Marian Rivera, Dingdong Dantes tight-lipped about pregnancy rumors

On the April 11 edition of Startalk, Lolit Solis commented on Marian Rivera and Dingdong Dantes’s yet-to-be-revealed good news: "Sa isang linggo ho, may ipapahayag si Dingdong at Marian. Mabuti nang sa kanila manggaling na may...kung ano man yun. Pero magandang balita kasi magkakaroon na yata ng mga junior junior? Dingdong Jr., Marian Jr."


Bumuhos ang mga pagbati at masayang mensahe ng fans nina Marian Rivera, 30, at Dingdong Dantes, 34, tungkol sa diumano'y pagdadalangtao ng Kapuso Primetime Queen.

Noong Biyernes, April 10, ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram ang sorpresang pagbisita ni Dingdong sa taping ng bagong Kapuso primetime teleserye ng aktres, ang The Richman’s Daughter.

😍 May guapo akong dalaw sa taping, awww ang sweet! ❤️

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) onApr 9, 2015 at 7:44am PDT

Halos kasabay nito ang pagkalat ng espekulasyong buntis si Marian sa social media.

As of press time, umabot na ng mahigit na 800 messages ang comments thread ng larawan ng newly married couple.

Tanong ng karamihan sa fans nina Marian at Dingdong: “Buntis nga ba si Marian?”

Maging ang pagyakap ni Dingdong sa baywang at tiyan ni Marian at pagpatong ng aktres ng mga kamay niya sa kamay ng asawa ay pinaniniwalaang may kinalaman sa diumano’y pagbubuntis ni Marian.

Kahapon, April 11, inabangan din ng fans sa Startalk kung magkakaroon ng anunsiyo o pagbibigay kumpirmasyon ang showbiz couple hinggil sa isyu.

Nabitin ang fans nang hindi makita si Dingdong at Marian sa nabanggit na Kapuso talk show.

Ganunpaman, hindi nakaligtas sa manonood ang tila makahulugang komento ng Startalk co-hosts na sina Lolit Solis at Joey De Leon tungkol sa kaabang-abang na announcement nina Dingdong at Marian sa naturang talk show sa susunod na Sabado.

Bungad na pahayag ni Joey sa umpisa ng programa: “Marami din ang aabangan nating manganganak. Hindi ba, Lolit?”

Sabi naman ni Lolit, “May manganganak? Eto ho ang magandang balita namin sa inyo.

“Sa isang linggo ho, may ipapahayag si Dingdong at Marian. Mabuti nang sa kanila manggaling na may...kung ano man yun."

Biro pa ni Lolit: “Pero magandang balita kasi magkakaroon na yata ng mga junior junior? Dingdong Jr., Marian Jr.”

Narito ang ilan sa comments ng fans nina Marian at Dingdong hinggil sa isyu:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN