German Moreno not back yet on Walang Tulugan: “Hindi kasi ako puwedeng magpuyat.”

Kuya Germs on returning to radio hosting: "Iba pa rin yung nasa loob ka talaga ng radio booth. Kaya nung kaya ko na, nag-radio na ulit ako."


Bumalik na muli sa kanyang radio program na Walang Siyesta, sa dzBB 594, ang Master Showman na si German Moreno noong April 6, ilang buwan pagkatapos niyang ma-stroke.

Pahayag ni Kuya Germs sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment noong April 13, “Ready na akong mag-radio.

“Matagal-tagal ko ring na-miss ang mag-radio.



“Marami rin ang nagtatanong sa akin kung kailan daw ba ako babalik sa radio, kaya heto, I’m back.”

Pero bago pa man siya bumalik sa studio ay madalas nang mag-phone patch si Kuya Germs kaya napapakinggan pa rin siya ng kanyang listeners.

Ngunit pag-amin ng veteran TV-radio host, “Iba pa rin yung nasa loob ka talaga ng radio booth.

“Kaya nung kaya ko na, nag-radio na ulit ako.

“Pero tuluy-tuloy rin yung medication at therapy ko para mas mapabilis ang recovery ko.”


TV SHOW. Yun nga lang, bagamat puwede na siyang mag-radyo, hindi pa puwedeng bumalik si Kuya Germs sa paghu-host ng kanyang weekly TV show sa GMA Network, ang Walang Tulugan With The Master Showman.

Paliwanag niya, “Hindi kasi ako puwedeng magpuyat.”

Ngunit ipinangako ni Kuya Germs na malapit na siyang bumalik sa telebisyon.

“Abangan na lang nila yung pagbabalik ko, bigla na lang nila akong mapapanood ulit sa Walang Tulugan.

“Pero tuluy-tuloy pa rin naman ang Walang Tulugan kahit wala ako.”

GOING TO U.S. Itutuloy pa rin ba niya ang kanyang planong pagpunta sa Amerika para doon tuluyang magpagaling?

Ayon kay Kuya Germs, “Hindi na siguro, okey na naman ako.

“Dito na lang ako magpapagaling, hindi ko na kailangang pumunta pa ng Amerika.

“Katulad ng sabi ko kanina, patuloy naman yung therapy ko.

“Magagaling naman ang doctors natin dito sa Pilipinas, kaya hindi ko na kailangan pa pumunta ng Amerika.”

Nagpasalamat din si Kuya Germs sa mga taong nagdasal at patuloy na nagdarasal para sa mabilis niyang paggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN