Janno Gibbs once again denies separation rumor with wife Bing Loyzaga

King of Soul Janno Gibbs releases his new album under GMA Records titled Novela, a compilation of his compositions used as theme songs of Kapuso teleseryes.


Novela ang pamagat ng bagong 12-track CD album ni Janno Gibbs sa GMA Records.

Compilation ito ng mga composition ni Janno na ginamit bilang theme songs ng mga teleserye ng GMA Network.

“Inspired at mas masipag ngayon” ang description ng 46-year-old singer-comedian sa sarili dahil masaya siya sa kanyang ginagawa—ang pagsusulat ng mga kanta para sa mga drama series ng Kapuso network.

Hindi itinanggi ni Janno na nagkaroon ng pagkakataong tinamad siya na magtrabaho dahil sa depression na pinagdaanan niya na resulta ng kanyang pagtaba.

Lahad niya, “Yung weight ko, lumaki talaga.

“Siyempre, ayokong lumabas… tutuksuhin ka lang

“Hindi ako nag-stress eating, siguro nag-relax lang…

“Masyadong nag-relax sa kain, walang exercise.

“Hindi naman sa tinamad ako na magtrabaho, pero parang nahihiya kang lumabas.

“Kinausap ako ng daddy ko [Ronaldo Valdez]...

“Yun ang time na lumabas naman ako sa Jessica Soho na na-depress talaga ako.

“So, kailangan ng support ng mommy at daddy ko, si Bing [Loyzaga, his wife], mga anak ko.

“From the weight, naghalu-halo na… parang pressure na.

“Ayokong lumabas, pero siyempre kailangan kong magtrabaho.

“Unti-unti, pinilit kong mag-work talaga.

“Nung Pyra [2013], kalakihan ko, pero itinuloy ko na lang.

“Sabi ko, malalampasan din naman yung tingin sa ‘yo na mataba ka.

“Nasa performance naman ‘yon. Tiniyaga ko lang.”

SEPARATION RUMOR. For the nth time, muli ring pinabulaanan ni Janno na hiwalay na sila ng misis niyang si Bing Loyzaga.

Nabili raw nila ang katabing unit ng kanilang bahay at dito nakalagay ang kanyang mga personal na gamit, kaya inakala ng mga tao na nagkanya-kanya na sila ni Bing.

As a matter of fact, ipinagdiwang nila noong 2014 ang kanilang silver wedding anniversary

Biro niya, “Walang taon na hiwalay kami. Ano lang, mainit lang ang ulo… ganoon lang.”

Ngunit seryosong dugtong ni Janno, “Nakuha na namin yung kabilang unit.

“So, meron na kaming room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro akala nung iba, nakikita kami, ‘Uy, nandoon siya sa kabila.’

“Meron akong sariling kuwarto. Nandoon yung mga damit ko.”

NOT DEMONSTRATIVE. Sinagot din ni Janno ang isyung hindi raw sila sweet o affectionate sa isa’t isa ni Bing, kung kaya’t tumitindi ang hinala ng ilan na hiwalay nga sila.

Sabi ng King of Soul, “Nakakatawa kapag nagpo-post ako sa Instagram.

“Kaming dalawa, medyo sweet na picture...

"Kasi ano kami, hindi kami cheesy na ‘with my honey, with my babe.’

"Ano lang kami, ‘with Bing Loyzaga, with Janno Gibbs,’ ganoon.

“Ang mga comment, ‘Ay, sana po magkabalikan kayo!”

“’Ay, nagkabalikan na sila, yehey!’

“Nakakatawa… natatawa na lang kami.”

Diin pa ni Janno, “Okey naman kami.

“Hindi lang kami yung mga showy na kailangan malagkit… love of my life…

“Hindi kami ganoon, kahit naman siya.

“Sa bahay, ano naman kami, affectionate kami.

“Sa publiko, medyo kinikilabutan kami na maging ganyan.

“Wala lang, kinikilabutan lang kami. Parang, ‘Yuuck!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN