Shaira Mae open if TV5 decides to end her loveteam with Mark Neumann

Shaira Mae appears to the most active in her batch in the talent search Artista Academy, but she clarifies, “Lahat naman nabibigyan, kumbaga umiikot, umiikot din. May rotation din yung mga Wattpad, yung mga projects ng Wattpad. So, pantay-pantay lang po kami.”


Nineteen years old na ngayon ang Kapatid star na si Shaira Mae.

Hindi pa raw siya naaalok ng FHM na maging cover girl, pero kung sakali mang may offer ay tatanggihan niya ito.

“Hindi pa po siguro.”

Hindi talaga siya magpu-pose para sa FHM kahit kailan?

Sagot ni Shaira Mae, “Hindi naman no, pero huwag muna.

“Masyado pang maaga, masyado pang bata, ‘tsaka hindi naman ako ganun ka-sexy.

“Siguro yung mga ganyan, paghahandaan.

“Yung nababagay na talaga, yung right time.”

Sa pagiging aktres naman, gusto raw sundan ni Shaira Mae ang mga yapak ni Bea Alonzo.

Sa pagiging performer naman o pagkanta ay si Toni Gonzaga.

Pahabol pa niya, “Sa Kapuso, si Marian Rivera. I love Marian!”


EQUAL OPPORTUNITY. Sa ngayon ay kampante ang Kapatid network sa tatag ng loveteam nina Shaira Mae at Mark Neumann kaya naman sila ang mapapanood sa palabas ngayon na Wattpad Presents The Magic In You.

Pang-apat na pagsasama na ito nina Shaira Mae at Mark.

Sa mga produkto ng artista search ng TV5 na Artista Academy noong 2012, tila pinaka-visible ngayon sa mga babae si Shaira. Mas visible pa siya sa female winner na si Sophie Albert.

May mga nagsasabi ring mas aktibo ang career ni Mark kaysa sa male winner na si Vin Abrenica.

Ano ang masasabi ni Shaira Mae rito?

Aniya, “Hindi naman po, baka nagkakataon lang po.

“Meron din naman po sila, may Wattpad po na upcoming ang SoVin din [Sophie and Vin].

“Lahat naman nabibigyan, kumbaga umiikot, umiikot din.

“May rotation din yung mga Wattpad, yung mga projects ng Wattpad.

"So, pantay-pantay lang po kami.”


Kung sakali namang magdesisyon ang TV5 na paghiwalayin muna ang loveteam nila ni Mark, ano ang magiging reaksiyon ni Shaira Mae?

Sagot niya. “Siyempre masa-sad!

"Ang dami na naming pinagdaanan ni Mark, na alam naming okay na okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sobrang sad, magiging happy rin naman ako, kasi kung nakikita ng TV5 na iyon yung makakabuti sa amin, why not, ‘di ba?

“Alam naman nila so, kumbaga, tiwala din ako sa TV5 sa kung ano’ng ibibigay nila sa amin.

“Okay lang din, open ako sa kung kanino man.”


PLAN B. Magta-tatlong taon na si Shaira Mae sa bakuran ng TV5; limang taon ang kanyang exclusive contract dito.

Samantala, kung hindi siya artista ay nais daw ni Shaira na maging isang doktor.

“Pero kasi, hindi naman kasi kami ganung kayaman, hindi kami kayamanan, so I’m sure mahihirapan yung parents ko.

“E, matanda na rin sila. For twenty years, nagbabarko na yung daddy ko, so ayoko namang pahirapan sila.

“Siguro ang next dun [sa ambisyong maging doktor] is maging flight attendant.”

Pareho sila ng ambisyon ni Mark, “Kasi po gusto kong maka-travel.”

Iyon din ang rason ni Mark kaya nais nitong maging flight attendant.

“Baka siguro kung hindi kami artista, baka dun na kami nagkita!” at tumawa si Shaira.

Ang Wattpad Presents: The Magic In You ay nagsimulang ipalabas nitong Lunes, April 13, at matatapos sa Biyernes, April 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN