Sarah Geronimo says Matteo Guidicelli is her first “legit” boyfriend

“Parang kahit nagkarelasyon na ako in the past, ito yung talagang legit, talagang nahahawakan ko, nayayakap ko. So, I’m hoping na sana siya na ang huli,” says Sarah Geronimo about her relationship with boyfriend Matteo Guidicelli.


Nagkomento si Sarah Geronimo sa birthday wish ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na “happiness and acceptance.”

Ayon sa 26-year-old Kapamilya singer-actress, hindi dapat magkaroon ng isyu ang sinabi ni Matteo.

“Siyempre, sa lahat naman po ng relationship, gusto natin na smooth ang maging takbo o flow ng relationship—mag-overflow ang understanding at pagmamahalan, acceptance ng bawat isa sa mga mahal mo sa buhay.

“Hindi ka magiging masaya completely kung ikaw lang and yung taong 'yon.

“Ako, bilang tao, ang importante is the people around me is happy for me also, and sa side din niya.”

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Sarah sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Matteo.

“Sobrang thankful ako sa side ni Matteo, talagang welcoming, very warm sa akin,” sabi ni Sarah.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Sarah matapos niyang pumirma ng kontrata sa bagong iniendorsong Jag Jeans, ngayong Martes ng tanghali, April 14.


MAGKATULUYAN MAN O HINDI. Sa birthday party ni Matteo noong March 26, nagbigay ng mensahe si Sarah.

Dito ay sinabi niya: “Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal mo... You are now becoming a man.

“I pray that you will continue to seek God so that you will become the man that God has planned you to become. Okay?

“Ako man ang makatuluyan mo o hindi, okay? Okay?

“I love you. I love you. I love you very very much.”

Read: Matteo Guidicelli celebrates birthday with his “mahal” Sarah Geronimo

May ilang nagtaka kung bakit sinabi ni Sarah kay Matteo ang mga katagang “Ako man ang makatuluyan mo o hindi.”

Paliwanag naman ni Sarah sa kanyang presscon kanina, “Kasi hindi naman po natin madidiktahan ang future, kung ano ang mangyayari in the future.

“Bilang kami na magkarelasyon... Parang kahit nagkarelasyon na ako in the past, ito yung talagang legit, talagang nahahawakan ko, nayayakap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I'm hoping na sana siya na ang huli.

“Pero siyempre, nagdarasal pa rin tayo na kung ano ang will ng Diyos, 'yon pa rin.”

Sa ngayon, itinuturing pa rin ni Sarah na learning process para sa kanila ni Matteo ang kanilang relasyon.

Sabi ng The Voice coach, “Basta first time po sa akin nangyayari ang lahat.

"Big leap siya para sa akin kasi ngayon ko lang 'to nae-experience.

“Ano kasi, pareho kaming bata pa.

"Sa age ko, marrying age na ako, pero yung knowledge ko sa pagmamahal, pagdating sa relationship, zero talaga...

“Hindi naman zero, parang elementary pa lang.

“Yun kami pareho, bigayan, intindihan.

“May mga hindi pagkakaunawaan minsan, pero may natututunan kami.

“Sana kahit ano'ng mangyari, matuto kami at nandoon pa rin ang respeto namin sa isa't isa.”

Sa huli, tinanong ng press si Sarah kung tanggap na ng kanyang ina na si Mommy Divine ang pagma-mature niya pagdating sa pag-ibig.

Sagot ng Popstar Princess, “Gradually. Sana ho unti-unti.”

Sarah's message to Matteo: "Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal mo... You are now becoming a man. At I pray that you will continue to seek God so that you will become the man that God has planned you to become. Okay? Ako man ang makatuluyan mo o hindi, okay? Okay? I love you. I love you. I love you very very much." #ashmatt

Posted by YES! Magazine on Thursday, March 26, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN