KC Concepcion reveals her major turn-offs: "Disrespect, hiding a lot of things, an acid tongue, and bad hygiene."

Sa isinagawang #AskKC ni KC Concepcion sa kanyang Twitter account, maraming tagahanga ng actress-TV host ang nagtanong tungkol sa estado ng kanyang puso at mga ugaling ayaw niya sa isang lalaki.


Ang ex-boyfriend ba niyang si Paulo Avelino ang pinatutsadahan ni KC Concepcion sa isa nitong post sa Twitter?

Noong April 9, nagdaos si KC ng kanyang nakagawiang #AskKC sa Twitter, kung saan malaya siyang tinatanong ng kanyang followers ng mga gusto nilang malaman.

May isang nagtanong kung ano ang major turn-off para sa kanya sa isang lalaki.

Sagot dito ni KC: “Disrespect, hiding a lot of things, an acid tongue & bad hygiene lol.”

Dahil sa sagot na ito ni KC, may ilang nagsuspetsa kung ang pinatatamaan ba niya ay ang kanyang ex-boyfriend na si Paulo.

Matatandaang noong March 3, sa isang presscon ay natanong si Paulo ng entertainment press kung totoo ba ang balitang hiwalayan nila ni KC.

Tugon ng Kapamilya actor dito, wala namang nagbi-break na magkaibigan.

Read: Paulo Avelino denies breakup with KC Concepcion: “Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan.”

Pero makalipas lamang ang halos dalawang lingo, inamin ni Paulo sa panayam nito sa The Buzz na naging sila ni KC, pero naghiwalay na sila.

Read: Paulo Avelino admits relationship with KC Concepcion; but didn’t give details of their breakup


SECOND CHANCES. Isa naman sa mga inaabangan ng fans ni KC ay kung babatiin ba siya nina Paulo at Piolo Pascual—ang isa pa niyang ex-boyfriend—noong birthday niya last April 7.

Pero parehong walang posts ng pagbati kay KC ang dalawang aktor sa kanilang Instagram account.

Sa ngayon, masaya naman daw si KC sa kung anuman ang meron siya.

Naging maingat na rin daw si KC sa mga lalaking mula sa showbiz dahil sa kanyang napagdaanan.

"@khrigajo: @kc_concepcion do you now have reservations about showbiz guys like your mom?" - Yup! Most definitely.

Sa tanong naman kung naniniwala siya sa second chances, ito ang sagot ni KC: "Yeah of course. But depends why he lost the first chance."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@kc_concepcion: "@Glaze1207: do you believe in second chances? Why and why not? 🙈🙊" - Yeah of course. But depends why he lost the first chance


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN