Manila Mayor Joseph Estrada announces reelection bid in 2016

Ipinangako ni Mayor Joseph Estrada noon na isang termino lang ang nais niya upang manilbihan sa lungsod ng Maynila. Pero kulang daw ang tatlong taon upang maisakatuparan nito ang pangakong maibalik muli ang sigla ng lungsod.


Naghayag na ng kanyang intensiyon si Mayor Joseph "Erap" Estrada na tumakbo mula sa pagka-alkalde ng Maynila sa 2016.

Sa panayam sa kanya ng media kahapon, April 14, sinabi ni Mayor Erap na hindi pa ito pinal, ngunit mapipilitan siyang tumakbo muli kapag natuloy ang planong pagtakbo ni Vice Mayor Isko Moreno sa Senado.

“I would be forced to seek re-election if Vice Mayor Isko Moreno pushes through with his plan to run either for senator or congressman in the 2016 elections,” pahayag ni Mayor Erap sa ulat ng Manila Standard.

Suportado naman ni Erap ang kanyang bise-alkalde sakaling ituloy nito ang planong pagsabak sa mas mataas na posisyon.

Matapos manalo noong 2013, sinabi ni Erap na isang termino lang ang nais niya upang manungkulan bilang alkalde ng Maynila.

Ipauubaya na raw niya kay Isko ang pagiging mayor ng lungsod sa susunod na halalan.

Ngunit tila nagbago na ang plano ng dating Pangulo ng Pilipinas.


BRINGING BACK THE OLD GLORY OF MANILA. Ayon naman sa hiwalay na ulat ng Tempo tabloid, kahit pangarap talaga ni Isko ang maging mayor, magpapaubaya raw siya kay Erap dahil nakikita raw niya ang pagnanais nitong maibalik ang dating sigla ng Maynila.

Hindi pa rin daw kasi natutupad ni Erap ang kanyang pangako sa mga taga-Maynila dahil kulang ang tatlong taon upang maisakatuparan ang mga ito.

Ayon kay Erap, “I was not able to do everything in the first one and a half year because I inherited a bankrupt city…

"I have no choice but to raise the real property taxes so after one and a half years, I will be able to pay our debt of P4.4 billion."

Bago umupo si Erap bilang mayor ng Maynila ay si Alfredo Lim ang nakapuwesto.

Dagdag pa ni Erap, “It is the vice mayor who told me I should continue… That I should continue the programs for the city.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma na rin ni Erap na tatakbo nga sa Senado si Vice Mayor Isko.

Nitong mga nakaraang araw, lumalabas na sa telebisyon ang isang infomercial tampok ang bise-alkalde ng Maynila.

Sa Linggo, April 19, magdiriwang ng kanyang ika-78 kaarawan si Erap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN