Megan Young returns to Kapuso Network and StarStruck

Megan Young says she’s comfortable about herself: "Kahit wala akong make-up o kahit wala akong ayos, kahit naka-sneakers lang ako, okey naman ako, e. Kasi alam ko na ganun ako."


Natutuwa si Megan Young sa mainit na pag-welcome sa kanya ng kapwa niya Kapuso stars nitong Linggo, April 12, sa Sunday All Stars.

Regular nang mapapanood ang balik-Kapuso sa nasabing musical-variety show ng GMA Network.

Pahayag ni Megan nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya! Kasi ito na yung launch ko sa SAS.

“So, kumanta ako! Kasi hindi talaga ako kumakanta. So, pasensiya na lang.

“But… enjoy, kasi something new para sa akin naman.

“At the same time, naghu-host din ako with them,” pagtukoy niya sa iba pang Kapuso stars na regular na napapanood sa Sunday All Stars.

STARSTRUCK. Bukod dito, mapapanood din si Megan bilang host sa sixth season ng reality-based artista search na StarStruck, kung saan din siya nagsimula.

Si Megan ay kabilang sa Batch 2 noong 2004, kung saan ang mga nanalo ay sina Ryza Cenon at Mike Tan.

Sabi nga ni Megan, “Yung StarStruck, it’s really sentimental to me.

“Kasi dun ako nagsimula. Iyon yung start ng lahat, e.

“So, kung wala ‘yon, wala ako dito ngayon.

“At saka nakakatuwa kasi makikita natin yung mga aspiring artista.

“So, titingnan natin kung sino ang matatag sa kanila.”

Mula nang manalo siyang Miss World noong 2013, mas tumaas ang paghanga ng marami kay Megan. Kaya tiyak na may ilang female contestants ng StarStruck 6 ay malaking inspirasyon ang tingin sa kanya.

Sabi naman ni Megan tungkol dito, “Malay natin, isa sa kanila maging future Miss World. So, hindi natin alam.

“And we can only hope na sana itong grupo na ‘to ay mga masipag at willing matuto na mga bagets.”

IMPERFECTIONS. Open din ba siyang gumawa ng teleserye?

Sagot ni Megan, “Yes, open naman ako sa ganyan.

“I mean, before naman, nag-soap naman ako.

“But, as of now, uunahin muna natin ang hosting at ang StarStruck.”

Sa kabila ng pagiging Miss World niya, may nakikita ba siyang imperfection sa kanyang sarili?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Megan, “A… hindi naman.

“Kasi ako, comfortable naman ako in my own skin na…

"Kahit wala akong make-up o kahit wala akong ayos, kahit naka-sneakers lang ako, okey naman ako, e.

“Kasi alam ko na ganun ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN