Governor Vilma Santos admits husband Senator Ralph Recto cheated on her

Governor Vilma Santos on sex life with Senator Ralph Recto: "Not as passionate as before when we were younger. Pero hindi po pupuwedeng mawala ‘yan because that’s part of the relationship. Not as often though."


Higit na malaman ang ikalawang bahagi ng panayam ni Winnie Monsod kay Batangas Governor Vilma Santos para sa Bawal Ang Pasaway ng GMA News TV, na ipinalabas nitong Lunes, April 13.

Maraming naging rebelasyon ang Star For All Seasons nang mapunta ang usapan sa relasyon nila ng asawang si Senator Ralph Recto at ang kanilang love story.

Ikinasal sina Vilma at Ralph noong December 11, 1992 sa Lipa, Batangas.

Pero bago ito, unang ikinasal ang Star For All Seasons sa actor-TV host na si Edu Manzano, kung saan mayroon siyang isang anak—si Luis Manzano.

Sina Vilma at Ralph naman ay may isa ring anak na lalaki—si Ryan Christian.

Natawa nga ang actress-politician nang matanong kung bakit si Senator Ralph ang kanyang pinakasalan.

Sagot ni Vilma, “I don’t know… maybe it was meant na kaming dalawa.

“Plus, isang naging malaking atraksiyon sa akin... si Ralph talaga is may laman ang utak.”

Susog na tanong ni Winnie, ang ibig niyang sabihin, ang first husband niyang si Edu Manzano ay wala?

Mabilis namang sagot ni Vilma, “Meron din po. Meron din siyempre

“E, hindi ko naman din mapapangasawa ‘yon kung hindi.

“Pero kay Ralph kasi nakita ko yung… do you know that when I first met him, he was only 21?

“Ten years ang age difference namin.

“I was 31 and he was 21 the first time we met. Estudyante pa lang po siya nun.

“Kaya lang, the first time we met… hindi niya alam na ako si Vilma Santos.

“Isang pelikula ko lang po ang napanood niya, kasi requirement pa sa school—Sister Stella L [1984].

“That’s why the first time we met sa Kingkong [disco club], he didn’t even know I was Vilma Santos. May nagsabi lang sa kanya.

“Sabi niya, ‘Sinong Vilma?’ ‘Si Vilma Santos, yung artista.’"


CAMPAIGNING FOR RALPH. Hindi siya naalangan na 21 years old lang noon si Ralph?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Vilma, “Hindi ko na po naisip ‘yon. Hindi ko na naisip yung edad.

“But you know what, we were together for seven years bilang mag-on.

“Pero na-prove ko lang na mahal ko siya, na ganun pala ang pagmamahal ko sa kanya, nung first time na tumakbo siya as congressman [sa Batangas], 1992.

“Aba’y Vilma Santos po ako, e. Boyfriend ko pa lang naman siya, hindi ko pa siya asawa, pero I campaigned for him.

“To the point na after my Vilma! show, kailangang pumunta pa ako ng Batangas to campaign for him. Nahihilu-hilo na ako.

“Naiinis ako sa kanya, nag-aaway kami.

“Sabi ko, ‘Nama-migraine ako, hindi ko kayang mangampanya ngayon. Pagod na ako.’

“Pero sabi niya, ‘I need you. Ang mga tao, hihintayin ka.’

“Umiiyak na ako.

“Pero nung one time, nag-usap kami sa toilet… sa toilet pa!” tawa na naman niya.

“Maraming tao, e. Sinabi niya, ‘Kung hindi mo kaya, hindi kita pipilitin.’

“Sabi niya sa akin, ‘Alam ko, kailangan kita ngayon. Pero kahit papa’no, I’ve proven myself to you.’

“Sabi niya, ‘If you cannot go there to campaign, it’s okay. Ako na lang ang bahalang humarap.’

“’Tapos sabi niya, ‘But win or lose, we will get married 1992 after this.’

“I went. I campaigned for him, kasi naramdaman ko naman, ako ang hahakot ng tao.

“Makakalibre siya sa tao kasi, e. Menos sa gastos niya ‘yon, e.

“Pero kapag nagsalita na siya, pinapakinggan siya ng tao.

“At hindi ako mapapahiya kasi yung ikinakampanya ko, alam kong merong kayang ibigay sa inyo.”

Ngayon ay 61 years old na si Vilma, habang si Ralph naman ay 51.

Kapag nakikita sila together in public, meron bang mga komento na, ‘Naku, ang tanda ni Vilma’ or sasabihin na 'Ang tanda ni Ralph'?

Natatawang sabi ni Vilma, “Sabi nila, mas matanda pa siyang tingnan sa akin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe because he gained weight.”

ADMIT IT, DO NOT DENY. Diretsahan namang tinanong ni Winnie si Vilma kung ni minsan ba ay hindi siya kinaliwa ni Ralph.

“Meron din siguro!” nangiting sambit ni Governor Vi.

“Ang usapan kasi namin, ‘Sabihin mo na sa akin diretso kesa malalaman ko sa iba.’

“Kasi ang malas niya, napangasawa niya ako na nasa entertainment world.

“Kahit saan siya magtago, kilala ako, matsitsismis siya. Kasi kilala ako, e.

“Sorry ka na lang!

“Kaya sabi ko, ‘Kung may gagawin ka at mahuli kita, aminin mo na, kesa madinig ko pa sa iba. Baka mas mapapatawad kita.’

“There was one time, umamin. O, e, di pinatawad ko.

“Tinanong ko, ‘Totoo ba itong ganyan-ganyan?’

“Sabi niya, ‘Totoo.’

“’O, sige! Next time, be careful.’

“Nag-sorry naman siya... umiyak nga, e!” tawa ulit ng aktres.

“Pero inamin niya kaya napatawad ko.

“Anyway, we’ve been together for seven years.

“And then, we’ve been married since 1992.

“Ganun na katagal kaming magkasama—in spite and despite of.”

May anak ba sa labas si Senator Ralph?

“A, wala. Siguro naman kung meron, lumabas na iyon, ‘di ba?” sagot ni Vilma.

RALPH AS A DAD. How is Ralph’s relationship with Luis?

Ayon kay Vilma, “Lucky was four years old when he met his Tito Ralph.

“Ang magandang respeto kasing ibinigay ni Ralph sa kanya, ‘I’m your tito, I’m not your dad.

"'So, in any decision na gagawin mo, you want to tell me, pero ang huli mong konsultasyon ay sa daddy mo pa rin.’

“Kasi in fairness to Edu, hanggang maka-graduate si Lucky, si Edu ang nagpaaral kay Lucky.”

With Ryan Christian naman?

“’Yan ang kung maghihiwalay kami ni Ralph, hindi dahil sa babae, maghihiwalay kami dahil kay Ryan!” tawa na naman ni Vilma.

Paliwanag niya, “Nagagalit po ako kasi sobra yung pag-ano niya… pagiging tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi iisa lang si Ryan, kaya lahat ng sports, gusto niyang ipagawa. Na nagagalit ako.

“'Kuha ka ng taekwondo, kuha ka ng gold, kuha ka ng…'

"Sabi ko, ‘Napapagod din yung anak mo. It’s weekend, let him enjoy weekend.’

“Sabi niya, ‘No, he has to go sa golf, and then later punta siya sa karate, sa judo niya. And then, mamaya sa football.’

“My God! Nag-aaway kami dun.

“But not anymore, 'coz Ryan is old enough, he’s eighteen… he’s deciding for himself already.”

Si Ralph ba ay nag-e-exercise pa?

Ayon kay Vilma, “He gained weight, but nag-e-exercise din po.

“It’s just that his problem is food intake.

“Every time, sinasabi ko, ‘Ralph, you’re gaining weight.’

“Ang lagi naman niyang sinasabi, ‘You know, sometimes, when you grow old, talagang it’s natural, mahina na ang iyong metabolism.’

“’No,’ sabi ko, ‘sa food intake ‘yan.’

“Kasi he loves to eat sweets, lalo na sa gabi!”

Nausisa rin si Vilma tungkol sa sex life nilang mag-asawa ngayon.

Sagot niya, “Not as passionate as before when we were younger.

“Pero hindi po pupuwedeng mawala ‘yan because that’s part of the relationship. Not as often though.

“But, sabi ko nga po, abnormal ang buhay namin dito [sa pulitika].

“That’s why we see to it na, yearly, we see to it na meron po kaming vacation with family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN