Marian Rivera says husband Dingdong Dantes is equally thrilled about her pregnancy

Marian Rivera on husband Dingdong Dantes’s reaction about her pregnancy: "Never siyang pumalya na hindi siya kasama. In fairness sa kanya. Parang siya yung buntis, sa totoo lang. Puwede raw yun, e. Parang siya yung naglilihi."


Ibinahagi ni Marian Rivera sa entertainment press na napaiyak siya sa tuwa habang ang kanyang mister na si Dingdong Dantes ay natulala naman noong una nilang malamang magkakaanak na sila.

Lahad ng Kapuso Primetime Queen, “Tulaley! Tulala [siya]. Parang hindi nagsi-sink in.

"Siyempre, pangarap din niya.

“Sino ba namang nagpakasal ang hindi inaasam-asam na magkaroon ng bunga yung pagmamahal nila, hindi ba?

“So, ako, pangarap kong maging isang ina at ibinigay sa akin yun ng Panginoon.

“Siya [Dingdong], pangarap niya maging isang ama, at ibinigay rin sa kanya yun.

“So, parang nung nalaman namin, hindi nagsi-sink in sa utak namin.

“Parang ang bait ng Panginoon sa amin para ibigay sa amin ang isang buhay na nabubuhay sa tiyan ko at ilalabas na hindi kami makapaghintay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marian sa presscon ng 555 Tuna, na ginanap sa Marco Polo Hotel, sa Pasig City, ngayong Martes, April 14.

Kagabi lamang, April 13, kinumpirma nina Marian at Dingdong na nagbunga na ang kanilang pagmamahalan.

Read: Marian Rivera and Dingdong Dantes announce they're having a baby!


SUPPORTIVE HUSBAND. Ayon kay Marian, agad siyang nagpatingin sa doktor nang magkaroon siya ng hinalang buntis siya.

“Oo, siyempre nagpa-checkup. Mahirap kasi mag-assume sa mga bagay-bagay na hindi ka sigurado.

“So, mas maganda niyan, nagpunta kami sa OB [OB-Gyn] at yung OB mismo ang nagsabi sa amin na positive talaga,” sabi ng Kapuso actress.

Kuwento pa ni Marian, todo ang suporta ni Dingdong sa kanyang pagbubuntis.

Handa na rin daw ang aktor sa posibilidad na maging moody at matapang ang aktres, lalo na kapag malapit na ang kanyang kabuwanan.

Sa katunayan, mas sweet at maalaga pa raw ang kanyang mister ngayong buntis siya.

“Aware siya, kasi bawat visit ko sa OB, palagi niya akong sinasamahan.

“Never siyang pumalya na hindi siya kasama. In fairness sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang siya yung buntis, sa totoo lang.

"Puwede raw yun, e. Parang siya yung naglilihi," nakangiting saad ni Marian.

Natawa naman ang entertainment press sa pag-amin ni Marian na madalas siyang kumain ngayong buntis siya.

Aniya, “E, nung hindi pa, malakas na, lalo na ngayon!”

Sa kabutihang-palad, hindi umano maselan at wala ring ipinagbabawal na pagkain kay Marian ang kanyang doktor.

“Wit [wala]! Healthy ang fish.

“At saka siyempre, bilang unang pagbubuntis ko ito, siyempre nagtatanong ako sa OB ko kung ano'ng mga dapat at hindi dapat.

“At puwedeng-puwede kainin ang 555! Marerekomenda ko siya.

"Kasi sa totoo lang, every three hours, gutom ako."

Mas mahilig ba siyang magluto ngayong magkakaroon na siya ng baby?

Sagot ni Marian, “Alam mo, lately, hindi masyado, kaya buti na lang ini-endorse ko itong 555, ‘di ba?

“Kasi easy open can pa [kaya] madali para sa akin.

"Siyempre may mga pagkakataong wala ako sa mood, feeling ko, pagod ako.

“At least, meron nang ulam para sa akin na kumpleto talaga. Lahat ng flavors na gugustuhin kong maisip, meron sila.”

Bagamat likas na balingkinitan ang katawan ni Marian, hindi raw siya nag-aalala na madagdagan ang kanyang timbang dahil mas mahalaga sa kanya ang pagkakaroon nila ng pamilya ni Dingdong.

Sabi pa ng Kapuso actress, “Okay lang.

"Sa buhay ko, nung nag-asawa ako, kasunod nun ang pagkakaroon ng isang anak.

“At para magkaroon ka ng isang anak, pangarap ‘yan ng mag-asawa na biyaya mula sa Maykapal—ang bigyan ng isang buhay na meron sa tiyan mo.

"So, ipinagpapasalamat ko ‘yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN