Lovi Poe spends four-day vacation with Rocco Nacino in Palawan

Lovi Poe on relationship with boyfriend Rocco Nacino: "Kapag nagkakasama kami, we get along really well. ’Tapos si Rocco kasi, very adventurous, e. So, nagiging medyo daredevil na rin ako, like, tina-try ko na yung tree jump. Yung mga nakakatakot, yung extreme stuff. So, ‘yon, medyo nahahawa na rin ako sa mga ganun niya."


Nitong Lunes, April 13, umalis papuntang Palawan si Lovi Poe kasama ang boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Four days silang magbabakasyon sa isang island resort doon.

Ito na rin daw bale ang magsisilbing celebration nila ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan.

Hindi kaya sorpresahin si Lovi ni Rocco ng proposal doon?

Nakangiting sabi ng Kapuso actress nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang araw bago ang kanilang biyahe, “Hindi… hindi, imposible! It’s impossible!”

Ano ang nakaplanong itinerary nila during their four-day vacation sa Palawan?

Ayon kay Lovi, “Wala. Just ano lang kami doon… gusto lang talaga naming magpahinga.

“Kasi back to work na, e. As in, next week, iyon na ang simula ng trabaho namin.

“After ng vacation namin ni Rocco, I’ll be starting to shoot a movie. Ito yung Lakambini na tungkol sa story ni Gregoria de Jesus.

“And then, may secret pang isa, something is coming—isang teleserye—soon.

“But wait kung sino ang makakasama ko, hindi pa puwede sabihin kasi.”

Dagdag ni Lovi, “We’re very thankful na hindi kami nawawalan ng projects. Very busy kami.

“And excited na talaga ako to go back to work.”

Nitong mga nakalipas na araw ay nag-post na sina Rocco at Lovi sa Instagram ng ilang mga kuha nila sa Palawan, katulad nito:


BONDING MOMENTS. Sa mga pagkakataong dalawa lang silang magkasama ni Rocco, ano ang usual na nakakawilihan nilang gawin?

Ayon kay Lovi, “Funny thing is hindi kami nauubusan ng pag-uusapan.

“Maybe minsan, because nga hindi kami nagkakasama palagi, kasi lagi kaming may trabaho.

“So, kapag nagkakasama kami, we get along really well.

“’Tapos si Rocco kasi, very adventurous, e.

“So, nagiging medyo daredevil na rin ako, like, tina-try ko na yung tree jump. Yung mga nakakatakot, yung extreme stuff.

“So, ‘yon, medyo nahahawa na rin ako sa mga ganun niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE FOR BOXING. Naenggayo nga raw siyang mag-boxing din, hind lang dahil isa ang boxing sa paboritong sports ni Rocco, kundi talagang nahilig na raw siya rito dati pa.

Saad ni Lovi, “Ako, I always love boxing simula nung mapanood ko si Manny Pacquiao.

“But then, lalo akong naeenganyo, like recently, after his recent fight, sabi ko, magbu-boxing ulit ako.

“Bumalik ako ulit.

"Kasi kapag nakikita mo siya [Manny], parang nakakaengganyo.”

Nag-sparring na ba silang dalawa ni Rocco?

“Oo, nagulpi ko siya!” sabay-tawang biro ni Lovi.

“Wala siyang choice. He can’t hurt me, e.”

Kapag nagbu-boxing si Lovi, nagagamit din ba niya ang sunud-sunod na rapidong suntok, na siyang naging trademark ng yumaong ama niya na si Fernando Poe Jr. sa mga pelikula nito?

“Oo, may halo pang pompyang!” tawa ulit ni Lovi.

So, hindi pala sila puwedeng magkaroon ng matinding away ni Rocco, baka mauwi sa boxing?

Natatawang sabi ni Lovi, “Sinasabi niya, luging-lugi raw siya sa akin!

“Nagpapaturo ako ng jiu jitsu, ayaw niya. Kasi baka mabugbog ko raw siya!

“Kaya okey na raw sa akin yung boxing!”

PACQUIAO FAN. Samantala, kabilang si Lovi sa napakaraming fans ng Pambansang Kamao.

Kagaya ng halos lahat ng Pinoy, excited na rin daw niyang inaabangan ang nalalapit na laban ni Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr.

“Fan talaga ako ni Manny Pacquiao.

“Nakikipag-away ako kapag may nagbi-bet sa kalaban niya. Naiinis ako!”

Kung minsan ba ay nagbi-bet din siya for Manny?

Pag-amin ng aktres, “Oo, pero once pa lang.

“Pero naiinis ako talaga kapag may Pilipino na nagbi-bet sa kalaban niya.”

Magpapa-block off ba sila ni Rocco ng schedule sa mismong araw ng laban ni Manny para mapanood ito?

“Ay, of course, manonood kami at magtsi-cheer.

“And we’ll pray for him. Alam naman natin yung faith niya kay God.

“And everyone, the Filipinos are behind him during this fight actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ayun, sana huwag niyang kalimutan ‘yon—just have faith.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN