Ai-Ai delas Alas’s return to GMA will be formally announced tomorrow, April 16

Ai-Ai delas Alas posts on Instagram about the big day happening tomorrow, April 16, Thursday. A source tells PEP that the Comedy Concert Queen is indeed returning to GMA Network after more than 16 years.


Malaman ang naging post ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram account ngayong Miyerkules, April 15.

Ayon sa post ng Comedy Queen: “TOMORROW IS THE BIG DAY—thank you GOD FOR ALL THE BLESSINGS... Tom will be awesome---#aishallreturn

Laman din ng IG post ni Ai-Ai ang isang passage tungkol sa pag-iwan ng isang bagay para sa isa pang mas magandang kapalit.

TOMORROW IS THE BIG DAY --- thank you GOD FOR ALL THE BLESSINGS... Tom will be awesome--- #aishallreturn #aimbless

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) onApr 14, 2015 at 9:35pm PDT

Bagamat hindi direktang binanggit ni Ai-Ai kung ano ang kanyang tinutukoy, walang duda na ito ay may kinalaman sa formal announcement ng pagbabalik niya sa GMA Network pagkatapos ng 16 taon.

Bukas ng umaga, April 16, nakatakda ang presscon para sa pagbabalik ni Ai-Ai sa Kapuso network.

Samantala, sa comments section ng nasabing Instagram post ni Ai-Ai, sinagot ng aktres ang mga komento ng kanyang followers na nagpapahiwatig ng kanyang paglipat sa Kapuso network.

Kagaya na lamang ng mga aktor na gusto niyang makatrabaho sa GMA. Nabanggit ang mga pangalan nina "Bossing" (Vic Sotto) at Dennis Trillo.

Lumutang ang balitang magbabalik sa GMA si Ai-Ai nang hindi na siya nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN, na naging tahanan ng Comedy Concert Queen sa loob ng 15 years.

Sa artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong April 10, Biyernes, iniulat ang mga pagpapahiwatig ni Ai-Ai ng kanyang paglipat ng network, base sa kanyang posts sa social media, kahit na hindi niya ito kinukumpirma.

Iniulat naman ng batikang entertainment editor na si Ricky Lo sa kanyang column sa The Philippine STAR na nakapirma na ng exclusive contract si Ai-Ai sa GMA.

Read: Ai-Ai delas Alas on rumored transfer to GMA: “I was a loyal soldier... pero minsan work lang 'to, walang ibang dahilan.”

Samantala, napag-alaman ng PEP na magkakaroon ng grand welcome para kay Ai-Ai sa Sunday All Stars sa Linggo, April 19.

Magkakaroon din siya ng interview sa Startalk sa susunod na linggo.

At gaya ng alam na ng marami, ang unang teleseryeng gagawin ni Ai-Ai bilang Kapuso ay ang Let The Love Begin, na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ano pa ang ibang magiging proyekto ni Ai-Ai sa GMA ay mabibigyan ng kasagutan bukas, April 16.

Taong 1991 nang unang lumabas si Ai-Ai sa bakuran ng GMA sa pamamagitan ng late-night talk show na R.S.V.P., kung saan pinasikat niya ang karakter na Cheenie La Chicka.

Naging host din siya ng defunct noontime shows ng Siete na Lunch Date at Salu-Salo Together.

Ginawa rin niya ang sitcom na 1 For 3 kasama sina Vic Sotto at Rosanna Roces.

Taong 1998 nang lumipat si Ai-Ai sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa Kapamilya network ay naging bahagi siya ng variety shows (Magandang Tanghali Bayan, Masayang Tanghali Bayan, at Pilipinas Got Talent); sitcoms (Arriba, Arriba!, Whattamen, Ang Tanging Ina, My Juan and Only, Volta, M3, at Toda Max); talk shows (Morning Star at Ruffa & Ai); at teleseryes (Bituing Walang Ningning, Super Inggo, Princess Sarah, I Love Betty La Fea, May Bukas Pa, Maria del Barrio, My Binondo Girl, Wako Wako, at Dyesebel).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN