Jasmine Curtis-Smith attests her magazine covers are not photoshopped: “I worked hard for it!”

Jasmine Curtis-Smith takes being 21 seriously, declaring it to mean being more responsible and proving it by investing her hard-earned money. She relates, “I just finished [paying] my first investment, which is the condo I am living in. We also invested in another one."


Kasalukuyang cover girl si Jasmine Curtis-Smith sa apat na magazines—ang Men’s Health, Uno, Roguee, at Trip—kung saan naka-highlight ang mas sexy at mature na image ng Kapatid star.

Inamin ni Jasmine na lahat ng tips sa pagpapa-sexy ay hiningi niya sa kanyang ate na si Anne Curtis.

Aniya, “Actually, kay Ate ko talaga hiningi lahat ng payo dun.

“Yung trainer namin, magkapareho. Pati na rin yung dietician namin, pareho.

“I trained with Alvin [Abano] and I also went through a healthier diet with Nadine Tengco.

“So, for two months, ganun yung inatupag ko, thanks to her.

“She’s the one who hooked me up with the trainer and the nutritionist.

“So I kinda owe it to her na magagaling ang mga taong tumutulong at sumusuporta para ma-achieve yung goal ko to be fitter and healthier.”

Masasabi ba ni Jasmine na she’s as sexy as her sister?

Sagot niya, “Malayo naman yung pagka-sexy ni Ate sa katawan ko.

“Ayoko naman i-name yung mga parte ng body namin na magkaiba, pero there are differences.

“And you can’t escape the comparisons din naman talaga.

“So, okay lang yun, kasi lahat naman ng babae magkakaiba ng katawan, e.”

Ano nga ba ang edge niya sa ate niya?

Ang maikling sagot ni Jasmine, “Yung ngiti ko.”


SUPPORTIVE SISTER. Inamin ni Jasmine na nagulat ang ate niya sa resulta ng magazine covers niya.

Pag-amin niya, “Nagulat si Ate kasi hindi naman niya in-expect.

"Nung 14 or 15 pa lang ako, si Ate medyo nag-aaya na siya mag-exercise ako.

“Ako, laging, ‘Bahala na at saka na, 'pag 18 na ako.’

“Nag-18 na ako, hindi pa rin.

"'Tapos one day, ‘Ate, sino ang magandang trainer, sinong magandang nutritionist?'

"So, dun nagsimula. I put my head down and I worked hard for it.”

Dagdag ni Jasmine, “By the time we were doing the shoots, dumaan siya sa studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Proud na proud siya sa akin kasi hindi niya ma-imagine na magagawa ko yung isang bagay na yun.

“Na magiging disiplinado ako for two months to really achieve a goal, to put my heart into it as well, so tuwang-tuwa siya.

“Sobrang saya ni Ate and tuwing pinu-post ko siya sa social media account ko, tini-text niya ako agad.

“‘Babe, ang ganda-ganda mo! Congratulations, I am so happy for you.’

“Ang lakas ng support sa akin ni Ate.”


AS IS. Sa kabilang banda, hindi mawasang kuwestyunin ng mga tao ang mga naglabasang litrato ni Jasmine sa magazines.

Tunay nga ba ang abs niya, ganun na ba talaga ang hubog ng katawan niya?

Sagot ni Jasmine sa mga nagdududa: “I worked hard for it!”

Usapan nga raw nila ng mga staff ng magazines na walang retoke na gagawin sa kanyang mga litrato.

Sabi pa niya, “We want to show them how our bodies look like in real life.

“Ang pangit naman na makita nila na ang ganda-ganda ng katawan sa magazine, pagharap in person, ‘Anyare? Ba’t ganun? Wala naman pala siyang abs, ang laki naman pala ng hita.’

“Alam mo yun, walang justice yung pinaghirapan mo kung ipo-photoshop lang din pala.

“E, di sana hindi ka na lang nag-workout, hinayaan mo na lang na i-photoshop nila, ‘di ba?”

Ready na ba siya maging FHM cover girl?

Tugon ni Jasmine, “Feeling ko pa kasi, sobrang immature pa ng aking pag-iisip for something like that.


“And it’s a whole different audience that you’re targeting for that, so hanggang dito muna ako.

“Ayokong tumalon masyado to something na ‘di ako sigurado about, hanggang dito muna ako.”


INDEPENDENT. "The Eagle Has Landed" ang mga katagang nabanggit sa pagdating ni Jasmine sa kanyang birthday presscon sa Serendipity Lounge, Discovery Suites, noong Martes, April 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapansin din ang hashtag na #Eagle21 sa kanyang posts simula ng kanyang kaarawan noong April 6, na ipinagdiwang niya sa isang beach sa Thailand.

Ibinahagi ni Jasmine ang kahulugan ng eagle sa kanyang buhay.

“Twenty-one, obviously, my age.

“But the eagle is a symbol for me of strength and of soaring high for your dreams, for your goals.

"And being able to lead yourself into a better path and stick to it.”

Inamin ni Jasmine na kasabay ng pagdagdag ng kanyang edad ang mga responsibilidad na kailangan niyang harapin sa buhay.

Sa halip na ma-pressure, mas gusto raw niyang harapin ito nang masaya.

Saad niya, “More responsibilities are coming my way na kailangan ko i-handle more maturely.

“But in terms of pressure, I don’t want to feel so stressed about that easily, so relax lang tayo.

“Twenty-one, we shouldn’t be too heavy as I turn a year older.

“More of, ‘Okay, hello womanhood!’

“Embrace it; make sure you do it responsibly.”

Noong nakaraang taon ay nagdesisyon si Jasmine na manirahan nang mag-isa sa sariling condo unit nito.

Ngayon, may panibago na naman siyang investment na bunga rin ng kanyang pagtatrabaho.

“I just finished [paying] my first investment, which is the condo I am living in.

“We also invested in another one. So far, that’s it!

“Everything I own so far has been paid by me completely, so it’s really independent living na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN