Vilma Santos reveals rival Nora Aunor had a crush on her

Governor Vilma Santos on how she wants the people of Batangas to remember her: "Siguro yung legacy na puwede kong iwan, na ibinigay ko po yung tiwala ninyo. Ibinalik ko po with all honesty and puso."


Napag-usapan din sa panayam ni Winnie Monsod kay Batangas Governor Vilma Santos, sa Bawal Ang Pasaway, ang mainit na rivalry nila ni Nora Aunor.

Nagsimula noong dekada ’70, hanggang ngayon ay maigting pa rin ang pagkukumpara sa Star For All Seasons (Vilma) at sa Superstar (Nora).

Napapangiti na lang si Vilma kapag inaalala kung ganoo kahigpit ang pagiging archrivals nila ni Nora, lalo na noong ‘70s at ‘80s.

Sabi niya, “Actually, hanggang ngayon, may rivalry.

“Kaya lang, mas mature na yung rivalry namin ngayon. Mas professional na.

“E, noon, magkagalit po kami talaga. Nagkakagalit po yung mga fans namin, nagpapatayan!

“May premiere night kami, magkasama kami sa pelikula… isang fan niya, e, tinusok ako ng perdible!

“Tapos yung mga fans namin, nagbabatuhan ng silya!

“Kinukoronahan kaming dalawa ni Nora ng Box Office Queen at saka Ms. RP Movies something… nakikita namin sa Araneta Coliseum, naghahampasan na yung mga fans sa baba!

“Tapos nagtatapunan ng basag na bote.”

KUMARE. Paano sila naging magkumare ni Nora?

Ayon sa Star For All Seasons, “Dahil po kay Kiko, yung isa sa mga naging ampon niya.

“I think we became close when the father [of Nora] died… na dumalaw ako.”

Totoo bang nagka-crush sa kanya si Nora noon, na tila hango sa pelikula nila noon na T-Bird At Ako (1982).

Pag-amin ni Vilma, “Opo daw.

“Pinuntahan naman po talaga niya ako noon at nagbigay ng bulaklak!

“Pero those were the days. Natural lang naman ‘yon.

“Ako rin nung bata, nung estudyante, nagkaka-crush din ako sa babae.

“Part of growing up.”

VILMA AS A PUBLIC SERVANT. Samantala, naluha naman si Vilma nang tanungin ni Winnie kung paano niya gustong maalala siya ng mga taga-Batangas bilang mayor at governor.

Saad niya, “Malaking bagay na po na… legacy kong maiiwan, hindi lang sa Batangas kundi kahit sa sarili ko, na ako bilang first woman mayor of Lipa and first woman governor of Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro yung legacy na puwede kong iwan, na ibinigay ko po yung tiwala ninyo. Ibinalik ko po with all honesty and puso.

“Yung serbisyong ito, ipinagkatiwala ninyo sa akin.

“Na kapag nakita mo, yung ginawan mo lang ng isang daycare center na school for children, and kapag pumunta ako dun, na nagbi-bless, nakahilera yung mga bata, bibigyan ka ng mga bulaklak, nakahilera yung mga nanay, pasasalamat nila, iyon na ang bayad, e.

“Nakahilera yung mga bata sa init, ha! May mga bulaklak na pagdaan ko, ibibigay yung bulaklak, just to say, 'Thank you, we have a new school.'

“That’s priceless! That’s the fulfillment. Iyon na ang bayad.


“Kasi reyalidad na po ito, hindi na po ito shooting.

“Iyon lang ang magiging memory ko, kasi priceless.

“That’s why I always tell them, wala kayong dapat tanawing utang na loob, kasi hindi ko pera ‘yan!” at tuluyan nang naiyak si Vilma.

Dagdag niya, “Hindi ko pera ‘yan, buwis ng tao ‘yan.

“At ‘yon ang fulfillment ko, e… ng totoong buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN