Danica Sotto-Pingris to host welcome party if Pauleen Luna becomes Mrs. Vic Sotto

Danica Sotto-Pingris admits that her relationship with husband Marc Pingris is not perfect. She says, "May mga pinagdadaanan pa rin kaming mga challenges sa pagiging mag-asawa and I think normal lang naman iyon. Sa totoo lang, marami pa akong kailangan malaman talaga."


Isang welcome party raw ang ibibigay ni Danica Sotto-Pingris kung sakaling pakasalan na ng kanyang amang si Vic Sotto ang kasintahan nito ngayong si Pauleen Luna.

Pahayag pa ni Danica, “Ipinagdadasal ko naman ang anumang plano ni Daddy.

“I respect their relationship.

“Kami naman ni Pauleen, okey na kami. Wala na kaming problema sa isa’t isa.

“Pero ayokong sabihin na sila na nga talaga sa bandang huli. Ayoko kasing mag-assume.

“Pero sa nakikita ko naman, happy si Daddy. Yun naman ang importante sa akin.

“Kung sila na nga ni Daddy, sana forever na, ‘di ba?” nakangiting sabi ni Danica.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Danica sa press launch ng second season ng Happy Wife, Happy Life, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong April 13.

NOT PERFECT. Ayaw raw magbigay ng anumang payo si Danica kung sakaling maging Mrs. Sotto na si Pauleen.

Inamin niyang kahit walong taon na silang kasal ng mister niyang si Marc Pingris, marami pa rin silang pinagdadaanang mga pagsubok.

“Ayokong magbigay ng advice kasi baka sabihin nagdudunung-dunungan ako. Hindi ako ganung tao, e.

“Yung pagsasama naman namin ni Marc, hindi naman perfect.

“I mean, may mga pinagdadaanan pa rin kaming mga challenges sa pagiging mag-asawa and I think normal lang naman iyon.

“Sa totoo lang, marami pa akong kailangan malaman talaga.

“’Tsaka bilang isang wife, hindi ko kayang bantayan ang mister ko araw-araw!” sabay tawa niya.

TEMPTATION. Hindi naman itinatago ni Danica na may mga nagkakagusto pa rin sa kanyang mister kahit na may-asawa na ito.

Tanggap na raw niya na ganun talaga kapag may guwapo kang mister.

“Kung may magkagusto man sa kanya, siguro okey lang ‘yon.

“Kesa naman sa walang ma-attract sa kanya, ‘di ba?” tawa na naman ni Danica.

May lagi lang daw ipinapaalala si Danica sa kanyang mister lalo na kapag alam nitong may tukso sa paligid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko lang sa kanya na walang masamang ma-tempt sa tukso.

“Pero yung mag-give in ka sa temptation at pumatol ka na sa tukso, yun ang masama.

“Doon na kami magkakaroon ng problema.

“Pero kilala ko naman ang mister ko. Tapos na siya sa ganyang buhay and he is such a devoted husband and father to our kids.

“Kaya wala na rin akong worries kung hindi ko siya nababantayan.

“May tiwala ako sa kanya na wala siyang gagawin na ikasasakit ng damdamin ko at ikakasira ng pamilya namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN