni Ai-Ai ang ilan niyang followers na huwag nang mag-away.

Aniya, “@jolycious @christianchristian160 wag na kayo mag away magmahalan nanlang tayo dito ang onte na nga lang naten hehe .. Peace nalang 💐💚”

Mensahe naman ni @therealirishmaemont para kay Ai-Ai: “Goodluck @msaiaidelasalas dto lng kmi mga fans mo. Sana mgka work kyo ni idol @therealmarian hehe.

Sabi naman ni @ciddungca.tsm: “I am happy for you @msaiaidelasalas i know God will give you more blessings, wish you all the best in life no matter what channel kpa nsan. Im still your fan. And ill pray for your career, health and family ;-) Godbless ms. @msaiaidelasalas…”

Tugon naman ni Ai-Ai: “@ciddungca.tsm @therealirishmaemont @myhoneyboo1920 maraming salamat sa support 💚🙏”


Sinubukan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag si Ai-Ai tungkol dito, sa pamamagitan ng email, pero wala pa siyang sagot hanggang sa mga oras na ito.


CAREER PATH. Halos 16 years ang inilagi ni Ai-Ai sa Kapamilya network.

Ngunit nagsimula ang kanyang TV career sa dating RPN-9. Kalaunan ay lumipat siya ng GMA taong 1991.

Sa pananatili niya sa GMA, nagkaroon ng maraming shows si Ai-Ai. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Lunch Date, Salo-Salo Together (SST), at 1 For 3.

Taong 1998 nang lumipat siya ng ABS-CBN para maging bahagi ng Magandang Tanghali, Bayan.

Maliban sa kanyang TV career ay umusbong din nang husto ang kanyang movie career habang na sa bakuran ng ABS-CBN; kabilang na ang Ang Tanging Ina franchise movie.

Nagkaroon din siya ng shows sa dating ABS-5, kabilang na ang Sing-Galing.

Huling napanood si Ai-Ai sa TV remake ng Dyesebel na pinagbidahan ni Anne Curtis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN