Winwyn Marquez still undecided about joining a beauty pageant again

Kung mayroon man daw masasabing imperfection si Winwyn Marquez sa kanyang sarili, ito ay ang kanyang short legs. Kaya sabi niya, "I wish to have longer legs. Pero dahil siguro sa legs ko na ‘to, na-push ko yung sarili ko."


Bilang isang beauty-queen aspirant, na-starstruck daw si Winwyn Marquez nang makita si Megan Young sa Sunday All Stars noong Linggo, April 12.

Binigyan kasi ng grand welcome ang Miss World 2013 sa nasabing musical-variety show ng GMA Network bilang bagong dagdag sa show at sa pagbabalik-Kapuso nito.

Sabi nga ni Winwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), iba ang kanyang pakiramdam kapag nakikita o nakakaharap niya si Megan.

“Ay, siyempre, madam! Ganun…

“Siyempre ano ako… I’m a fan talaga ni Megan, ‘di ba?

“So, kahit hi and hello lang, iba ang tingin ko sa kanya, sobrang wow!”

Malaking inspirasyon daw para sa kanya si Megan.

“Oo naman! First-ever Miss World, ‘di ba?

“Sino ba naman ang hindi mai-inspire sa kanya?”

TO JOIN AGAIN OR NOT... Si Winwyn ay sumali sa Binibining Pilipinas 2015. Bagamat nakasama siya sa semifinalists, nabigo siyang makopo ang alinman sa limang korona.

Sa isang panayam ni Megan ay sinabi nitong maaari namang sumali si Winwyn sa Miss World Philippines at subukan ang kanyang kapalaran dito.

Read: Megan Young encourages Winwyn Marquez to join Miss World Philippines: “I say go for it.”

Ano ang reaksiyon ni Winwyn dito? Sasali nga ba siya?

Sagot niya, “Pag-iisipan ko muna, kasi wala muna sa isip ko talaga.

“Kakatapos lang ng Binibini, so pahinga muna.”

Marami pa rin talaga ang nag-e-encourage kay Winwyn na sumabak ulit sa beauty pageant. Lalo’t maraming beauty queens na nanalo sa kanilang ikalawa o ikatlong beses na pagsali.

Pahayag niya tungkol dito, “Tingnan po natin...

"Ngayon, siyempre pahinga muna.

"Hindi ko pa naman siya iniisip kung sasali ulit ako o hindi.

“Let’s see next year, ‘di ba? We’ll never know.”

Ang tita niyang si Melanie Marquez, na Miss International titlist, ini-encourage din ba siyang muling sumali sa beauty contest?

Sagot ni Winwyn, “No… actually she just told me, kapag naramdaman ko raw na sasali ako ulit, or if ever my heart tells me to join again, then why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya namimilit or anything, wala.”

LONG LEGS. Dahil sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas, kapuna-puna ang naging transformation ni Winwyn.

Mas confident na sa kanyang sarili, hindi lang sa pagsasalita kundi maging sa kanyang pagkilos na talagang with poise.

“Wow, thank you,” sambit niya.

“Ano… sobrang thankful ako sa experience ko sa Binibini.

“Kasi, ‘di ba, four months kaming nandoon?

“Four months na kami lang talaga, sariling sikap… training, discipline.

“So, kahit hindi man ako nanalo, ang dami kong natutunan.

“And I’m super-duper okay. Naka-move on na!” tawa pa niya.

Kung beauty ang pag-uusapan, may nakikita o masasabi ba siyang imperfections pa rin niya?

“Oo naman… I wish to have longer legs!” natwang sagot ni Winwyn.

“I wish to have longer legs.

“Pero dahil siguro sa legs ko na ‘to, na-push ko yung sarili ko.

“Kasi, ‘di ba, they keep on telling me I’m short daw, na ganyan.

“Pero nung night na ‘yon ng coronation [Binibining Pilipinas], hindi ko na inisip, e.

“Sabi ko, kahit short yung legs ko, idadaan ko na lang sa performance. Yun na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN