Andrea Torres not threatened by Megan Young: “Hindi ko naman inaaangkin si Mikael."

Andrea Torres wants to be paired with Dennis Trillo, Alden Richards, and Tom Rodriguez: “Actually silang tatlo… yung talagang seryoso sa craft nila. So, feeling ko, ‘pag sila yung naka-partner ko, parang madadamay ka or may matututunan ka sa kanilang techniques.”


Hindi raw nag-aalala si Andrea Torres kung sakaling sa perennial onscreen partner niyang si Mikael Daez na ipareha ang balik-Kapusong si Megan Young.

May napapabalita kang si Megan ang gaganap sa 2015 version ng Marimar sa GMA; at hindi man diretsahang umaamin ay marami ang naniniwalang magkarelasyon sina Mikael at Megan.

Wala raw problema kay Andrea kung ipareha si Mikael kay Megan sa mga future projects ng GMA.

Sabi ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay lang, hindi ko naman inaangkin si Mikael.

“Alam ko, parang darating yung time na maghihiwalay na rin talaga kami.”

Sawa na ba siyang leading man si Mikael?

“Hindi naman, kumbaga parang maganda rin yung ma-experience mo yung ibang leading man.

“Pero kung kami ulit, okay rin, kasi sanay na sanay na ako kay Mikael.”

Kung papipiliin siya ng gusto niyang makapareha bukod kay Mikael, ang choices ni Andrea ay sina Alden Richards, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo.

“Si Alden, parang sobrang seryoso niya sa work niya, e.

“‘Tapos ang galing niya, feeling ko parang mahahawa ka sa galing niya.

“Actually silang tatlo… yung talagang seryoso sa craft nila.

“So, feeling ko, ‘pag sila yung naka-partner ko, parang madadamay ka or may matututunan ka sa kanilang techniques.”

MARIAN'S PREGNANCY. Iisa ang manager nina Andrea at Marian Rivera; at masaya si Andrea sa good news na buntis na si Marian.

“Kasi vocal naman sila na iyon talaga ang first goal talaga nilang mag-asawa, e.

“‘Tsaka gusto ko talagang makita kung ano ang hitsura ng anak nila.

“Kasi yung combination nila, parang perfect yung babae, perfect yung lalaki,” sabi ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN