Empress Schuck’s camp believes "coming clean" about her pregnancy is the right thing to do

Kahit marami ang pumuri sa kanyang pagiging matapat, hindi pa rin maiwasang may bumatikos kay Empress Schuck (right) sa kanyang pag-amin na siya ay tatlong buwan ng buntis sa anak nila ng boyfriend na si Vino Guingona (left).


Kahit may mga pumupuri sa kanyang matapang na pag-amin na siya’y tatlong buwan ng buntis, hindi pa rin nakaiwas si Empress Schuck sa mga batikos sa kanyang ginawang paglantad.

Read: Empress Schuck opens up about her pregnancy; reveals identity of father of her baby

Read: UPDATED. It's confirmed: Empress Schuck is three months pregnant

Una na nga rito ang tanong ng karamihan kung bakit bigla itong nabuntis, gayong hindi naman ito naging bukas sa kanyang lovelife.

Sa pamamagitan ng email, nagpadala ng kanilang pahayag ngayong araw, Linggo, April 12, si Katrina Aguila, ang co-manager na humahawak sa career ng 22-year-old Kapuso star. Si Becky Aguila ang isa pang co-manager ng aktres.

Saad pa ni Katrina, “Empress has always kept mum about her lovelife, not because she wants to hide it sa public, but because ngayon lang siya naka-experience having a serious relationship.

“Vino [Guingona] is her first serious boyfriend and like any other young woman, na-head over heels [in love] siya.

“Empress is such a loving daughter, sister, friend, and artist. Breadwinner siya ng family niya. Kaya, although napaaga siyang mag-start ng sarili niyang family, we are confident na everything will be okay.”

Sa naging panayam kay Empress sa Startalk kahapon, April 11, sinabi nitong hindi pa niya prayoridad sa ngayon ang kasal.

Dagdag pa ni Katrina, “As Empress stated in the uncut interview on Startalk, marriage isn't a priority.

“Their priority is the baby. But maybe someday, they will get married because she doesn't see anyone else in her life aside from Vino, and ganun din si Vino.

“She is grateful to everyone supporting her...[her family, friends, and most especially Vino].

“It was very hard to do what she did on Startalk, but she believes that coming clean and being honest about everything is the right thing to do," ani Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BASHERS. Hindi maganda ang naging comment ng ilan tungkol sa biglaang pagdadalantao ni Empress.

Sa kanyang Instagram account, marami ang negative comments mula sa mga followers nito.

Pero bale wala raw ito sa aktres dahil opinion daw nila ito.

Pahayag pa ni Katrina, “About her detractors or bashers. She already expected this even before the news broke out.

“Hindi rin niya pipigilan o sasagutin ang mga sinasabi nila because she believes that everyone is entitled to his own opinion. It is their right.

“Rerespetuhin na lang niya yun.

“But at the end of the day, she is hopeful and thankful for this experience...because madami siyang natutunan and madadagdagan na ang mga taong mamahalin niya sa buhay.”

Isa lang daw ang pinagsisihan ngayon ni Empress, ang pagkaantala ng karera nito na unti-unti na sanang umuusbong sa kanyang paglipat sa GMA nitong 2014. Nanggaling si Empress sa ABS-CBN.



Lahad pa ni Katrina, “If there is one thing she regrets, it’s na-cut short ang pagsisimula niya ulit with GMA.

“That was why she gave the commitment to Miss Lilybeth Resonable [ETV head], that she will finish all her commitments in GMA, which is to finish the soap Kailan Ba Tama ang Mali?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN