Mariel Rodriguez slowly moves on after miscarriage; happy for Willie Revillame on his TV comeback

Mariel Rodriguez on Willie Revillame’s TV comeback: “I’m very happy for Kuya, sa totoo lang, kasi gusto lang talaga magpasaya ng tao nun.”


Unti-unti na raw nagmu-move on si Mariel Rodriguez mula sa sinapit na insidenteng pagkalaglag ng kanyang sana’y panganay na anak sa asawang si Robin Padilla.

Matatandaang March 16 nitong taon kinumpirma ng TV host na nalaglag ang kanyang walong linggong ipinagbubuntis.

Read: Mariel Rodriguez confirms miscarriage: “A small part of me has died.”

Pahayag niya, “Wala ka namang choice. May mga bagay na wala kang choice.

"Alangan namang magmukmok ako for life, pero nahirapan ako talaga.

“Alam niyo, may mga times na akala ko okay ako, 'tapos may makikita ako, ayan, parang baliw. Iyak ako.

“Bumili ako ng mga baby clothes, 'tapos makikita ko yung mga baby clothes, iyak na naman ako.

“Parang baliw...

"Minsan okay ako, 'tapos may makikita akong parang may nanganganak sa TV, umiiyak na naman ako.”

Kuwento pa ni Mariel, bago niya natuklasang nakunan siya ay may nakita siyang paru-paro sa loob ng kanilang bahay.

“Kasi there was a butterfly. Nagkaroon ng butterfly sa loob ng bahay, e, super-sarado naman nung bahay namin.

“'Tapos sabi ko, ‘Bakit nagkaroon ng ganito dito? Bakit nagkaroon ng butterfly sa house?’

“Na-video-han ko pa.

"Alam mo, the day after that, dun ako mag-start mag-bleed.

"Pero alam mo yung hindi naman ako naniwala sa mga pamahiin... sabi ni Robin parang nagbaba-bye na yung baby.

“Siyempre, cry ako nun.

"Pero after nun, slowly ko na siyang natanggap."

Ito rin daw ang dahilan kung bakit matagal siyang sumailim sa tinatawag na raspa dahil umaasa pa raw siya ng milagrong baka mabuo pa yung baby.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel sa launching nito bilang bagong co-host ng pang-umagang lifestyle cum family show ng TV5, ang Happy Wife, Happy Life (Season 2), nitong Lunes ng hapon, April 13.

Ginanap ang presscon sa Anmabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kung saan dumalo rin ang original hosts ng show na sina LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang kanilang palabas araw-araw sa TV5, tuwing alas-diyes ng umaga.


BASHERS. Marami man ang nakisimpatiya sa pinagdaanan ni Mariel, may iilan ding binatikos ang dokumentado nitong pag-anunsiyo tungkol sa kanyang miscarriage.

Kabilang na rito ang Instagram at Facebook posts niya habang umiiyak.

Biro ni Mariel, “A, wala naman akong masasabi!

“Bahala sila sa gusto nilang gawin. Ako din, bahala ako sa gusto kong gawin.

“Bahala tayong lahat.

"Si Robin kasi, kinukunan niya lahat. Si Robin talaga yun.

"Pero yung moments, lahat kina-capture ko.

"Kasi we really want to document, para when the baby comes, gusto ko may album siya."


HAPPY FOR WILLIE. Sa kabilang banda, nagbabalik na sa telebisyon si Willie Revillame sa pamamagitan ng Wowowin sa GMA.

Lumutang ang balitang magiging co-host daw si Mariel ng show ni Willie na magsisimula sa Mayo, pero pinabulaanan ito ng Kapatid star.

Sabi niya, “Hindi ko rin alam, e, hindi ko rin alam.

“Siguro, in-assume na rin ng mga tao.”

Magkasama sina Willie at Mariel sa Wowowee ng ABS-CBN, WilTime Bigtime at WowoWillie ng TV5.

Nagkaroon ba ng offer na isama siya sa show?

Sagot ni Mariel, “You know, I was able to talk to Jay Montelibano nung finals ng Talentadong Pinoy.

"He told me na merong show si Kuya. Pero dun na yun natapos. Hindi na naulit yung pag-uusap namin ulit."

Si Jay ang dating business unit head ng shows ni Willie mula ABS-CBN hanggang TV5, pero umalis na ito sa poder ng TV host-singer at nagtatrabaho na sa Kapatid network.

Masaya raw si Mariel na muling magbabalik-telebisyon si Willie.

Saad nito, “I’m very happy for Kuya, sa totoo lang, kasi gusto lang talaga magpasaya ng tao nun.

“Masaya ako para sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN