Paolo Ballesteros declines invitations to conduct seminars on make-up transformation

Paolo Ballesteros on his launching movie, Die Beautiful: “Excited na talaga ako na medyo may takot, kasi first ito, e, hindi ko alam yung magiging resulta. ’Tsaka iniisip ko yung gagawin ko para mas bongga.”


Sa darating na Mayo ay gigiling na ang kamera para sa launching movie ng tinaguriang “King of Make-up Transformation” na si Paolo Ballesteros—ang Die Beautiful.


Kuwento ni Paolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa isang salon kamakailan, “Ang target date namin ng shooting is May, so medyo malapit na siya.

"Kaya ‘eto, start na mag-diet kasi kailangan sexy.

“Pero hinay-hinay lang sa pagda-diet kasi baka maulit yung nangyari dati dahil sa sobra-sobrang pagda-diet ko.”

Ang tinutukoy ng actor-TV host ay ang mild stroke niya noon.

Read: After a mild stroke, Paolo Ballesteros just keeps on getting better

Patuloy ni Paolo, “Tapos nag-iipon ng mga wig kasi maraming gagamitin.

“Tapos pinipili pa namin yung mga artistang gagayahin ko sa movie.

“Makikita nila dun yung ginagawa kong make-up transformation…

“Kaya nga medyo kinakabahan ako, kasi nga first movie ko ‘to.

“Bukod pa sa ako na yung artista, ako pa rin ang gagawa [ng make-up].

“Excited na talaga ako na medyo may takot, kasi first ito, e, hindi ko alam yung magiging resulta.

“’Tsaka iniisip ko yung gagawin ko para mas bongga.”

MAKE-UP TRANSFORMATION. Nakikilala na ngayon sa buong mundo si Paolo dahil sa kanyang make-up transformations.

Pero paano nga ba siya nagsimula sa panggagaya ng mga hitsura ng ibang celebrities?

Kuwento niya, “May nagsabi lang sa akin na, ‘Panoorin mo yung sa YouTube, ang galing mag-make-up.’

“Tapos nung napanood ko, nagulat ako, kasi nagawa niya!

“Sabi ko, ‘Ganun lang pala, masubukan nga…’

“Kaya sinubukan ko, ayun, dire-diretso na.”

Patuloy ni Paolo, “Tapos yung iba, nagse-send ng picture sa Instagram, tapos sinasabi nila sa akin na kung puwede ko bang gayahin yung mukha nila.

“Ako naman kasi, kaya kong gawin sa mukha ko, pero sa ibang tao, hindi talaga.

“Yung unang try ko sa kapatid ko, ginaya namin si Scarlett Johansson, tapos ang lumabas, yung may-ari ng bus—si Claire dela Fuente!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nga dumikit yung hitsura kay Scarlett, mas dumikit kay Claire!” tawa pa niya.

POPULARITY AROUND THE WORLD. Ano naman ang masasabi niya na nakikilala na siya sa iba’t ibang panig ng mundo?

Saad ni Paolo, “Nagugulat nga ako, kasi ginawa ko naman yun para i-post ko sa Instagram, hindi yung para ma-recognize.

“Ginagawa ko lang naman yun para sa mga followers ko sa Instagram.

“E, biglang nag-hit!

“Kasi, ako nga, nagulat, sabi ko nga, ‘Ang taray!’

“Nakaka-overwhelm din, kasi nga naa-appreciate nila yung ginagawa ko.”

Dahil na rin sa kanyang husay sa make-up transformation ay nakakatanggap na raw si Paolo ng mga imbitasyon sa iba’t ibang bansa.

“Marami ang nag-i-invite sa akin ngayon abroad tungkol sa make-up, make-up, e, parang hindi pa ako ready.

“Meron nag-invite sa akin para sa convention ng mga make-up artist sa Hollywood.

"In-invite nila yung mga nasa YouTube at sa Instagram, at isa daw ako…

“Medyo late na yung invitation, pero parang naisip ko, hindi pa ako ready.

“Baka pagdating ko dun, puro make-up artist, e, hindi naman ako make-up artist.

"Hindi naman talaga ako professional na make-up artist, so ano'ng gagawin ko dun, ‘di ba?”

MESSAGE TO HIS BASHERS. Kung maraming natutuwa at bumibilib sa kanyang make-up transformations, may mangilan-ngilan ding bumabatikos at hindi naniniwalang siya mismo ang gumagawa nito. Ayon pa nga sa iba, Photoshopped lang daw ang mga ito.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Sagot ni Paolo, “Gano’n? Kung ‘di sila naniniwala, e, di gawa din sila!

“Hashtag gawa din kayo tapos post niyo!

“Gawa sila ng sa kanila, kung kaya nila, e, di very good.”

Giit pa niya, “Wala namang edit yun, e, walang Photoshop, ‘no!

“Very basic kasi yung mukha ko, wala yung prominent na features siguro kaya ganun.

“Basta ako, ako talaga ang gumawa, walang daya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, marami pa akong gustong gayahin, pero hindi ko pinaplano.

“’Pag napapanood ko lang sa TV, ‘tapos maiisip ko na may wig ako na ganyan o kaya may wig ako na puwede gupitan.

“Ako kasi, ang una kong tinitingnan, yung buhok… pa’no ko naman gagawin yun kung wala naman akong wig na ganun?

“Like, kung meron yung kakulay ng wig ko o puwede kong i-style, e, di sige, go.

“May nagsasabi nga sa akin na bakit hindi mga lalaking celebrity o local celebrities ang gayahin ko.

“Pero ako kasi, gusto ko muna mag-stick sa mga babaeng Hollywood…

“Siyenpre, gusto ko munang matandaan nila na yun muna yung brand ko, na Hollywood celebrities.

“’Pag okey na... ‘tsaka para hindi nila sabihin na, ‘Ay, kaya niya ito…’ ganun-ganun.

"'Tsaka na yung iba, kahit ordinary person, hindi lang mga artista. Yun naman siguro ang ita-try ko in the future.

“Pero sa ngayon, Hollywood celebrities muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN