Jasmine Curtis-Smith reiterates there’s nothing going on between her and Paulo Avelino

Jasmine Curtis-Smith on dinner photo with Paulo Avelino: “Nasagot na ’yan ni Paulo, so pretty much what’s been said—co-workers and friends who went hanging out. We’re always naman po in a group, sumama ang co-actors namin at ang direktor namin. It was a group dinner. So, there’s no really reason to make a big issue on what’s been said and done already.”


Patuloy pa rin ang pag-uugnay kina Jasmine Curtis-Smith at Paulo Avelino sa kabila ng pahayag nilang walang namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkatrabaho at magkaibigan.

Magkasama ang dalawa sa kasalukuyang sinu-shoot na pelikulang Mara para sa Regal Entertainment, Inc.

Kasabay ng breakup nina Jasmine at Sam Concepcion at balitang pagkakalabuan noon ng relasyon nina Paulo at KC Concepcion at ay ang pagkalat sa Internet ng larawan nina Jasmine at Paulo habang nagdi-dinner.

Read: Is Paulo Avelino's sighting with Jasmine Curtis-Smith related to KC Concepcion's "emo" IG posts?

Ngunit sabi nga ni Jasmine, "Actually po, nalinaw na namin 'yan pareho.

“Nasagot na 'yan ni Paulo, so pretty much what's been said—co-workers and friends who went hanging out.

“We're always naman po in a group, sumama ang co-actors namin at ang direktor namin. It was a group dinner.

“So, there's no really reason to make a big issue on what's been said and done already.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Jasmine sa post-birthday treat cum presccon para sa kanya kahapon, April 14, sa Discovery Suites, Ortigas, Mandaluyong City.

Kasabay na rin nito ang pag-launch sa kanya bilang World Vision ambassadress at bilang cover girl ng iba't ibang mga magasin, kabilang na ang Men's Health.

IS PAULO COURTING HER? Wala ba talaga siyang nararamdamang tipong pinupormahan siya ni Paulo?

Sagot ni Jasmine, "Alam niyo po, honestly, I don't wanna be speaking on behalf of anyone else, especially of him.

"Kasi, I don't wanna be... we have our own little worlds, we have our own little troubles.

"And it's enough to face that alone.

"Just a respect for him, I don't wanna be mingling whatever is going on with his life.

"Let's just respect his privacy."

Nasa punto na ba ang friendship nila na natatakbuhan siya ni Paulo kapag may gusto itong makausap? O may mga bagay bang nasasabi ito na may kinalaman sa pinagdadaanan nito ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ng 21-year-old actress, “Tingin ko naman po, it's not fair to disclose anything that he might have shared with me.

“Like I said, I respect him and whatever he's going through.

“I’m sure, other artists whose friends with him have the same respect on him and what he shared."

MISUNDERSTOOD. Sa puntong ito ay inalam ng PEP kay Jasmine kung pakiramdam niya ay misundertood siya ng ibang tao.

Pangalawang beses na kasi itong nadadawit siya sa intriga involving actors na may ibang kapareha—on and off screen.

Naunang na siyang na-link kay Daniel Padilla, na ka-loveteam at rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Pahayag ng younger sister ni Anne Curtis, "I think, almost all artists are misunderstood.

"Siyempre, nakikita kami as how we are presented.

"And, wala, e, ganun talaga, 'di ba?

"Kahit ano namang pakita namin sa inyo on how we are in real life or sa social media accounts, meron pa rin kayong makikita through what's seen in the news or what's written in magazines.

"We can't help it, so it's fine.

"I guess I've also misunderstood other artists before I've met them.

"And my opinions on them have changed as I got to know them, so okey lang."

SAM CONCEPCION. Inusisa rin si Jasmine tungkol sa usap-usapang gusto raw siyang balikan ng kanyang ex-boyfriend na si Sam Concepcion.

Nakangiting reaksiyon ng dalaga, "Happy birthday to me!

"The thing is, don't wanna be talking about other people.

"I just wanna so respect their decisions, their privacy, their private lives.

"That's all, and..."

Binati naman daw siya ni Sam noong birthday niya. Binigyan ba siya ng regalo ni Sam?

Ayon kay Jasmine, “Wala ako dito, so walang chance. I was in Thailand. So, yun.”

Diin pa ng Kapatid actress, wala siyang panahon ngayon sa lovelife at talagang naka-focus siya sa trabaho, lalo na't sunud-sunod ang kanyang projects na ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN