Shaira Mae admits comparison to Kathryn Bernardo and Nadine Lustre puts pressure in her career

It is well known that Shaina Mae and Edgar Allan Guzman are an item, yet it does not seem to bother the fans of her loveteam with Mark Neumann. Shaira Mae says, "Yun po ang nakakatuwa... happy din sila para sa amin [ni Edgar Allan]."


Shaira Mae dela Cruz ang buong pangalan niya, pero Shaira Mae lamang ang screen name na ginagamit ng young Kapatid actress.

Ang TV5 daw ang nagdesisyon na hindi na ipagamit kay Shaira Mae ang apelyido niya mula pa noong sumali siya sa Artista Academy.

Sabi ng Kapatid actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi, ‘di ba, ang common ng Dela Cruz po?”

Samantala, pressure daw kay Shaira Mae na siya ang ipinantatapat ng TV5 kina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ng ABS-CBN at kina Bianca Umali at Barbie Forteza ng GMA.

Sabi niya, “Opo, opo! Siyempre naman po kasi hindi maiiwasang ma-compare din.

“'Tsaka hindi biro yung maitapat sa kanila, ang gagaling nila, ang gaganda nila. Happy rin ako.

"At the same time, kasi yung TV5, may tiwala... tiwala sila na kaya ko rin someday."


FRIENDLY RIVALRY. Sa bakuran naman mismo ng Kapatid network ay close si Shaira Mae sa mga maituturing ding karibal niya sa popularidad—sina Eula Caballero at Ritz Azul.

“Magkakasama po kami sa Tropa, sa gag show,” banggit niya.

Pero sa ngayon ay tila mas nabibigyan siya ng atensyon kumpara kina Eula at Ritz.

Paglilinaw ni Shaira Mae, “Ay, hindi naman po!

"Meron din silang Wattpad, same kami ni Eula, nakaka-apat na nga kami, same din."

Para kay Shaira Mae, pantay ang exposure at pag-aalaga sa kanilang talents ng TV5. Maituturing ba niyang karibal niya si Eula?

Natatawang sabi niya, “Hindi ko po alam!

“Pero ako po, nakikita ko naman po, equal naman po, same po.”


MATURE FANS. Pressure din ba para kay Shaira Mae na ang fans ngayon ay nais na nagkakatuluyan ang mga magkaka-loveteam?

Kaya ang Shark (pinagsamang pangalan nina Shaira at Mark) fans ay umaaasang maging totohanan ang relasyon ng dalawa.

Saad niya, “Hindi naman po masyado.

"Happy naman po ako, masaya po ako, kasi may ganun sila na nakikita sa amin ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, kinikilig talaga sila and looking forward sila sa mga projects namin.”

Sa tunay na buhay ay karelasyon ni Shaira Mae si Edgar Allan Guzman, pero surprisingly ay walang bashers si Edgar Allan.

“Yun po ang nakakatuwa, wala po,” sambit ni Shaira Mae.

Paano nila naiwasan iyon?

“Hindi rin po namin alam, e.

"Wala po kaming ginawa, hindi po kami kumausap [ng kahit na sino].

"Siguro po mababait ang Shark fans talaga, sweet… understanding sila and naka-support talaga sila.

“Kumbaga, happy din sila para sa amin [ni Edgar Allan].”

Mature na raw naman ang fans ngayon, na kayang ihiwalay ang onscreen loveteam sa totoong buhay.

Hindi raw nakakagambala para sa kanya na siya ay may karelasyon at may ibang ka-loveteam.

Sabi ni Shaira Mae, “In some ways, nakakatulong din siya kasi alam ko yung feeling ng kinikilig.

“Alam ko yung feeling na getting to know someone, which is kami ni Mark sa story [ng The Magic In You].

"So, nagagamit ko siya, nagiging inspiration ko din, iyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN