Charice irked by post comparing her to Ariana Grande over "I Have Nothing" cover

Charice on being compared to Ariana Grande: "Una sa lahat, napakalayo ng itsura ko kay Ariana, KAYA BA KAILANGANG PALITAN ANG PICTURE KO? Para makisabay? Malayo pa rin. Maganda si Ariana. Sobrang nakaka-offend. But I guess yun yung point niyo, ’di ba? Ma-offend ako."


Mukhang ikinagalit ni Charice Pempengco ang pagkukumpara sa kanya sa sikat na singer na si Ariana Grande dahil sa kanilang rendition ng kanta ni Whitney Houston na "I Have Nothing.:

Sa Facebook post ng ABS-CBN fanpage noong April 11, ganito ang nakalagay: “Ariana Grande & Charice cover Whitney Houston's “I Have Nothing.” Who sang it better? Watch & Listen to their interpretation! You'll be the judge!”

Parehong si David Foster ang tumugtog sa piano ng parehong performance ng dalawa.

Ang kay Ariana ay nitong April 8, 2015

Ang kay Charice naman ay may anim na taon na ang nakararaan.

"SOBRANG NAKAKA-OFFEND." Sa Instagram account niya last Saturday, April 11, naglabas ng kanyang puna si Charice tungkol sa pagkumpara sa kanila.

Sinamahan niya ang post niyang ito ng screen shot ng tila survey ng ABS-CBN Facebook fanpage.

Nakalagay sa caption ni Charice: “Sabi nila, wag daw sa social sites. Pero yung iba okay lang? Lol?

“Eto na!!!! Please. Tigilan n'yo na ako with your 'comparisons' with other artists.

"Magaling ang version ni Ariana. Pinakamagaling ang version ni Whitney.

“Walang nakakaangat dahil iba iba kaming mga mang-aawit.

"Kaya hindi maka-move on ang madlang people dahil kayo mismo ang ayaw mag-move on at irespeto ang desisyon ng isang tao.

“I've had it.

"Una sa lahat, napakalayo ng itsura ko kay Ariana, KAYA BA KAILANGANG PALITAN ANG PICTURE KO? Para makisabay? Malayo pa rin.

“Maganda si Ariana. Sobrang nakaka-offend. But I guess yun yung point niyo, 'di ba? Ma-offend ako. 😂

“Alam kong iba-iba nagha-handle ng account na ‘to. Pero nagtataka lang ako kung bakit everytime pagdating sa akin, kung hindi comparison, negative at kakaunti lang ang positive.

“Kaya iba rin ang tingin sa akin ng ibang tao.

"Pero on the brighter side, si Ariana yan. Ariana did an amazing job. THERE'S YOUR ANSWER.

“Wala nang magtatanong sa akin. This is your answer and I'm not mad, just a little offended.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm cool baka isipin ng iba naman, masama ugali ko kasi na-'offend' lang ako. 😂

"God bless and sana puro peace na lang and move on din pag may time.

"Walang bumabata. Tumatanda na tayong lahat. 😂✌️"

Sabi nila, wag daw sa social sites. Pero yung iba okay lang? Lol? Eto na!!!! Please. Tigilan nyo na ako with your "comparisons" with other artists. Magaling ang version ni Ariana. Pinakamagaling ang version ni Whitney. Walang nakaka-angat dahil iba iba kaming mga mang-aawit. Kaya hindi maka-move on ang madlang people dahil kayo mismo ang ayaw mag-move on at irespeto ang desisyon ng isang tao. I've had it. Una sa lahat, napakalayo ng itsura ko kay Ariana, KAYA BA KAILANGANG PALITAN ANG PICTURE KO? Para makisabay? Malayo parin. Maganda si Ariana. Sobrang nakaka-offend. But I guess yun yung point niyo diba? Ma-offend ako. 😂 Alam kong iba iba nag-hahandle ng account na to. Pero nagtataka lang ako kung bakit everytime pagdating sa akin, kung hindi comparison, negative at kakaunti lang ang positive. Kaya iba rin ang tingin sa akin ng ibang tao. Pero on the brighter side, si Ariana yan. Ariana did an amazing job. THERE'S YOUR ANSWER. Wala ng magtatanong sa akin. This is your answer and I'm not mad just a little offended. I'm cool baka isipin ng iba naman, masama ugali ko kasi na "offend" lang ako. 😂 God bless and sana puro peace na lang and move on din pag may time. Walang bumabata. Tumatanda na tayong lahat. 😂✌️

A photo posted by Charice (@supercharice) onApr 10, 2015 at 11:20pm PDT

“HAPPY WITH WHAT I’VE BEEN THROUGH.” Matapos nito, muling nag-post ang singer ng larawan niyang lalaking-lalaki ang porma.

Dito, sinabi niyang na-offend siya sa naturang post.

Saad ni Charice, “Ayan po new photo ko po. Para sa inyong lahat. Sa mga mapagmahal kong fans. Ayan na po si Charice. Hindi po yung nakita nyo kanina. Thank you for all the love and support.

“I'm venting a little because it's been hard to show people that I'm not as bad as what other people think but some people really try to manipulate people to dislike me more.

“Whoever you choose to believe, I believe in me and who I am today and I am happy with what I've been through, good or bad! Mabuhay tayong lahat!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN